At ngayon,pagkalipas ng anim na taon. Heto,at ito naman ang humahabol habol sa kanya. Ang nakakainis lang kasi, sabi kasi nito noon ay ayaw nito sa kanya. At ang masama pa, sinisira nito ang lahat ng dates niya.
*Flashback*
“Thanks for tonight Keith. I enjoyed so much” nakangiti niyang sabi kay Keith. Isa sa masugid niyang manliligaw. Gwapo ito, mayaman at mabait din. Kaso maaga pa para sagutin niya ito.
“Me too Brige. I hope this is not the last” nakangiti nitong turan sa kanya.
“Nah, it will not-” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil may biglang sumingit sa usapan nila.
“Of course that will be your last date with her Mr. Keith” singit nito sa kanila.
Napalingon siya sa nagsalita. Ganun na lang ang gulat niya ng makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang iba kundi si Paul Lawrence Deguia.Pero napalitan agad ito ng inis.“Don’t mind him Keith.See you next time” nakangiti niyang sabi dito.
“No more next time for you Keith”malakas na sabi nito kay Keith bago marahas na tumingin sa kanya.
“As long as I am here, no more dates with other guys for you Brigette” maotoridad at pinal na pahayag naman nito sa kanya
“Ano bang pinagsasabi mo?”inis na sikmat niya naman dito.
“Hey may I know who you are,man”tanong ni Keith dito.Bigla naman itong ngumisi.
“I am Paul Lawrence Deguia.The one and only fianće of this woman.want to see a proof?”pinihit nito ang katawan niya paharap dito at hinawakan ang baba niya.
At bago pa siya maka react, bigla siya nitoneg hinila at hinalikan sa labi. Sa sobrang gulat niya, hindi niya na alam kung anong gagawin niya. Hindi niya nagawang pumiglas kaya Keith believed in Paul’s little stunt. Nalaman niya na lang na paharurot nang umalis ang kotse ni Keith.
A/N: what do you think?
Ayos ba?
Comment your thoughts😁
Lovelove....Enjoy😙