4

3 1 0
                                    

Simula nung gabing yun, hindi na siya tinantanan ni Paul. Kung saan siya pupunta, siguradong nandun din ito. Kaya nga hindi na siya masyadong lumalabas ng bahay eh.

“Bunso, gusto mo sumama sa min?” tanong ng kuya Mark niya sa kanya habang nanunuod siya ng tv sa sala nila. Bihis na bihis ito. Ang kuya Mark niya ay siya ring kaibigan ng lalaking kinaiinisan niya ngayon.

“Hindi, kuya.Dito na lang ako. Baka pag sumama ako masisira lang rin ang gabi ko” tanggi niya rito. baka kasi kasama na naman nito ang kaibigan nito at mag-away pa sila nun at masira pa nila ang gabi ng kuya niya.

“Hindi.Sasama ka sa min ngayon.Hindi ka na masayadong lumalabas ng bahay ah.Nagmumukha ka ng zombie. Ang putla putla mo na”pinal na pahayag nito sa kanya.

“Kasalanan to ng bestfriend mo eh. Kung tinigilan niya na kaya ako.Mas maganda yun di ba? Babalik na ko sa dati pati na rin ang social life ko” ani niya sa kuya niya habang nagpapadyak-padyak pa.

“Huwag kang mag-alala.Nasabihan ko na yun.Hindi ka na guguluhin nun” natuwa naman siya sa narinig kaya biglang bumalik ang pagiging goodmood niya.

“Talaga, Kuya?” nagniningning ang mga matang tanong niya sa kuya niya.

“Oo nga.Kaya magbihis ka na para maka alis na tayo”

Agad naman siyang pumanhik sa kwarto niya at tuwang-tuwang nagbihis ng damit. Pumunta sila sa isang sikat na bar. Pagpasok nila ay nakita niya agad si Paul na nakaupo sa counter ng bar. Lumapit sila ng kuya niya dito. Nagbatian naman ito at ang kuya niya bago tumingin sa kaniya.

“Sorry for the problem I’ve caused last time Brigette. PRomise hindi na kita susundan at kukulitin simula ngayon”

That really shocked her! Samaha  na rin ng relief hindi na siya nito susundan at kukulitin. But a small part of her is sad dahil sumuko agad ito sa kanya. Ibig sabihin lang nun, hindi siya nito ganun kamahal para ipaglaban siya.



A/N: sana nagustuhan niyo😘
Vote and comment😍

Mahal Kita Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon