Chapter one

9 0 0
                                    

<HER SIDE>

×Rooftop×

Tumunong ang bell hudyat na rin ng Lunch break after ng lunch break ay 1 hour vacant namin kaya plano kong pumunta ng library para magbasa.

Inayos ko ang aking mga gamit at tuluyan nang lumabas ng aming classroom.

Hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan about kanina dahil nga sa hindi pagsagot ni Mina sa nanliligaw sakanya, some are mad at her kasi nga daw si Mario Gomez na yun, who is he? Player ng basketball team ng university namin. Magaling, good-looking, matalino, pero playboy. Kaya di ko rin siguro masisisi si Mina why she dumped him diba? Some people don't even care, some are on her side, siguro yung mga napaglaruan ni Gomez, Pero syempre majority pa rin ang galit sakanya. Well that's life, people will be mad at you kahit wala kang ginagawa sakanila, dahil lang sa hindi niya sinagot si Gomez? Ridiculous! They should be happy right? Kasi at least binigyan sila ni Mina ng pagkakataon para magpapansin dun. Gosh people!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang naririnig ang kung anu-anong pinagsasabi nila tungkol kay Mina.

"Napakakapal naman ng mukha nung babaeng yun" sabi nung babaeng kakalabas lang ng comfort room sa kasama niya.

Marami pang iba ang naririnig ko kaya't napailing na lamang ako.

Well Mina, is not my friend not even close to that i guess, but she's nice i know. Kaya bakit nila siya iju-judge kung di naman siya kilala? Hmm.

Hanggang sa wakas ay nakarating na ako sa canteen, dumiretso ako sa pila. Umorder ako ng chicken fillet with coke and fries. Kumain ako ng tahimik sa isang sulok. I have friends pero hindi ganun ka close, yung mga close friends ko ay nasa previous school na pinasukan ko.

Saktong naubos ko ang lahat ng pagkain ko nang pumasok ang aking kapatid kasama ang mga friends niya, tuloy-tuloy lang akong naglakad para di niya ako makita. I'm pretty sure pipilitin niya na naman akong pasamahin sakanila, they're not my friends why would i join their company? Mao-op lang ako for sure.

Sa halip na sa library ako tumuloy ay naghanap na lamang ako ng ibang pwedeng Pag-istambayan. Hanggang sa napadpad ako sa rooftop ng Fine Arts building, ngayon lang ako nakapunta dito dahil lagi naman akong nasa library. Mahangin, relaxing sobrang peaceful ng lugar na to. Maybe i will come here often. This is what i want, peaceful place and what i need, silence.

Umupo ako sa bench sa may dulong bahagi ng rooftop, napaka-peaceful talaga.

Ilang minuto pa akong nagmuni-muni doon. Naalala kong may  binili pala akong sticky note noong isang araw. Para sana ito sa mga assignments ko para may pagsulatan ako kung may kailangan bang ipasa o ano.

Nagsulat na lamang ako doon ng isang Haiku.

Always be happy
Live your life to the fullest,
it will be okay.

Soon..i hope so, san nga maging okay na ang lahat....gusto ko nang maging masaya, yung totoong masaya.

Idinikit ko sa pader katabi lamang ng bench na inuupuan ko ang sticky note at tumayo na.

Malapit nang matapos ang vacant namin kaya't minabuti ko na ring umalis doon at bumalik sa na saaming silid.

Hanggang sa makarating ako saaming silid ay kanya-kanyang grupo ang mga kaklase ko, napailing na lamang ako. Sino ba ang gustong maging kaibigan ako? Maganda ako, oo pero dahil nga "playing geek" ako ibig sabihin di talaga nila makikita ang kagandahan ko.

Napasulyap ako saaking kasuotan. Maong jeans, plain white t-shirt, nakasalamin (dahil medyo malabo na ang mata ko) at naka vans na sapatos. Medyo buhaghag pa siguro ang buhok ko dahil medyo tumakbo ako papunta dito.

Pero ayos lang, di naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mo ng kaibigan, ng karamay. Kasi pwede mo namang maging karamay ang sarili mo diba?

People come and go. Don't expect them to stay in your life forever. Mabilis magsawa ang tao, ganun naman palagi, so bakit pa ako hahanap ng kaibigan kung kaya ko namang mag-isa. As much as possible i avoid too much attachments, kasi ayoko na sa huli ay may masaktan akong tao or ako ang masaktan ng tao....ayoko nang maulit pa yun. Once is enough i guess.

Tinulog ko na lang ulit habang nakikinig ng music saaking earphone. Mas mabuti nang ganito kaysa hayaan kong marinig ng tainga ko ang kung anong tsismis ng mga kaklase ko. Right, it's better to stay that way.

"Pass your projects infront" yan agad ang bungad saamin ng professor namin sa English. Oo nga pala ito ang dahilan ng pagkapuyat ko kagabi.

Isa-isang nagpasa ng mga projects at pagkatapos nun ay nag umpisa na ring mag-discuss si prof.

"Questions so far?" Tanong ni prof sa buong klase matapos niyang mai-discuss lahat.

"None so far" sabay-sabay namang sabi ng klase.

"So i hope na-gets niyo naman ang lahat kasi 2 weeks from now eh magkakaroon tayo ng test okay?"

We all said yes, pagkatapos ay may pinaalala pa siyang mga ibang mahahalagang bagay.

1 more subject to go and finally uwian na.

So there, nag umpisa na nga ang klase sa last subject which is Arts.

Nag-discuss din siya about sa iba't ibang artist or painters.

"Class oo nga pala, next week magtatayo na ng mga booth, so i hope na makipag-participate kayong lahat okay?" Sabi ni Miss Eury.

We all agreed to her. Pero saan naman kaya ako sasamang booth? Tss.

The bell rang, hudyat na na tapos na ang klase. Mabuti naman kung ganun dahil pagod na ako at gusto ko nang humiga.

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na, pero didiretso muna ako ng library para humiram ng libro.

After kong humiram ng libro para basahin sa bahay ay tuluyan na akong umalis ng school.

Nagmano ako kay mama ng makapasok ako ng bahay namin.

"Asaan ang kapatid mo?" Tanong niya at inilapag ang kutsilyo. Nagluluto na pala siya para siguro sa dinner.

"Hindi ko alam ma, baka nasa school pa at may ginagawang sigurong importante" sabi ko.

Pagkatapos nun ay umakyat na ako para makapunta saaking silid. I sighed heavily pagkasalampak ko ng aking katawab sa aking kama.

Hinila agad ako ng antok. Dahil na rin siguro sa pagod.

Kung SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon