<HER SIDE>
×Sulyap×
Another day pero parang wala rin namang nagbago. I mean aside sa schedule ko, eh wala naman nang nagbabago sa buhay ko.
Pagpasok ko pa lang ng aming classroom ay nagtinginan lahat sa pintuan..... But wait! Hindi saakin, kundi sa taong nasa gilid ko.
Si Mina.
Ayun hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan sakanya dahil nga sa hindi niya pagsagot sa lalaking yun. Mga tao talaga, ang hirap maka move on.
Nakayuko naman si Mina nang tinignan ko. At siya pa talaga ang nahihiya? I sighed heavily.
Hinila ko siya sa braso at umupo kami sa pinakalikuran, after a minute ay nagsitigilan na ang mga tsismosa naming classmates.
I shook my head, kinuha ko ang libro ko at napagdesisiyonan na lang na magbasa.
"Bakit mo ako pinagtanggol?" That made me turned to the girl beside me.
"Nope, i didn't save you" sabi ko sabay baling muli sa libro.
"Di mo ako linigtas pero hinila mo ako at pinaupo sa tabi mo?" Naguguluhan niya namang tanong.
Without turning my head to her, i replied "kung hindi kita hihilain dun, baka sila ang hihila sayo. You don't know how much crazy these people are because you dumped their dearest Gomez."
Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha, i smirked.
"Yeah you're right. Crazy frogs." And she shook her head. "Edi sana sila na ang sumagot dami pang satsat" bulong-bulong niya sa sarili niya habang kinukuha ang libro niya sa kanyang bag.
After 5 minutes ay dumating na ang aming professor. Nagumpisa na siyang magturo sa walang katapusang problem solving.
As usual nakakaantok nanaman, palagi namang ganun kaya madalas ay tinutulog ko na lang.
Pero hindi ngayon dahil nasa mood naman akong makinig at alam kong maghihirap nanaman ako nito pagdating ng exam."Uh-uhm Vennice gets mo?" Nahihiyang napatanong saakin si Mina.
Tinanguan ko na lang siya kahit di ko talaga sobrang na gets ang lesson namin sa Mathematics.
Pagkatapos ng dalawang subjects ay sa wakas break time.
"Vennice what do you want to eat? I'll treat you, pambawi man lang" sabi niya habang nasa gilid ko, sinundan pala ako ng babaeng 'to.
"Nope ayos na yun. No need to treat me, hindi ako humihingi ng kapalit and i didn't save you." Diretsong tingin sa daan ang pagkakasabi ko.
"Yes di mo ako ni-save pero i want to treat you pa rin" sabi niya pagkatapos ay hinarangan ako.
Tinignan ko siya at napakumunot ang noo ko.
"For what?" I asked.
" uhm ano" she shyly bow her head and then closed her eyes. " i want us to be friends" at binuksan niya ang kanyang mga mata "kung okay lang sayo?" Dagdag pa nito.
"Ok" tanging sagot ko. I saw a glimpse of joy in her eyes and then diretso akong pumasok na lamang sa canteen.
"Ava siya yung nag-dump kay Mario right?" Narinig kong bulong ng babae sa unang table. kaya't napahinto ako.
"How dare her, akala mo kung sinong maganda!" Pag sang ayon naman ng katabi niya habang nakatingin sa may likod ko kung nasaan si Mina.
Tumayo naman ang matangkad, maputi at mistulang nag- foundation day na babae sa gilid nung nagsalita kanina.
"Go Ava" pag-cheer naman nung isang kasama nila na kulot ang buhok. Bale apat sila.
Pumunta siya saaking gilid kung nasaan si Mina. "You're Mina right?" Tanong niya.
Nakayuko namang tumango si Mina.
"Thank you" napa-angat naman ng tingin ang aking kasama, habang ako ay nanonood lamang sa kanilang dalawa.
"F-for wh-what?" Mina asked while stammering.
"For dumping My Mario. Because of it mas naging close kami" ngiti-ngiti niyang sabi. Nagtataka pa rin ang mukha ng kasama ko.
Napataas naman ang kilay ko at napailing na lang. Napatingin naman yung Ava saakin dahil sa ginawa ko.
She raised her not so perfectly pluck eyebrows "what's your problem?"
"Nothing" i smirked then dumiretso na lang ako sa pila.
Bigla namang may tumabi saakin, si Mina.
May mga kaibigan naman talaga ako dati. Kaso lang lahat sila nasa probinsya namin, high school friends ko kasi sila at ngayon minsan na rin lang kami magkausap dahil may kanya kanya na kaming buhay at ako'y lumipat sa Maynila.
Kaya naman naninibago ako kay Mina. Friendly naman ako pero hindi ako approachable na tao kaya siguro wala akong kaibigan dito, unlike my sister. Sila kasi ang lumalapit sakanya, hindi siya. But it's okay because it's still quality over quantity.
Pagkatapos naming kumain ay sabay na rin kaming naglakad ni Mina pabalik sa aming silid. When Mina suddenly stopped.
I looked at her and asked "why?"
"May kukunin nga pala ako kay Sir Dela Cruz para sa next project natin." Sabi niya habang tinatapik-tapik pa ang kanyang sentido.
"Okay tara kunin na natin, asan ba siya?" Tanong ko.
"Uhm sabi niya saakin nasa engineering department siya ng mga 1 pm." Sabi niya habang nakatingin sa daan papuntang Engineering department.
"Ganun ba, medyo malayo yun pero kaya pa naman" sabi ko.
Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad.
Medyo malayo ang engineering department gaya nga ng sabi ko pero medyo lang naman kaya makakaabot pa kami sa next subject.
Pagkarating namin sa Third floor, dahil base sa pinagtanungan namin ay doon daw ang klase ngayon ni Sir.
Mga 2:30 pa kasi nagbre-break ang mga taga Eng. Department base na rin kay Mina, dahil ganun daw ang oras ng break ni Gomez.
When finally we reached room 221 i saw Mina sighed heavily.
"Bakit? Are you okay?" I asked her. But she just shook her head.
Mina knocked the door twice, then the door bursted open.
Bumungad saamin ang nakasalamin na si Sir Dela Cruz.
"Oh miss Allegre akala ko di mo na kukunin ang proyekto na napili ko sainyo" bunalik si Sir Dela Cruz sa loob at may kinuha sa table.
Iniabot niya ang isang folder kay Mina. Siya kasi ang na-assign sa 'big project' daw namin kay sir.
Habang nagdi-discuss si Sir kay Mina para saaming project ay nilibot ko ang aking tingin sa silid na nasa likuran ni Sir.
Medyo maingay ang klase pero hindi naman pinapansin ni sir yun, marahil busy sa pagdi-duscuss kay Mina.
Nakita ko si Gomez nakikipagkulitan lamang siya sa kanyang nga kaibigan ngunit kinakantyawan naman siya ng mga ito.
"Tss"
Inalis ko ang tingin ko sakanila at inilibot pa ang mata ko. Hanggang sa napatingin ako sa lalaking dumaan sa gilid ko na di man lang marunong mag excuse!
I shot my brows up. Pero di man lang tumingin saakin at sa halip diretso lang siya sa kanyang upuan, which is sa may bandang likod.
Nakatingin lang ako sakanya, when suddenly he took a glance on me. With fierce eyes for just three seconds.
BINABASA MO ANG
Kung Sakali
General FictionThere's so many different worlds, so many different suns, and we have just one world, but we live in different ones. Is it really possible na mainlove ka sa isang taong sobrang kabaliktaran ng buhay mo? Totoo bang opposite attracts? Hmm. She simply...