Chapter Four

39 19 82
                                    


Time check it's 12:57 A. M. Merry Christmas guys!

"Kumusta naman yung paghatid mo ng breakfast at lunch ni Mr. CEO kahapon Red?" Palabas na kami ngayon sa coffee shop dahil out na namin. Bago ko pa man masagot ang tanong ni Kath eh sumabat na si Marlo.

"Baka naman destiny na kayo nyan?" nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan sya. Destiny? Bakit ba ako kinabahan bigla?

"Oo nga noh! Una naging kaibigan mo si ma'am Kelly na pinsan nya pala, tapos nautusan ka nya na kunin ang drink nya na nakalagay sa restricted na cabinet." napatingin ako kay Caren na naglalakad habang nakatingin sa langit tapos nagbibilang.

"Ayeiii, ang yaman! Baka sa future di mo na kami makilala nyan." sinundot pa ni Venice ang tagiliran ko kaya mukha tuloy akong sumasayaw.

"Kayo! Ang hilig nyo magbasa. Iwasan nyo nga dalhin sa reality ang binabasa nyong fictions." Tinuro-turo ko sila bago ako naunang pumasok sa eatery na usual naming kinakainan tuwing gabi. Binati naman ako ng mga nagtratrabaho dito.

"Ano gwapo ba sya?" Tumigil sa ere ang kutsara na may lamang kanin, na isusubo ko na sana. Tiningnan ko ng masama si Caren saka isinubo ang kutsara. Nilibot ko naman ang paningin ko sa palagid. Para nalang walang pakialam ang mga tao kaya para hindi na ako kulitin ng mga kasama ko ay napili ko nalang silang sagutin.

"Sa to too lang." Sinandya ko silang bitin. Lahat naman sila ay nakaabang na sa sasabibin ko na para bang isang napakalaking balita.

"Ano?" Mahinang bulong ni Bert, mukha syang natatakot na baka may makarinig sa amin. Luminga-linga muna ako sa paligid para mas pagtripan pa sila at mas lumapit sa kanila.

"Hindi ko naman nakita ang mukha nya eh." At tumawa na talaga ako. Halata naman na diskumpyado sila sa sinabi ko.

"Anong hindi mo pa nakita ang mukha nya?" Kunot noong tanong ni Kath.

"Ganito kasi yun, diba sa party naka mask sya kaya hindi ko talaga nakita ang mukha nya. Tapos nung pumunta ako sa office nya, ini-expect nya na siguro na pupunta ako kasi may mga nakadikit na sticky note na instructions sa pinto at table nya." mukhang binagsakan naman ang mukha nung mga kasama ko.

"Bakit kaya?" nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Marlo at patuloy na kumain.

"Kaya, wag nyo na ako tukso-tuksoin sa kanya. Malay natin, pangit pala sya. O di kaya matanda na sya at may asawa na."

"Grabe ka Red ang bad mo." tinaasan ko ng kilay si Caren.

"Tama naman ako diba? Hindi natin sya kilala." mabuti nalang at tumango si Venice sa sinabi ko, at least may karamay ako.

Naglalakad na kami ngayon, katatapos lang naming kumain nang biglang nagtanong si Bert.

"Narinig nyo ba yung namatay na manager ng mall?" napakunot naman ang noo ko.

"Oo, yung pinatay daw sa mismong apartment nya kagabi?" dagdag pa ni Marlo. Teka, kagabi?

"Ano daw nangyari?" Si Venice na ang unang nagtanong.

"Pagnanakaw daw eh. Pero ang nakakapag taka eh, walang nakitang ibang tao na pumasok sa apartment nya pero nasira ang glass window na pinaghihinalaang doon dumaan ang salarin." napahinto ako sa eksplenasyon ni Marlo pero nagpatuloy naman ako bago pa sila makahalata.

"Sana nagnakaw nalang sya hindi nya nalang pinatay." malungkot na pagkakasabi ni Caren.

"Patay sya dahil sinaksak sya ng dalawang beses, isa sa leeg, isa tyan. Natagpuan nalang syang nakahilata sa hagdanan ng apartment nya." pagpapatuloy ni Marlo, ewan ko ba kung bakit ako pinagpapawisan sa topic na ito.

"Tapos nasa 8th floor ang apartment nya. Pano kaya na akyat ng magnanakaw ang bahay nya? Eh ang taas nun?" nilingon namin si Bert at pati ako napaisip.

"Baka naman nag harness? Thothyal na ang mga magnanakaw ngayon." napatango kami sa sinabi ni Caren. Oo nga naman.

"Pero last month lang din na may nakitang sunog na 5 bangkay?" napalingon kami kay Kath.

"Bakit hindi ko alam yan?" Pagtatakang tanong ko.

"Busy ka kasi work. Parehas lang kayo nitong si Venice." tinaasan lang namin ng kilay si Marlo.

"Ikwe-kwento ko ha. Yung limang bangkay estudyante daw. Naglakwatsya kaya nalasing. Tapos kinaumagahan nakita nalang silang sinunog." lumipad naman ang utak ko. Limang estudyante?

"Yung mga yun ba, tatlo ang lalaki at dalawa ang babae?" napatingin sila sa akin.

"Pano mo nalaman?" napatingin ako kay Kath.

"Hinulaan ko lang! So tama ako!" so ayon tumango siya. Buti nalang nag kinagat nila ang pagsisinungaling ko.

Maya-maya ay naghiwalay na kami. Si Venice naman ay may trabaho pa sa pizza house.

Mag-isa lang akong naglalakad. Sanay na din naman ako pero hindi ko alam kung bakit feel ko may sumusunod sa akin. Bakit ba hindi ko dinala ang bike ko? Tahimik kasi dadaanan papuntang boarding ko. Mabilis kong inihakbang ang aking mga papa ba at nilingon ang paligid. Tanging ang street lights lang ang umiilaw sa paligid. Napalingon ako sa likod ko dahil naramdaman kong may naglalakad pero lalo lang akong kinabahan dahil wala namang tao doon. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero nahagip ng mata ko ang taong may pulang mata. Lakad takbo ang ginawa ko habang lumilingon sa likod ko pero wala na ang taong iyon.

Labis kong ikinatuwa ang magdating ko sa boarding house. Tulad ng normal na boarding house ay maingay ito dahil sari-sari ang nakatira dito. Pagkarating ko sa 4th floor ay napahawak ako sa dibdib ko para makahinga ako ng maayos. Nag-iisa lang ako sa kwartong toh. Binuksan ko ang ilaw at lumabas tumungo sa balcony kung saan ginawa kong sampayan. Bilog parin ang buwan pero hindi tulad ng kagabi. Kahit nakakapagod ang umakyat papunta dito ay mas pinili ko ang kwarto na ito dahil mas makikita ko dito ang baba. Kinuha ko ang mga isinampay ko at nilipat sa loob ng cabinet ko. Bumalik din naman ako agad sa balcony matapos kung i-charge ang phone ko.

Napatingin ako sa buwan. Hindi talaga matanggal sa utak ko ang sinabi kanina ng mga kaibigan ko. Yung manager, ganun na ganun ang nangyari sa panaginip ko. Hindi ko naman maisip kung bakit ko napanaginipan yun. At alam ko din naman na hindi ako nagpunta doon dahil pagod ako kagabi. Pero bakit parang totoo? Siguro nga panaginip lang yun kasi wala nalang dugo ang mga kamay ko nung gumising ako. Tsk.

Tapos yung mga estudyante. Alam kong hindi panaginip ang nasaksihan ko noong nakaraang buwan. Alam kong totoo yun pero ang nakakapagtaka, paano ako nakauwi dito? Paano ako na punta doon. Tapos ayon sa sinabi ni Kath akmang-akma sa nakita ko. Ngayon ko lang kasi naalala na naka uniporme pala ang mga bangkay sa panan nya. Pero sinunog sila? Wala yun sa panaginip ko.

Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Bigla ko tuloy naalala ang nakasulat sa sticky note ni Mr. Rosales.

You need to fight her before it's too late.

Sino ba ang tinutukoy nya? Ang taong may pulang mata ba? So, babae sya? At bakit ako? Bakit ko sya kakalabanin? Ano ba talaga ang alam nila ni Kelly? Alam din ba nila na nag i-exist sya? Ang gulo!

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko. Tumingin muna ako sa baba pero laking gulat ko sa nakita ko, may tao sa baba na nakatingin sa akin. Pula ang kanyang mga mata. Napalunok ang bigla nalang syang nawala ng ganun kabilis. Tumakbo ako at agad na sinirado ang pinto.

Nakikita nya ako? Sinusundan nya ako? Kilala nga kung sino ako?

Red As BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon