Liana's POV
Pagkagising ko, wala akong nakita kundi puro puti. Patay na ba ko? Huwag sana. Kailangan pa ko ni Cloud. Kailangan niya pa ng isang magandang ate na tulad ko. Toinkz! Nakuha ko pang magjoke kahit ganito na ang nararamdaman ko? Iginala ko ang paningin ko at nakita ko sila mom at dad na natutulog sa sofa at si Cloud na naglalaro ng tablet sa isang upuan. "Cloud." tawag ko sa kanya. Agad-agad niya naman binitawan ang hawak niyang tablet at pinatong sa upuan at saka siya lumapit sa'kin. "Ate, okay ka na ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" tanong sa'kin ng nag aalala kong kapatid at hinawakan niya ang kamay ko. "Cloud, okay na si ate. Pwedeng pakigising sila mom agt dad. Please." at nagpacute pa ko kay Cloud. "Ate kasi, kanina pa gising sila mom at dad. Ngayon lang sila nakapagpahinga. Pagod sila, ate. Sobrang nag alala din sila sa'yo. May sinabi kasi ang doktor sa kanila na kinaiyak ni mom. Hindi ko alam kung ano 'yon ate. Hindi kasi ako nakinig ee." minsan, iniisip ko kung talagang five years olad ang bata na 'to. Sobrang talino kasi ee. Pero... ano ang ikinaiyak ni mom? Bakit kaya? "Sige na, Cloud. Paki gising na sila mom at dad. Importante lang." "Pero ate--" "Please." at nag pout pa ko at kinamot niya pa ang batok niya. "Sige na nga, ate." at ginising niya na nga sila mom at dad. "Lai anak. Kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo? Dad, call the doctor." sabi sa'kin ng nag aalala kong nanay. Si dad naman, dali daling lumabas ng kwarto ko at tumawag ng doktor. "Mom, anong sinasabi ni Cloud na umiyak ka? Mom naman, diba sabi ko sa'yo, wag kang iiyak sa mga walang kwentang bagay." hinawakan ni mom ang kamay ko at pinisil 'to. Tumingin muna siya sa mga kamay naming dalawa na magkahawak at pumikit siya. Lumuha siya at tumingin sa'kin. "Anak, may kwenta ka sa'kin kaya umiiyak ako." bigla akong kinabahan sa sinabi ni mom. Ano kaya ang tinutukoy ni mom. Natatakot ako sa pwede niyang sabihin sa'kin. "S-syempre naman, mom. Pamilya tayo kaya may kwenta ang bawat isa sa'tin." at pinilit kong ngumiti. Naluluha na din ako. Ayoko kasing nakikita ang nanay ko na umiiyak. Naiiyak kasi ako pag ganon ee. "Anak, may--" "Mom, dito na ang doktor." sabi ni dad na kakapasok pa lang. Pumasok din ang doktor at nurses at chineck nila ko. Kinausap ni mom at dad ang doktor then lumabas na sila. "Mom, dad, ano po ang sabi ng doktor?" Nagkatinginan sila mom at dad at parang sinasabi ng mga mata nila na 'Ikaw na ang magsabi'. Natatakot ako sa sasabihin nila. Kinakabahan ako. "Anak, ano kasi ee..." "Ano po mom?" "Anak..." at humagulogol si mom. Halos hindi na siya makapagsalita. Si dad naman, pinipigilan umiyak at binubulungan si mom ng mga salitang 'Keep yourself together. She needs us. Keep yourself together'. Tiningnan ko si Cloud at maluha luha na siyang naglalaro ng tablet. Pinupunasan niya kasi ang luha niya at sinisingot singot ang sipon niya. I looked at mom and dad again, umiiyak pa din si mom at napagdesisyunan ni dad na siya na lang ang magsalita. Hinila ni mom ang damit niya at umiling. Huminga ng malalim si mom at niyakap si dad. After nilang magyakapan, lumapit sa'kin si mom at humingang malalim. "Lai, Liana. Anak ko." at umiyak nanaman si mom sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko. "Mom, ano ba yun? Mom naman ee, nambibitin. Sabihin mo na kasi." at nag inhale exhale nanaman si mom "Lai, anak, may brain tumor ka at may posibility na mamatay ka kapag hindi agad nalunasan." at humagulogol nanaman di mom. Si dad naman, naka talikod lang at nakita kong sinusuntok-suntok niya ang pader. A-ako, may brain tumor? Kelan pa? "Mom, k-kelan pa?" sabi ko ng mangiyak ngiyak na. Parang hindi kasi ako makapaniwala na may brain tumor ako. Parang isang napakalaking IMPOSIBLE 'yon. "S-since... f-first year high school ka." h-ha? T-teka? Pano 'yon nangyari ee halos hindi ko nga maramdaman dati na mayroon na pala ako no'n. Noong kumalma na silang lahat, inexplain sa'kin ni mom kung paano ako nagkaroon ng tumor sa utak. Grabe. Dahil lang sa stress, gano'n na ang nangyari. Ang saklap. "Sorry anak kung nastress ka namin dahil since grade 6 ka pa lang nasa company ka na. Tapos, valedectorian ka pa." sabi ni mom then inabutan kami ni dad ng bottled water at tumabi siya doon kay Cloud. "Mom, it's not your faul. Ginusto ko naman po ee. Kasalanan ko dain po. Sorry of I forgot about my health." ngumiti lang sa'kin si mom at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya 'to at sinabi ang mga salitang 'Mahal na mahal kita anak. Palagi mong tandaan, nandito palagi si mom para sa'yo'. And she gave her sweetest smile. After ng ilang araw, back to nrmal na kami. Nakauwi na ko ng bahay at iba na ang turing nila sa'kin. Ito kami ngayon, nasa dinning table para mag dinner. "O, Lai, kanin pa." at naglagay si mom ng kaunting kanin sa plato ko. "Mom naman, hindi na ko bata. Kaya ko na ang sarili ko. Si Cloud ang asikasuhin mo." at nginitian ko si Cloud. "Lai kasi, alam mo namang--" "May taning na ko. Mom naman, doktor ang nagsabi niyan. Hindi siya Diyos [ara sabihin kung kelan ako mamamatay kaya please lang mom, if you want me to be happy... treat me like what you treat me before." then I smiled at her. "Naku anak, sabi mo yan aa." "Yes mom, sige na , asikasuhin mo na si Cloud." "sige na nga." at lumapit siya doon kay Cloud ba kasalukuyang kumakain. "Liana, anak." sabi ng tatay ko "Ano po 'yon, dad?" "Dahil sa kundisyon mo, babawasan ko ang trabaho mo or hindi na lang kta patatrabahuhin para hindi ka mastress." "But dad, kailangan ako ng company. Tsaka, ang daming paper works ang naiwan sa'kin hindi pwedeng--" "I'm sorry anak pero kailangan momkong sundin." "But dad, I need to do that for our company or else--" "Or else ano, Liana? Yayaman tayo pero patay ka na? Ghad, Liana, mas gugustuhin ko pa ang magtrabaho sa basakan kesa mawala ka sa'min. Alam mo namang napakahalaga mo sa'min diba? Kaya sundin mo na lang ako dahil ang iniisip ko ang kabutihan mo." "Pero dad--" *BLAG* he dropped his fork and knife sa table kaya naman tumunog lahat ng kubyertos, plato at baso. "Just follow my orders, Liana. Tapusin mo na ang kinakain mo para makainom ka na ng gamot." at pinagpayuloy na lang ni dad ang kumain. I looked at mom and Cloud and they're saying in their eyes that 'Pagpasensyahan mo na lang. Mahal ka ee'. Kumain na lang ako ulit para makainom na ko ng gamot at makapagpahinga. Ayoko munang mag isip ng mga bagay-bagay sa mundo ngayon. Gusto ko munang magrelax kahit sandali para naman tumagal pa ko sa kundo. Mahal ko ang pamilya ko at ayokong mawala sila sa'kin at ayokong nakikita sila na malungkot dahil sa'kin. Pipilitin kong maging masaya para sa kanila. Ipipinta ko sa mga mukha nila na wala akong sakit. Na kaya ko silang pakisamahan bilang isang normal na tao. Ayokong makita silang malungkot dahil sa'kin. Selfish na kung selfish pero ang ginagawa ko ay para sa kanila. Para sa ikaliligaya nila. Ganoon ko sila kamahal. Ganoon ang isang tunay na Liana Cortez. Walang pakialam sa salitang 'KALUNGKUTAN' dahil ang nasa bokabolaryo niya ay ang salitang kaligayahan para sa lahat ng tao sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
The Princess Of Disguise
Teen FictionShe's sick. She hides her feelings. Nobody knows what she really feels.