Chapter IV

10 0 0
                                    

Liana's POV

Pagkatapos kong mamili, nagmeryenda muna ako sa isang fast food chain. Medyo dumadami na ang tao at kahit anong lakas pa ng aircon dito sa mall, nararamdaman ko na ang init. Medyo sumasakit na ang ulo ko kaya tatawagan ko na sana si dad kaso... "Hi. Pwede makishare?" bakit parang biglang nawala ang sakit ko sa ulo nang makita ko siya uli? Bakit, anong ibig sabihin nito? Tumango na lang ako at ngumiti saka siya naupo. "Salamat." ang ngumiti siya ng isang magandang ngiti. "Walang anuman." at nginitian ko din siya. Bakit? Bakit kung kailan pa ako umiiwas, dumadating siya? Ayoko nito. Ayoko. Baka...mahulog ang loob ko sa kanya. "Liana, pasensya ka na kung naistorbo kita. Nanahimik ka tapos bigla akong sisingit. Pasensya, sadyang madami kasi ang tao kaya nakiupo na lang ako." "Ano ka ba, wala 'yon. Makikishare lang naman ee." at nginitian ko siya. Kumagat ako sa burger na inorder ko at yumuko. Ayoko kasi itong nararamdaman ko ngayon ee. Tatayo na sana ako para makaiwas sa kanya dahil ayokong hanap hanapin ko siya balang araw kaso... "Tingnan mo yung tatlong tao na malapit sa exit. Kanina ko pa sila napapansin na nag aaral mag gitara. Yung babae, mukhang nagpapaturo sa lalaking naka grey na longsleeve at yung isa naman na naka red, mukhang nanonood lang. Kahit nagtatalo na yung babae at yung lalaking nakagrey, walang pakialam yung nakared dahil parang sawa na siya sa away ng dalawa. Pero kung iisipin, ang cute nilang tatlo kapag magkasama. Para silang love triangle na hindi mo malaman kung sino ang babagay sa babae. Tama ba ko, Liana?" dahil sa sinabi niya, napalingon ako sa tinutukoy niya at oo nga, nagtatalo ang lalaking naka grey at ang babaeng may hawak na violet na gitara. Yung nakared naman, pinapanood lang sila. Ano kayang iniisip ni Ray at napag tuonan niya ng pansin ang mga 'yon? "Para silang aso't pusa." yun na lang ang nasabi ko at binalik ko ang tingin ko kay Ray na nakangiti. Hala? Nabaliw na ata. Ano kaya ang nginingiti-ngiti niya jan. "Mukhang type ko ang babae pero sa palagay ko, wala akong pag asa kasi... dalawang lalaki ang nagbabantay sa kanya. Parang hindi ko ata kakayanin kung lalapit ako doon at suyuin siya. Baka, matadyakan pa ko ng dalawang lalaki na 'yon." at tumawa siya pero nawala din agad. "Ano kaya ang pangalan niya? Sana, pwedeng malaman." sa sinabi niya, parang biglang sumakit ang puso ko. Napayuko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Bakit naman sasakit ang puso ko samantalang tumor sa utak ang sakit ko. Ewan, na weweirdohan ako sa sarili ko. T-teka, sandali. I-ito ba ang tinatawag nilang "selos"? A-ayoko. Ayokong maramdaman 'to. Kailangan kong pigilan 'to. Lai, lumaban ka. Isipin mo ang kapakanan mo!!! Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakatingin pa din kung nasaan ang babae. Tumingin ako ulit doon at mukhang masaya siya. "Gusto mo talaga siya no'h, Ray?" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya kundi sa babae. Ayokong tingnan siya. Baka mahulog lang ang loob ko ng tuluyan. "Parang. Siguro. Ewan." at narinig ko siyang tumawa ng mahina pero sandai lang. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa cellphone niya na hawak niya at pinapaikot ikot niya 'to. Malungkot ang expression ng mukha niya dahil siguro... alam niyang wala siyang pag asa. "Alam mo... kung gagawa ka ng move, may pag asa kang makilala ang babaeng yun."  at nakita ko naman na nagliwag ang mukha niya. "Talaga?" at ngumiti pa ito ng nakakloko. WAAAA~!!! >_____< AYOKONG MAKITA ANG MGA NIGITI NA YAN!!! "O-oo naman. Nasayo yan kung gagawa ka agad ng move." "Aba, syempre naman! Pogi ata 'to!" at naglagay siya ng pogi sign sa baba niya.  "Haha. Oo na. Pogi ka na. Sige, mauna na ko. May kailangan pa kong gawin ee." "Sige sige. Salamat sa encouragement. Ingat!!!" "Sige, bye." at tumayo na ko at tumakbo palabas ng mall. Pagkalabas ko, umuulan. Wala akong dalang payong at madami nang tao sa waiting area. Kung maghihintay ako doon, baka bukas pa ko makauwi. Sumugid ako sa ulan at nagmamadali akong mag abang ng taxi kaso lahat, may sakay. Nung nag aabang naman ako ng jeep, natalsikan ako ng tubig sa kalsada kaya nabasa ako ng tuluyan. Wala akong ibang choice kundi ienjoy ang patak ng ulan. Tumigil ako sa isang puno dahil napagod na ko kakatakbo dahil sa mga sasakyang ayaw magpasakay. Naalala ko nanaman si Ray. Gustong gusto niya talaga ang babaeng yun. Ewan ko pero nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Tulad ng sakit na naramdaman ko kanina. Selos? Hindi. Hindi ito pwedeng maging selos kasi... hindi ko naman siya mahal ee. Crush lang. Oo, crush lang at ayokong lumawak pa 'yon.

Noong nakasakay na ko ng taxi... NAALALA KO ANG MGA PINAMILI KO!!! Oh no. Sana natago 'yon ng may ari o ng staff ng fast food chain kundi yari ako neto! Nandoon pa naman din ang one of a kind na book na nakita ko sa bookstore at binili ko. Oh my. Sana doon pa 'yon bukas.

Noong makarating ako sa bahay, sermon ang salubong sa'kin ni dad. "Liana naman, diba may sakit ka? Bakit nagawa mo pang gumala? Akala ko mamimili ka? Ba't wala kang dala?" oha! Basang basa pa ko sa ulan at yan ang bungad sa'kin ng tatay ko. "Dad, nakalimutan ko lang po yung pinamili ko sa fastfood chain. Babalikan ko din 'yon bukas." "Explain to me kung bakit ka basang basa ng ulan? May sakit ka na nga, magpapakasakit ka pa? Liana naman--" "Dad, naghabol ako ng sasakyan para makauwi." "E ba't kailangan mo pang habulin? Sana naman, nagtext ka na lang na magpasundo ka. Pano kung nagkasakit ka at lumala 'yang kondisyon mo? Anong gagawin namin? Ha, Liana?" napatahimik na lang ako sa sinabi ni dad. Kaya ayoko magkasakit ee. Special treatment ang abot ko. "Liana naman, sana isipin mo na kapag pinapagalitan ka, kapakanan mo ang iniisip namin. Anak, wag ka sanang magrebelde o mag isip na ginagawa ka naming preso. Anak, malaya ka sa l;ahat ng gusto mo kaso nga lang may limitasyon. Sana maintindihan mo ko, Liana. Do understand me?" I just nodded as a response. "Good. Now, go to your room. Magbihis ka at magddinner na tayo." tumango na lang ako and he patted ny head. Dumiretso ako sa banyo ko at naligo. Nagbabad ako sa bathtub namin. Sana... gumaling na ko. Sana may ibang paraan para gumaling ako. Ayoko neto. Ayoko na. Hahanap ako ng ibang paraan para matangal 'tong tumor sa utak ko dahil kahit simula pa lang 'to, hindi ko na kaya.

The Princess Of DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon