<HER SIDE>
×first impression×
"Ma, sinasama nga pala ako nung prof ko sa theatre acting" sabi ko kay mama habang kumakain kami ng dinner.
"Talaga?" Dabi niya at uminom ng tubig.
"Opo kaso nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba" sabi ko at itinuloy ang pagkain. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napasulyap saakin ang aking kapatid since magkatabi lang naman kami.
"Why not?" She said then kumain.
"You know I'm kind of nervous kasi transferee pa lang naman ako dun, and there's so many what ifs that's running in my mind." I said without even looking at her.
"You should at least try, you know sister magaling ka diyan." Nagkibit balikat na lamang ako at itinuloy ang pagkain.
Should i accept it?
But what if...
Oh no, not again Venice.
Pagkapasok ko saaking kwarto ay ginawa ko na ang mga kailangang iresearch.
Nagising na lang ako dahil sa sinag ng sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko.
Napabalikwas agad ako nang na realize ko na may pasok ako.
But then sabado pala ngayon, thank goodness.
Tumayo na lang ako at lumabas para makapunta sa common bathroom saaming second floor at makapaghilamos.
After doing my morning routine ay bumaba na ako para makapag-almusal.
"Asaan si mama?" Tanong ko saaking kapatid na nasa sala at nanonood ng kung ano man ang kanyang pinapanood.
"Nasa garden, tawag ka pala niya" sabi niya without even glancing at me.
I mentally rolled my eyes at tumango.
Pumunta ako saaming garden at naabutan ko si mama na nagdidilig ng halaman
"Morning ma" bati ko.
Sumulyap siya saakin at binati rin ako ng good morning.
"Ay nga pala Ven pwede bang ikaw mag grocery ngayon? May pupuntahan kasi ako eh, kasama ko tita mo. Importante yun eh." Sabi niya habang nagdidilig ng aming mga halaman.
"Eh pero kasi ma-" magproprotesta sana ako dahil gagawa ako ng assignments ko ngayon at magpapahinga na rin kaso...
"Sige na Ven kung gusto niyong may makain pa tayo." She said with finality.
Fine.
"Sige ma" sabi ko at pumasok na sa kusina para mag-agahan.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ng kapatid ko pagkababa ko sa hagdan namin.
"Grocery" i simply said.
"Ay ganun ba?" Sabi niya at tila nagiisip pa "can i come with you?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Why?" I asked, habang nakatingin sakanya na may pagtataka pa din. Ano naman kasing gagawin niya at sasama siya saakin?
"Bored kaya dito, aalis si mama tas nasa trabaho si papa. Kaya since you're going to buy groceries, I'll come with you na lang" sabi niya.
Pwede din para may kasama akong magbibitbit, kaso maaksaya sa pamasahe kaya may naisip ako.
I arched my brow and looked at her "hmm since you're bored and you want to go with me, okay lang naman ang kaso maaksaya sa pamasahe. So since marami pa akong gagawing assignments ko at total gusto mo naman gumala edi--" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko at nagsalita na siya.
"Wait!" Tinaas pa niya ang kamay niya sa harap ko na tila sinasabing tumigil muna ako.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tila may binasa dito "oh! Sige sissy ikaw na lang pala mag isa ang mag grocery. Magvi-video call na lang pala kami ng friends ko, bye!" Sabi niya at tumakbo na paakyat ng hagdanan.
I rolled my eyes, tsk di talaga maasahan!
I sighed heavily and went to the kitchen. Kung saan andun si mama at nagsusulat sa may lamesa.
Lumapit ako sakanya para makapagpaalam na at kunin na ang pambili ng grocery " Ma, alis na po ako"
"Sige Ven. Ito yung perang pambili at sinulat ko na rin yung mga dapat mong bilhin" sabi niya sabay abot saakin ng pera at isang papel na may nakasulat na mga kailangan kong bilhin.
Kinuha ko na ang mga yun at nagpaalam na
Pagdating ko sa mall ay medyo madami ang tao, dahil na rin siguro ay weekend.
Dumiretso na lamang ako sa supermarket at binili ang mga sinulat ni mama.
Pagkapunta ko ng beverage area, may nakita akong isang pamilyar na lalaki ngunit di ko naman nakita ang mukha kasi nakatalikod siya
May kasama siyang babae pero bigla itong iniwan, ewan ko pero para talagang kilala ko yung lalaki.
Umiling naman ako at nagpatuloy na lamang, nang nasa counter na ako ay nakita kong palabas ng supermarket yung lalaki, pamilyar talaga siya pero di ko na matandaan kung saan ko siya nakita eh.
"3,457 po ma'am"
Nakatingin pa rin ako sa lalaki hanggang sa di ko na siya makita
"Ma'am? Ma'am!" Kalabit saakin nung babae sa cashier. Napaigtad naman ako
"Huh? Ano po yun ate?" Tanong ko
"3,457 po lahat ma'am" sabi niya naman, ay shete! Napatulala pala ako
"Ay heto pasensya na ate" sabi ko sabay abot ng pera.
Kinuha ko na ang mga pinamili ko at lumabas na rin ng supermarket.
Pero bigla akong nagutom kaya't pumunta muna ako sa isang café na nakita ko para dun na kumain.
"Hon, please. I'm willing to wait for you, just don't break up with me. I will support you, you know that. Just please hon, please"
Bigla namang sabi ng lalaki sa likod ko.
"No No, Travis. You don't understand." Tinig ng isang babae.
"Hon, please. I will wait, i just want an assurance from you." Sabi nanaman ng lalaki.
"I'm sorry Travis" narinig kong sinabi ng babae at tumayo siya.
"Elaine please honey" he desperately said.
Ngunit dumaan ang babae sa gilid ko at tuluyan nang lumbas ng café.
"Damn it!" Mura ng lalaki sa likod ko
Humarap ako sakanya, familiar siya ah
"Uhm sorry pero kasi aksidente kong narinig ang pinag-usapan niyo. Hindi mo ba siya susundan?" I asked.
Tumingin lang siya saakin at tinaasan ako ng kilay.
Ang taray naman ng lalaking to.
"You eavesdropped?" Tanong niya but it's more like a statement.
"Didn't you hear what I've said? Aksidente. So it means di ko naman sinasadya" sabi ko sakanya.
Duh anong tingin niya saakin? Nakikinig sa usapan ng may usapan? Di ko naman sinasadya na marinig ang mga yun.
" ganun na rin iyon" he emotionlessly said.
"Hindi yun ganun!" Ang kulit talaga nito! Ako na nga tong nagmamagandang loob eh.
I rolled my eyes at him at tsaka tinalikuran na siya.
I heard him tsked
Tumayo siya at dumaan sa gilid ko.
"You know sometimes. Eavesdropping can be detrimental too. So next time don't be an eavesdropper." he said.
Napaangat ako ng tingin sakanya, tuluyan na siyang lumabas ng cafe.
Napatunganga ako, at nagsink in na ng tuluyan ang sinabi niya.
What the fuck?
BINABASA MO ANG
Kung Sakali
General FictionThere's so many different worlds, so many different suns, and we have just one world, but we live in different ones. Is it really possible na mainlove ka sa isang taong sobrang kabaliktaran ng buhay mo? Totoo bang opposite attracts? Hmm. She simply...