Part 8 (He's under my skin)

937 30 1
                                        

"Dun na ba nagsimula ang relasyon nyong dalawa?" Tanong ni Eduardo sa ken matapos ang mahaba kong kwento.

Tumango ako. "Parang.. parang ganun na nga.."

Nagsalita ulit sya. "Anung parang ganun na nga? May nangyari na sa inyo dun sa basement pero hindi parin naging kayo agad..?" Tanong ni Eduardo.

Huminga ako ng malalim. "Lets say na.. yung sex.. bayad nya lang yun sa ken sa pagtanggap ko sa kanya after na malaman ko na yung totoo.. pero in due process, magkaibigan palang talaga kami nun.." sagot ko.

"Hahaha.. may friends with benefits na rin pala dati ano?" Natatawa nyang tugon.

"Yun ba ang tingin mo sa min ni Winter?" Umismid ako sa kanya.

Parang nagets naman nya na hindi ko nagustuhan ang sinabe nya kaya humingi sya ng pasensya para dito. "Sorry.. opinion ko lang yun.. pero kung hindi ganun edi hindi.." sabe nya.

Tapos nagsalita ulit sya. "Teka, after ba nun wala kang pinagsabihan tungkol dun sa basement nila?" Tanong nya.

Umiling ako. "Wala ni isa.."

"Pero wala bang impact sayo yung mga nakita mo dun.. hindi ka ba natrauma? Nanghina? O nawalan ng gana? I mean mga patay yun.. mga taong pinatay sa nakakadiring paraan.. hindi ka man lang ba tinamaan kahit konti?" Tanong ni Eduardo.

"May epekto rin sa ken syempre ang mga nakita ko.. ahm.. medyo nanghina ako ng mga sumunod na araw at sa tuwing matutulog ako sa gabe palagi kong napapanaginipan yun.. which turned out to be a nightmare.. pero tinatagan ko yung loob ko.. alam ko kasi na nung oras na tinanggap ko si Winter.." at nag - isip ng susunod kong sasabihin.

"Then..?" Tanong nya.

"Tinanggap ko na rin sa sarili ko na mula ngayon, ihahanda ko na ang sarili ko na makakita pa ng maraming ganun.." sagot ko, sabay napahinga ng malalim.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin bago sya nagsalita muli.

"At marami ka pa ngang nakitang ganun magmula ng araw na pumasok ka sa basement..?" Tanong ulit nya.

"Definitely.." sagot ko. "hindi inilihim sa ken ni Winter ang lahat.. sa tuwing may gagawin sya o nagawa sya palagi nya itong pinapaalam sa ken.. tumupad sya sa pangakong walang lihiman.." sagot ko.

"Hindi ka ba sumubok na baguhin sya.. ilihis sya sa maling landas na kinasanayan nya?" Tanong ulit ni Eduardo.

Ngumiti ako, sabay umiling. "Hindi na.. God knows kung gaano ko sya gustong magbago pero hindi ko nalang ginawa.. natatakot akong lumayo sya sa ken.." sabe ko.

"Haay.." at umiling-iling din si Eduardo. "Mahal mo nga talaga sya ano?" Sabe nito.

"Sobra.. that night na may nangyari sa men, ipinangako ko na sa sarili ko na kahit anu pang mangyari pipilitin kong hanggang tumanda, kaming dalawa ang magsasama.." sabe ko.

"Which turn into vain.." biglang sabe ni Eduardo.

Natigilan ako sa sinabe nya, at nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Bigla kong naalala na nung araw na naging kami, nangako kami sa isa't isa nun na hindi bibitiw.. as far as I know lahat ginawa ko para hindi masira ang pangakong yun.. pero hindi ko alam kung bakit pagdating parin sa huli..

Eto ako ngayon.. nag-iisa.. nangungulila kay Winter..

"Maybe hindi talaga kami ang para sa isa't isa.." at ngumiti ako kay Eduardo. "Maybe in some other time.. pag na reincarnate kaming dalawa.. baka yun na.." tugon ko.

"After ng intimate nyong scenes na dalawa.. ibig kong sabihin after you had sex.. what happened next? Naging mas malapit paba kayo lalo sa isa't isa?" Tanong nya.

WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon