6

5 1 0
                                    

Habang nasa byahe, hindi niya maiwasang tingnan ito at hangaan ang maganda nitong mukha. Pagdating nila sa condo niya, ginawa na niya ang plano niya.Kinabukasan, nagising silang dalawa ni Brigette nang marinig nila ang malakas na boses ng Papa nito.

“What’s the meaning of this Brigette?!” galit na sigaw ng papa nito.

Back to Briggete's side😊

“Pa-Papa!”  gulat niyang sambit nang makita ang galit niyang ama.

“Kailan mo pa ako niloloko ha Brigette?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

“Papa hindi ko po kayo niloloko” depensa niya sa kanyang sarili.

“Hindi?Eh ano ang nakita ko?Bakit kayo magkatabi sa isang kama at walang saplot sa katawan?”

“Papa hindi ko po alam” umiiyak na pahayag niya sa kanyang ama.

“Hindi mo alam?Anong klaseng sagot yan ha,Brigette?Kung hindi sana sobrang late kagabi eh pinuntahan na kita dito dahil umuwi ng mag-isa ang kuya mo.Sagutin mo nga ako.Kailan niyo pa ako niloloko ni Paul, ha?”pagpapatuloy pa nito. Natatakot siya para sa ama dahil baka atakehin ito sa puso.

“Papa mali po kayo ng pagkakaintindi.Hindi ko alam-” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sumingit ang lalaking katabi niya.

“Don’t worry tito.Pananagutan ko po ang nangyari sa min” napatingin siya dito dahil sa mga sinabi nito.

“Paul!” saway niya dito pero parang wala itong naririnig.

“Mabuti naman kung ganun. I expect your parents tonight, Paul” hindi siya nila pinapansin at patuloy lang na nag-usap na para bang wala siya roon.

“Opo, Tito”

“No Pa!Hear me out first, please!” sigaw niya sa ama.Kung kailangan mag makaawa para pakinggan ay gagawin niya.

“No more explanation Brigette.I saw what I saw. I expect the both of you to appear at the dinner later. I have to go” pinal na saad nito sa kanila bago umalis.

“Pa!wait!!!” sigaw niya rito pero nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad ng hindi man lang lumilingon.

Wala siyang  nagawa kundi ang umiyak na lang dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya.

Mahal Kita Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon