Chapter I- The Wedding

218 3 1
                                    

My Little Wife

By: Airame Esperanza

Chapter I- The Wedding

“I do”

“Yes father”

“You may now kiss the bride”

                Biglang nagkatinginan ang lahat, marami ang labag at marami din ang natutuwa sa nagaganap na kasalan. May nagsasabing di pwede ang ganitong kasalan pero may iba naman na tuwang tuwang sa nakikita nila.

“Ngayon lang ako nkakita ng ganitong kasal”..

“Ang cute naman nilang tignan, matangkad yung lalaki at ang cute nung girl”

“Susmaryusep, iba na talaga panahon ngayon, hay naku”

                At marami pang komento ang naririnig ng dalawang taong hindi alam kung itutuloy pa ba nila ang “kiss the bride” session na un. Napatingin ang pari sa maga tao at biglang ngasalita.

“Mga anak ng Diyos, binibendisyunan ko ang dalawang taong to para magkaroon sila ng masayang pamilya blang araw. Tayo na’t suportahan sila sa kanilang kagustuhan” sabi ng pari.

Inalis ng groom ang bandana ng bride at tumingin siya sa babae. Nanahimik lang ang babae at pinikit ang kaniyang mata. Lahat ay natahimik, lahat ay nakaabang. Huminga ng malalim ang groom at pinikit narin niya ang mga mata. Napalunok siya at dahan dahan niyang nilapat ang kaniyang labi. Tumagal ng 5 segundo ito. Namula ang bride, at di siya makatingin sa kaniyang groom. Naghiyawan lahat ang mga tao at pumalakpak.

“Mr. and  Mrs. Tristan Paolo delos Santos, I now pronounce you husband and wife”

                Alas sais ng umaga, nakahiga si Cassandra at tumunog ang kaniyang alarm clock. Habang isa lang ang nakabukang mata, tinignan niya ang alarm clock at sinet-up sa 6:30. “Ilang minuto pa”. Nag alarm ulit ito at sinet-up niya ulit sa 7:00, “Inaantok pako”. Tumunog ulit. Set-up niya sa 7:30.

“Krrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiingggggggggggggggg… Kriiiiiiiiiiingggggggggggg” sabi ni alarm clock.

“Pucha! Late nako!”

Dali dali siyang pumunta ng banyo dala ang kaniyang tuwalya na color white, mahilig kasi siya sa white, at mga pansabon niya, shampoo. Hindi siya maarteng babae, simple lang, mahaba ang buhok, maliit lang siya, mga 5’2 ang height, hindi sexy pero sakto lang ang katawan. Tinignan niya muna ang itsura niya sa salamin, ngumiti siya. “Uy, isa na namang araw na makikipaglokohan sa mga tao, hehe, pero umayos ka ha, alam mo na, misis ka na, bwisit, misis na nga ako, hayst”kausap niya sarili niya.

“Pwede dalian mo diyan, late narin ako” inis na sabi ng kaniyang asawa.

“Kakapasok ko lang! Late na rin ako, bakit kasi isang cr lang pinagawa nila, hayst” sabi ni Cassie.

“Otoy ka ba, haha, kung ayaw mo nang isang cr, magboarding house kana lang” sabi ni Tristan.

“Boarding???? Okay ka lang, Ikaw ang may work, kaya ikaw dapat gumawa niyan”- Cassie.

“Wala akong balak mag boarding, yung pagboarding ko, pagkain ko nalang”-Tristan.

“Puro ka pagkain!, di ka nman tumataba”-Cassie.

“Wow, mas gusto ko pa to kaysa alang shape, hahaha” pang asar ni Tristan.

“Di sana sexy nalang pinakasalan mo”-Cassie.

                Tumahimik bigla. Mga 3 minutes. Napaisip si Cassie sa loob ng banyo at din na rin siya nagbitaw ng salita. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa sinabi niya. Hinihintay niyang umimik si Tristan, pero wala na siyang narinig. Tapos na siya maligo.

My Little WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon