Chapter Eleven

8 3 0
                                    

Hello po,  Alam ko na nangako ako na dadalasan ko ang pag-update this summer kaya lang medyo naging busy ako. Pero pambawi sa inyo, I will update two chapters.

"Be careful. Labanan mo sya." Kelly.

"Red, you are strong. I know you can beat her. Don't let her win." Hendrix.

"You need to fight her before it's too late." Hendrix.

"You are such a good person Red. Kahit na labagin ko sila gagawin ko para sayo. You just need to fight her. Alam kong naguguluhan ka pa pero maghahanap ako ng tulong. Tutulongan kita. Fight her Red Fight." Venice.

"Akala ko kasi dumaan ka kagabi kaya nagtaka ako kung bakit ka andito." Ria.

"Hala po!  Dumaan ka kaya sa bahay, alas dose na po nun. Tinawag pa nga kita pero di mo ako pinansin." Joan.

"Nakita po kasi namin kayo na naglalakad, wala kayong tsenilas, gulong-gulo po ang mukha at buhok nyo at parang wala kayo sa sarili nyo." Isa sa magbabarkada.

Ngayon naisip ko na kung bakit nila sinasabi yun sa akin. Kung bakit ako nagising sa kakahoyan. Bakit ako may mga pasa at bukol. Bakit may mga galos ako. Bakit ko napapanaginipan ang lahat dahil nakikita ko ang sarili ko na ginagawa ko. Marami akong pinatay.

"Hindi! Hindi yan magagawa ng kapatid ko!" Sigaw ni kuya na ngayon ay umiiyak na din.

"Alam namin but the monster inside her can."

"Monster?" masamang nakatingin si kuya kay Kelly.

"Kung meron mang halimaw dito kayo yun!" Sakto lang na pagkatapos na sabihin ni kuya ang mga katagang yun ay isang malutong na sampal ang tinugon ni Kelly. Kaya agad akong napatakbo sa kanila sa hindi inaasahang bilis.

Niyakap ko si kuya na hindi pa nakakabawi sa pagkakasampal ni Kelly ay nadagdagan ang bigla dahil sa mabilis kong galaw.

"You don't know what we've been through." Giit ni Kelly na ngayon ay umiiyak na din.

"Tama na. Ipaintindi nyo nalang sa akin bakit ako naging ganito?" Pagmamakaawa ko sa kanila.

"Hindi ikaw yan Red!" Sigaw ni kuya sa akin pero umiling lang ako. Inilalayan ko sya paupo sa kama. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.

"I erased your memory that night." Napatingin ako kay Hendrix na bumasag sa katahimikan.

"There is a vampire following you, kakalabas ko lang ng office ko while you are riding your bike. I know that kind of vampire, they are the rebels of our law. I catch him and fight him. Mahina na sya but he manage to cut some skin near my elbow. Blood is dripping from my wound. Hindi ko ininda iyon but he manage to cup some blood from me. Hindi ko na intindihan kung bakit nya ginawa yun. Pero kahit na mahina sya he still catch you, I thought he will bite you pero pinainom nya sayo ang dugo ko through hypnotism. Before he died, he said kahit na mamatay sya ay may maghahasik parin daw lagim." He paused and breath.

"I don't know what he means. Akala ko walang magiging epekto sayo ang dugo ko dahil kunti lang naman ang nainom mo. But I was wrong. Slowly my blood poisoned you. Every full moon nagiging bampira ka, thirsty for blood."

"Wait, she became vampire dahil nainom nya ang dugo mo? Ngayon ko lang narinig yan ah. Akala ko you need to bite her to convert her." Napatayo si Maru na ngayon lang nakapagsalita.

"Yan din ang akala namin. Pero nung nakita ko sya sa coffee shop I felt something in her. Nasabi ko kay Hendrix ang about sa kanya. My cousin was so guilty about you that she keeps on following you every night." Nanlaki ang mata mata ko. Every night?

"Kung sinusundan nyo ang kapatid ko, alam nyo ang nangyayari sa kanya. Bakit hindi nyo sya tinulungan agad? Hinintay nyo pa na may mapatay sya?." Salamat naman at natanong ni kuya ang bagay na yan.

"It is very forbidden to convert human into a vampire. Ang sino mang nagconvert at kasabwat dito is punished. Torture to death together with your family." Venice explained. Muli kaming natahimik.

"Guys, uwi na ako. Ayaw ko pa mamatay eh." Akmang tatayo na si Maru pero bago nya pa nagawa yun ay nahawakan na ni Hendrix ang balikat nya kaya pwersa syang nakabalik sa pag-upo.

"Tama si prin—I mean si Venice. The four of us here including Maru can be punished by death." Napansin ko naman ang paglunok ni Maru.

"Death? Pero bakit nyo ako tinutulongan pwede nyo naman akong patayi—"

"Cause you don't deserve it!" Napaigtad ako dahil sa pagsigaw ni Hendrix.

"It's all my fault kaya ka nagkakaganyan!" Dagdag nya pa habang nakatingin sa akin na parang hinuhukay ang pagkatao ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Biktima ka dito Red." Si Venice naman ngayon ang nagsalita na tulad ko ay may mga luha na din.

"G-–guys, hihi labas ako d—dito ha. Aalis na—"

"Weather you like it our not, wala ka ng magagawa dahil mamatay ka din pagnalaman nila na alam mo ang tungkol kay Red." Nakataas ang kilay ni Venice habang nakatingin kay Maru.

"Sana pala hindi nalang ako nangulit eh, kung alam ko lang na magiging delikado ang buhay ko. Sayang naman ang mukha ko, marami talagang babaeng iiyak." Napairap nalang sa hangin sina Venice at Kelly habang umaaktong naiiyak si Maru.

"Kayo, bakit nyo tinulungan ang kapatid ko?" Napatingin kami kay kuya na halata na din ang mga luha sa kanyang mata.

"Kaibigan ko si Venice. Sa kanya ako unang nakaramdam na hindi ako espesyal, na isa lang akong tulad nila na simpleng mamayan. Ni minsan hindi nya ako pinabayaan." Naalala ko tuloy kung paano ko sya unang nakilala. Ang mga pinagsamahan namin.

"Kilala ko na si Venice at alam kong matagal na silang magkaibigan ng kapatid ko. Eh ikaw?" Kay Kelly naman ngayon nakatingin si Kuya na dritso lang din ang tingin kay kuya.

"Pinsan ko si Hendrix pero higit pa sa pinsan ang turing ko sa kanya." Huminga sya at tumingin kay Hendrix pero bumalik din kay kuya.

"Para sa akin kapatid ko sya, kaibigan, karamay. Ilang beses nya akong dinamayan sa problema ko about sa step mom ko. Nung naglayas ako, kinupkop ako ng family nya. Sa kanila ko naramdaman ang totoong pamilya." Pinunasan nya ang luha nya.

"Aside dun, isa sa mga reason ko why I choose to help Red is that I have meet someone. That someone is the reason why I'm still here. Why I met Hendrix family that became my family too. That someone save me from drowning. I was just 12 that time na nagising nalang ako nasa isang ilog na ako. Pinatulog ako ng step mom ko at pinahiga sa isang bangka at pinaanod sa river. I'm so scared, vampire ako pero hindi ako marunong lumangoy. Mas lalo akong natakot dahil naramdaman kong unti-unti akong nababasa. The boat has a hole at pumapasok na ang tubig sa loob. Nanginginig akong sumigaw hanggang sa ma paos ako. I thought it's my end but someone calls me. He's a kid from one of the side of the river. I ask for help kahit na maliit na percent nalang ang pag-asa ko. He is also a kid like me and the water is almost half the boat and it is started sinking. Pero biglang nawala ang bata all I just did is to cry kasi wala akong magawa. I'm close to accepting my faith but he appear, soaking wet smiling at me. He save me, yeah, hindi man kapanipaniwala but I am saved by a kid like me. From that day I promised na tutulongan ko ang batang yun." Humahagolgol na sya. Wala akong idea na may ganun pala syang karanasan.

"And helping that someone having a good job isn't enough. Kaya when I got the chance na tumulong ginawa ko. And i didn't regret it because Red is such a good person. Deserve nya din ang tulong ko." Ngumiti sya sa akin kaya napangiti na din ako pabalik. Tumalikod naman sya agad

"Ahh, bakit mo naman binitin! Sino yung someone?" Napatigil si Kelly at hinarap si Maru. Kahit ako din nacurious eh. Alam ko kasi na hindi ako ang tinutukoy ni Kelly. Tipid syang ngumiti at sumagot na nagpatigil sa akin.

"He's name is Blue Marquez." Yun lang at tumalikod na sya.



Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon