Prologue
Isa akong babaebg mahilig magtago ng nararamdaman.
Wala pang nakakakilala kung sino talaga ako.
Ang tingin ng lahat, isa akong masiyahing uri ng tao pero nagkakamali sila.
Hindi talaga nila ako kilala sapagkat nagtatago ang tunay na 'ako' sa isang maskara.
Maskara ng pagpapanggap.
Ayokong ipakita ang nararamdaman ko sa iba dahil ayokong madamay sila sa dinadala kong problema.
Ayos lang sa'kin ang magtago ng nararamdaman...basta...walang nadadamay na ibang tao dahil mas masakit para sa'kin ang makita silang nasasaktan o namromroblema dahil sa sarili kong problema na hindi ko kayang sulusyunan.
Selfish na kung selfish, basta... ang ginagawa kong pagpapanggap at pagtatago ng nararamdaman ay para sa ikabubuti nilang lahat. Ganito ako magmahal
. Pero ang pagmamahal ko sa isang lalaki... matatago ko kaya.
Madadala ko kaya sa pagpapanggap?
Sana... dahil ayokong madamay siya sa problemang dinadala ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Princess Of Disguise
Teen FictionShe's sick. She hides her feelings. Nobody knows what she really feels.