Chapter Twelve

11 3 0
                                    

The Revelation of Kelly sa last chapter is 😬

Ngumiti ka Red, ngiti. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Matapos kasi ang nangyari kagabi ay pinilit nila ako na tumira kina Hendrix pero kailangan ko pang mag-isip, na hinayaan din naman nila. At isa pa kaylangan ko din kasing magtrabaho.

"Psssstt miss!" Nilingon ko ang isang bakla na tumawag sa akin. Tinuro ko ang sarili ko para masigarudong ako ba talaga ang tinatawag nya.

"Yes ikaw." Sabi ng isa pang baklang kasama nya.

"Girl, anong name mo?" Tumingin ako sa isang bakla na naka itim na off shoulder.

"Red po." Ngumiti ako sa kanila. Napasulyap naman ako kina Kath at Caren na nasa likod na lihim na nakikinig sa usapan namin.

"Alam mo bang maganda ka?" Sabi ng isang babaeng kasama nila.

"Hala, ikaw din girl!" Napatingin kami sa tinawag ng isang bakla na naka pink na t-shirt. Si Venice pala ang tinatawag nya. Lumapit naman si Venice sa amin.

"Gosh! She's so pretty." Napanganga naman sila kay Venice. Sobra naman kasi talaga itong maganda.

"Bakit kayo nagtratrabaho dito? Alam nyo ba sa ganda nyo eh pang model ang ganda ninyo. You can work for us"

Ngumiti ang babae sa amin ni Venice. Nagkatinginan naman kami ni Venice.

"Yash, you both have heights pa naman. Lalo na you." Turo ng isang bakla kay Venice. 5'6" kasi ako tapos 5'8" si Venice.

"Pasensya na po wala kasi akong hilig dyan." Ngumiti si Venice sa kanila at medyo nalungkot naman ang mga mukha nila.

"Eh, ikaw? You will never work in this coffee shop anymore." Malaki ang ngiti nila sa akin.

"Wala naman pong mali sa pagtratrabaho ko dito sa coffee shop. Tyaka pasensya na po kasi wala wala din akong hilig dyan." Ngumiti ako sa kanila nag bow.

"Ako po! Mahilig ako-ano ba!-mag model" napatingin kami kay Caren na nagpopose habang pinipigilan ni Kath.

"Eh girl, hanggang dito lang ang usapan eh." Sarcastic na pagkakasabi ng isang bakla. Kaya na natigilan naman si Caren.

"Hindi ka tatanggapin nyan! Gumising ka nga! Tingnan mo kaya ang itsura mo ang pangit mo kaya." Napataas naman ng kilay si Caren dahil sa sinabi ni Marlo.

"Wow! Galing sa mukhang aso! Pag ako sumikat, who you kayo sa akin." Tinuro-turo nya pa kami. Napahawak sa dibdib ang isang bakla habang ang isang babae at isa pang bakla ay napatakip ng bibig.

"Ako, pwede nyo akong kunin. Tingnan nyo gwapo ako, malaki ang katawan ko." Si Marlo na pomupogi sign pa.

"Ah, ehhh, pag-pasensyahan nyo na po tong dalawang toh may saltik to eh." Pilit na hinihila ni Kath si Caren na nagpupumiglas naman.

"Sa gwapo kong toh? Sasabihin nyo lang na may saltik ako?" Pagmamaktol ni Marlo na inaakbayan na ni Bert

"Gwapo naman sana yun kaya lang may bilbil eh. Yung isang lalaki naman walang sense of fashion." Tumango-tango naman ang ibang kasama ng bakla.

"Yung isa din maganda kaya lang kulang sa heights." Alam ko na si Caren ang sinasabi nila kasi kinulang talaga ito sa height. Patuloy lang ako sa pagpupunas ng mesa.

"Oo, tapos yung isa naman maganda din pero kinulang sa boobs eh." Umiling-iling ang babae.

Malayo ako sa kanila pero naririnig ko parin sila. Sabi nila nagsisimula na daw akong magbabago.

Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon