Chapter Thirteen

12 2 0
                                    


"No! Hindi ko ipapahamak ang sarili ko." matigas na pagkakasabi ni Maru saka tumayo.


"I know you. Alam ko kung gaano ka ka-adict sa yaman. Lahat ng negosyo pinapasukan mo." sumunod sa kanya si Venice.

"Tama ka! Gusto kong yumaman, yung sobrang yaman! Pero hindi naman ako pumapasok sa masamang negosyo kasi mahal ko ang buhay ko." hinarap nya si Venice.

"At itong pinapagawa mo? Hindi pa ako patay pero nasa impyerno na ang buhay ko." dagdag nya pa at tumalikod kay Venice.

"Wala ka namang pamilya eh-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Venice. " Tama na Venice. Sa una palang dawit lang naman sya dito."

"Pero that's the only way na nakikita ko para hindi magtaka ang mga magulang ko." lumapit sya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

Umiwas ako ng tingin, "wag nalang natin syang pilitin. Makakahanap din tayo ng ibang paraan, o di kaya harapin nalang natin ang parents mo."

"Yan ang hindi mo gagawin!" nabigla ako sa pagsigaw nya.

"Venice, ipaharap mo nalang ako sa kanila. Hindi ko sasabihin na tinulungan nyo ako." Nagsisimula ng lumuha ang mga mata ko.

Pinunasan ko ang aking luha at tiningnan sya dritso sa mata, "hindi ko hahayaang may manganib ng dahil lang sa akin. Isinakripisyo nyo na ang buhay nyo para sa isa. Sapat na yun."

"No! Hindi mo gagawin yun kasi para mo naring isinawalang bahala ang mga pinagdaanan namin para protektahan ka." Nakatingin parin ako sa kanya.

"Ako nalang. I can apply as a maid there." napatinging kami kay Kelly.

"Di ba? Wala akong mga properties na malalaki. Hindi sila maghihinala sa existence ko dun." naka tayo na ngayon si Kelly.

"Maysdo silang mahigpit. Alam nila na nasa pamilya ka ni Hendrix." sagot ni Venice sa kanya.

"Sasabihin kong nag-away kami tapos umalis ako."bumagsak ang balikat namin ni Venice.

"Pumayag nalang kaya akong magpakasal sa anak ng elite." natahimik kaming lahat sa sinabi ni Venice.

Matagal bago may nag salita ulit. Si Maru lamang ang nakabasag nito.

"Ang pagmamay-ari mo ay pagmamay-ari ko? I can still play? Titira tayo sa iisang bahay para hindi sila maghinala pero may share ka sa kuryente at tubig, hindi kasali yun sa pera mo na galing sa yaman mo. Empleyado parin kita sa coffee shop at pizza house. Hindi tayo matutulog sa iisang kwarto. I will not treat you as a royalty. I will rule the house. And most of all you are not allowed to go out with any other men. Deal?" nakatulala lang kami kay Maru habang papalapit sya kay Venice.

Hindi nakasagot si Venice at nakanganga lang kay Maru. Nakakatakot pala si Maru pag seryoso.

"Unfair naman ata, you can still flirt pero si Venice can't go out with other men?" komento ni Kelly na nagpabasag ng katahimikan.

"Tapos ang laki ng bahay mo. Ano nalang ang matitira kay Venice kung kukunan mo pa ang sahod nya?" Dagdag pa nito.

"Kelly's right Maru." pagsang-ayon ni Hendrix.

"That's my deal, if you don't want it then leave it." Kalahating ngiti ang gumuhit sa labi nya.

"Okay, deal." Diritso lang ang tingin ni Venice kay Maru.

Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon