Chapter three

5 0 0
                                    

>HER SIDE<

×Challenge×

One week had passed at ganun pa rin talaga, walang pagbabago. The bell rings at next class na, pero vacant namin.

Gusto ko ng relaxing place at may naisip agad ako kung saan.

Dali dali akong tumakbo papunta sa rooftop kung saan ako nanggaling dati. Since that day di na ako napad-pad dun kasi kapag vacant ko diretso na lang akong library at dun magbasa ng kung anu-ano. Pero ngayon feel ko lang talaga na dapat akong pumunta dun, ewan lang siguro stress na ako ganun.

But anyway, ayun na nga at nandito na ako. Oh how i miss this peaceful place. I sighed heavily. Tumakbo ako at tinignan ang tanawin sa baba. Mula dito ay tanaw ko ang mga tao sa ibaba, may nagso-soccer sa field, may mga nanunod sa mga benches, mga mga naglalakad lang, naghaharutan, naglalampungan at iba pa.

Umupo ako sa may bench na nasa gilid at may lilim, mainit pero okay lang naman 10:27 am na kasi.

Naririnig ko ang mga huni ng ibon kasabay ng paghampas ng hangin, nakakatuwa parang gusto ko na manatili na lang talaga dito.

Inilabas ko saaking backpack ang tuna sandwich na binili ko at isang juice.

Ang peaceful talaga ng lugar na to, kung sana lang ay ganito ka peaceful ang buhay ko. Tahimik pero relaxing, yung walang kung anong problema, walang sakit, o kung ano man. Ang lugar na ito ay napaka tahimik ngunit sa bawat sulok nito ay alam mong mare-relax ka. Ang buhay ko ay tahimik, pero hindi relaxing at hindi peaceful. I sighed at the thought that, there are still some people who finds peace, who finds the relaxing spot in their lives. And I'm one of them.

After 20 minutes ay napagdesisiyonan ko ng bumaba dahil maguumpisa na rin ang klase namin.

Pumasok si prof Ibasco, siya ang prof namin sa Social Science. Nakinig na lamang ako kahit panay ang bulungan ng mga tao sa likod ko.

"Ang cool talaga niya!" Sabi ng babaeng di ko alam ang pangalan.

"Ikr, ang graceful lang niya gumalaw" kulang na lang siguro ay maghampasan na sila ng upuan.

"Omy! Nafe-feel ko talaga na magkakatuluyan kami." Sabi ulit nung unang babae.

"Me too" at nagtilian silang dalawa.

And as expected lahat ng kakalase namin pati na rin ang prof ay tumingin sakanila.

"Care to share girls?" Kalmado ngunit nakakatakot ang pagtatanong ng aming prof.

Kinuha ko ang salamin at mula dun ay tinignan ko ang reflection nilang dalawa.

Kung kanina ay ngising-ngisi sila, ngayon naman nakatunho na sila.

"Out" sa isang salita ni Prof. Ibasco, hindi mo na gugustuhing ulitin pa niya ito.

Sabay na tumayo at lumabas ang dalawang babae.

"Kung magchi-chismisan rin lang kayo, wag dito sa klase ko." Sabay sabay na nagsabi ng "yes" ang klase maliban saakin. Pake ko diyan.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.

Habang naglalakad ako sa corridor ay napatigil ako nang tumigil saaking harapan si Miss Eury, ang prof namin sa arts.

"Uhm good afternoon miss" bati ko.

"Good afternoon miss Marquez, di-diretso-hin na kita"

Nakatingin lamang ako sakanya habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Gusto ko sanang sumali ka sa theatre act"

Nagulat naman ako dun. Ako gusto niyang sumali? Why?

Kung SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon