<HER SIDE>×Lonely×
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa bed side table ko, pero inaantok pa ako kaya naman nagtalukbong akong muli ng kumot, but the irritating sound from my alarm clock made me sighed heavily.
"Please five minutes!" i shouted, but the alarm clock did not let me.
Alas-onse na kasi ako natulog kagabi dahil sa tinapos kong tapusin ang project ko.
Tumayo ako at nagkusot ng mga mata,konting stretch at pumasok na ako sa banyo para makapag-shower.
Pagkalabas ko ay nagbihis na agad ako at nag-ayos ng konti.
"Good morning ma" i greeted my mother
"Mag-almusal ka na, asaan ang ate mo?"
" i don't know" i replied
"Eh bakit hindi mo na tinawag? O ginising man lang?" Tanong niya pa
"Ma male-late na ako, gising naman na siguro yun" sabi ko pa
Bakit ba kasi ang big deal lagi kung di man lang makabangon ng maaga yun?
"Ikaw di mo man lang maisip na gisingin ang ate mo, para naman makasabay siya saatin"
I mentally rolled my eyes, whatever kakain siya kung gusto niya. Kumuha na lamang ako ng pagkain ko para makaalis na rin agad
Bigla namang may umupo sa gilid ko, my dear sister.
"Oh kumain ka na, para sabay na kayo ng kapatid mo" at iniabot ni mama ang ulam sa prinsesa
Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako at tumayo, inayos ko ang aking sarili at hinarap ang aking kapatid
"Kung gusto mong sumabay dalian mo" i said to sister pagkatapos ay pumunta ako ng living room.
Well I'm not always mean to my sister, but yes i envy her. Why? Because, she's the favorite, favorite sa bahay, sa mga relatives namin, sa school, sa lahat. And why is she the favorite? Because, she got it all, the looks, yung katalinuhan, yung talent, yung lahat na. While me? I'm just a pretty face sabi nga nila, maganda lang ako pero wala akong talent. Maybe yes I'm intelligent but not as intelligent as her. But no hindi ako nagsisisi na hindi ko nakuha or wala ako ng mga meron sakanya. I'm satisfied with myself. Because being yourself is the most beautiful thing to do.
"Let's go" bigla naman siyang lumabas mula sa kusina.
I waved goodbye to my mother and kissed her cheeks and did the same to my father.
"Mag-ingat kayo diyan" my father said.
We study in the same school, we have the same uniforms, same rules and regulations to follow, and we have have the same shoes as well. But we also have our differences just like. We're not in the same course, we do not have the same books, we're not in the same building, she's famous I'm not, and of course THE FAVORITE.
Pagkapasok ko pa lang ng school nagtinginan na lahat....nope hindi saakin, kundi sa babaeng nasa likod ko.
We're not in the same course, she wants to be a Pharmacist. Well ang talaga pa lang gusto niya ay maging doctor sana pero hindi kami sobrang yaman para kayanin yun lalo na't dalawa pa kami. Habang ako Fine Arts, painting is just actually my past time before; but then, whenever i paint i feel so relaxed. Alam mo yun parang ang gaan sa pakiramdam ang sarap.
"Ven una na ako ha" pagpapaalam saakin ng kapatid ko.
Tumango lamang ako at inayos ang aking backpack.
We just transferred here sa Azure University nang mag fourth year college kami pareho. She's one year older than me, pero sabay kaming pinagaral ng mga magulang namin and i don't know why.
Monday to Tuesday dapat ay uniform kami pero kapag naman Wednesday to Friday civilian.
Mula sa kinatatayuan ko, malayo pa ang building ng fine arts kaya kailangan ko nang mag umpisa maglakad.
Azure university is so wide, may garden, may malaking gymnasium, may Avr, may malaking canteen at kung anu-ano pa. This school is suitable for elites, pero dahil sa kagustuhan namin na dito talaga ay kumuha kami ng scholarship at sa awa ng Diyos ay pumasa naman.
Pang second week na ito magmula ng nagsimula ang klase, at hindi ko pa talaga nalilibot ang buong eskwelahan.
Baka siguro kapag may oras na lang ako. As usual pagkapasok ko pa lang ng classroom namin wala man lang tumingin o na curious man lang kung sino ba ang pumasok, playing geek ako dito. Yes I'm on top of our class but my parents never appreciated my efforts, should i give up? no i should not 'cause i have goals.
I sat on my chair nasa pinakalikod ako pero di naman sa pinaka-dulo. Kinuha ko ang headset at cellphone ko saaking backpack. I'd rather sleep, kaysa naman makinig sa mga tsismis or what ng mga tao dito.
After 5 minutes siguro, nagising ako dahil sa kung anong ingay na naririnig ko. May pinagkakaguluhan sa corridor, tss ano naman kaya ang kalokohan na to?
I stood up ni-try kong makipagsiksikan pero di ko talaga kinaya, kaya naman nagtanong na lang ko.
"What's with the commotion?" Tanong ko kay Lia, classmate ko na nerdy pero tsismosa.
"May nililigawan kasi sa labas!" Kinikilig namang sambit niya.
Nililigawan? So corny. Sa una lang naman mgaling ang mga yan.
Napailing na lang ako at bumalik sa aking upuan. Mga 3 minutes after naman ay saktong nag-ring na ang bell hudyat na na mauumpisa na ang klase.
Nawala na rin ang commotion sa labas pero mas naging maingay ang naging bulong-bulungan dahil hindi sinagot ni Mina (yung babaeng nililigawan sa corridor which is my classmate) ang nanliligaw sakanya.
Hindi lahat ng tao kayang tapatan ang pagmamahal na ibibigay o ibinibigay mo, maaring mahal talaga ni Mina yung lalaki pero hindi sapat yun para sagutin na niya ito. Unfair ba? Hindi, kasi choice niya yun at kung maging unfair man, wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang kanyang sarili dahil desisiyon niya yun at yun ang pinili niya. Love is not just about happy endings, almost perfect relationships, it's not just about happiness. Love can also be about pain, sacrifices, and rejections.
Pumasok na ang teacher at tumahimik na ang lahat, napailing na lamang ako at nakinig sa klase.Maraming uhaw sa pag-ibig. Dahil halos lahat ng tao ngayon doon na nagfo-focus, pero sino nga ba ang ayaw magmahal? Ang ayaw mahalin? Lahat naman kasi pwedeng mabago ng pag-ibig kaya nga ganun na lang kauhaw ang mga tao dito....
Katulad ko.
BINABASA MO ANG
Kung Sakali
Ficción GeneralThere's so many different worlds, so many different suns, and we have just one world, but we live in different ones. Is it really possible na mainlove ka sa isang taong sobrang kabaliktaran ng buhay mo? Totoo bang opposite attracts? Hmm. She simply...