Chapter Seven

21 10 4
                                    


Happy Valentines! Enjoy my treat. Medyo na delay lang pero oks lang naman yan diba? Hihihi


Nakita ko ang repleksyon ko mula sa pinto ng isang bukas na store. Magulo ang aking buhok, walang sapin ang aking paa na nakalapat sa malamig na semento.

Bakit ako andito? Kakagrocery ko lang naman ah. Hindi din naman ako gutom. Wala sa sarili kung tinulak ang pinto. Kinapa ko ang aking bulsa, nagababakasakaling may barya man lang ako ngunit nabigo ako. Tuluyan na akong pumasok kahit hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko dahil chineck ko ulit ang mga bulsa ko pero wala talaga akong makapa kahit ni isang sentimo. Walang ganang napaangat ang ulo ko pero nagimbal ang pagkatao ko sa nasaksihan ko. Maraming nabasag na kagamitan sa loob, ang mga paninda ay nagkalat na para bang dinaanan ng bagyo. Pero ang nakakagimbal sa lahat ay ang dalawang lalaki na walang malay. Ang isa ay halos lumuwa na ang mata, may mga sugat ito at nakasandal sa dingding, may nagkalat din na basag na mga bote sa tabi nya, subrang putla nito na parang walang dugo. Ang isa naman ay nasa counter. Puno din ng sugat ang mga kamay nito at gaya ng isa ay maputla din ito, may plastic sa ulo nya na nakatali ng mahigpit sa kanyang leeg.

Agad akong lumabas, madalim ang paligid. Walang mga sasakyan pero papatingin ako sa isang orasan na nagsasabing 12:47. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang taong may pulang mata. Hating gabi nangyari ang krimen?

Napabalikwas akong bumangon mula sa kama. Nanaginip na naman ako. Mga ilang minuto naman ng mag alarm ang cellphone ko. Aabutin ko na sa pero napatingin ako sa kamay ko. Bakit may sugar ako? Saan galing toh?  Iwinaksi ko ang aking ulo upang maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano.

Kung nanaginip na naman ako baka sakiling may namatay nga. Ngayon ko malalaman ang totoo. Sinabihan ko kasi ang mga kaibigan ko tungkol sa mga panigip ko pero tinawanan lang nila ako. Syempre hindi naman talaga kapani-paniwala pero malalaman ko mamaya. Maaring may ability ako na makita ang mga krimen sa paligid ko. Kung wala talagang mabalitang patay ngayon eh tama ang hinala ko, pag hindi, tama si Marlo at Karen nababaliw na ako.

Pero na tatandaan ko pa ang sinabi ni Venice nun matapos nila akong pagtawanan.

"Don't talk too much." Nung una naguluhan ako pero nagtagal ay naintindihan ko na. Dapat hindi ko pinagsasabi ang tungkol doon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may alam sya. Nahahawa na ba sya sa mag pinsang Kelly at Hendrix?

Pababa na ako sa hagdan ng makasalubong ko si Rea. Halos magkasalubong ang kilay nyang habang napatingin sa akin.

"Rea, may problema ba?" Medyo umiling si Rea.

"Akala ko kasi umalis ka kagabi kaya nagtaka ako kung bakit ka andito?" Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Ako? Aalis eh saan naman ako pupunta? At tulog na tulog ako kagabi. Baka namamalikmata ka lang." Tumango naman sya.

"Oo nga." Giit nya at patuloy na sa pag-akyat ng hagdan. I find it weird pero nagpatuloy ako sa pagbaba.

Pagkadating ko sa coffee shop ay sumalubong agad sa akin ang mga nakabusangot na mukha ng mga kaibigan ko syempre maliban nalang kay Venice. Minsan nga naisip ko na sa aming magkakaibigan, ako at si Venice lang ang normal. Hindi ko sila pinansin at si Venice ang una kong nilapita.

"Anyare sa mga yan?" Nginuso ko ang mga kaibigan kong sa akin na din pala nakatingin.

"Nagkasalubong daw kasi si ma'am Kelly at si manager kanina. Nagpapadala ng breakfast for her and for her cousin Mr. Rosales. Kaya nag presinta sila ang mag deliver pero special request daw ni ma'am Kelly na ikaw ang magdeliver. Kahit anong pilit nila ayaw talaga ni manager kaya napagalitan." Bakit kaya parang hindi bagay kay Venice na may tinatawag na ma'am or Mr.? Tapos ang English nya ang fluent. Matapos nya na magpaliwanag ay pareho kaming natawa.

"Alam mo minsan ba natanong mo din sa sarili mo Venice kung bakit mo naging kaibigan ang mga yan?" Nginuso ko sila na halata namang nakikinig sa usapan namin.

"Alam mo Red, hindi." Dritso syang napatingin sa apat kaya nakita kong lumiwanag ang mukha nila.

"Hindi minsan. Kasi palagi kong tinatanong yan sa sarili ko." Para nalang namatayan ang mukha ng mga kaibigan ko. Tumingin sila sa akin na para bang nagamamakaawa.

"Tsk. Ako nga din eh." Bago pa man sila makapagsalita ay hinigit na ako ni Venice palayo sa kanila.

Nauana kong inihatid ang kay Kelly pero busy sya kaya hindi na kami nakapag-usap.

Sakay na ako ng elevator pa akyat ng 23rd floor. May nakasabayan ako at para bang palihim nilang sinusuri ang pagkatao. Napakagat labi nalang ako at pinipilit na hindi sila pansinin pero wa effect dahil mas lalo akong kinakabahan habang pataas ng pataas ang numerong nakikita ko.

Bakit kaya pagpumunta ako dito kinakabahan ako. Ano kaya ang sasabibin ko kay Mr. Ros—Hendrix? Pano nalang kung andun sya? Magpapasalamat ba ako sa pagtulong nya. Wala naman sya siguro ngayon diba? Tama, wala sya ngayon kasi mag-iiwan lang sya ng sticky note na sa may nakasulat na ilapag ko lang sa mesa. Huminga ako ng malalalim nang nagsialisan na lahat ng tao at nag-iisa nalang ako dito. Isa lang ang ibig sabibin nun floor 23 na ang sunod na pagbukas ng elevator. At hindi ako nagmamali dahil bumukas na ang elevator at makikita mo na ang 23 na sinasabi ng digital screen.

Inihakbang ko ang aking paa at kinakabahang tinungo ang nag-iisang pintong andito. Walang nakasulat na sticky note kaya kinakabahan ako. Maingat na binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Mr. Ros— Hendrix na prenting naka upo sa swivel chair, na parang hinihintay ako, may hawak itong wine glass na may pulang likido. Nakita ko din sa mesa ang isang bote na kagaya ng pinakuha nya sa akin sa party.

"G-good morni-ning!" Gosh bakit ba ako nauutal. Papalapiit ako nang papalapit sa kanya kaya naamoy ko ang isang napakabangong amoy.

"Ito na po ang pinaorder nyo." Pinilit kong tumingin ng diritso sa kanya pero lumilipad ang tingin ko sa boteng nasa mesa nya. Bakit ang ganda ng amoy ng alak na ito? Ang sarap tuloy lumagok. Hindi naman ganito ang amoy nito sa party nun ha. Alam kong napapansin nya ang reaction ko at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya—no, smirk.

"Salamat. Kumusta ka na pala? Maayos na ba ang pakiramdam mo." Walang emosyon nyang tanong sa akin habang ako naman nakatuon ang mata sa kamay nyang hawak ang wine habang pinapaikot ang laman nito.

"Ok lang salamat nga pala." Nagtitimpi parin ako na hindi kunin sa kamay nya ang baso.

"Ok." Matipid nyang tugon. Alam kong iba ang ibig sabibin ng tanong nya kanina pero isinawalang bahala ko nalang iyon. Gusto ko mang syang natungin sa nalaman nya o si Kelly, at Venice, ay di ko ginawa dahil natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako.

Nasa labas ng ako ng building pero narinig ko ang pinag-uusapan ng ibang empleyado.

"Bakit kaya sya nakakaakyat sa CEO's office? Ilang taon na ako dito pero ni masilayan man lang ang floor 23 ay di ko nagawa. "

"Oo nga eh, kahit nga si ma'am Kelly hindi pa nagawang maka akyat dun eh. Sya palang ata ang nakaka-akyat dun."

"Oo wala rin akong nakitang may ibang pumasok dun. Ang swerte naman ng babaeng yun."

Hindi ko na pinsin ang nabuo kung tanong sa isip ko kanina kung bakit ko sila naririnig kahit nasa labas na ako.

Sa halip ay napaisip ako sa sinabi ng dalawang empleyado.

Ako palang ang nakakapunta sa oposina nya? Pero bakit?

Breaking news:
    Isang store ninakawan. Dalawang trabahador pinatay din ng salarin...

Ito ang agad na sumalabong sa akin pagpasok ko sa kusina ng coffee shop.

Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon