Habang naglalakad kami ni Winter papunta sa bayan, nagulat ako ng bigla syang umakbay sa ken. Napatingin tuloy ako sa kanya, pero sya nakatingin lang ng diretso sa nilalakaran namin.
Ilang sandali pa, nagsalita sya. "Ngayon lang ako nakapunta rito.. " tapos tumingin sa ken. ".. nang may kasama.."
"Edi.. mula ngayon pupunta na tayo ng madalas dito.." nakangiti kong sabe sa kanya.
Huminga sya ng malalim. "Ayoko.. ayokong madalas nagpupunta sa madaming tao.." sabe nya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Makakatulong nga iyon para dumami ang kaibigan mo eh.. tsaka para hindi ka lagi nagkukulong sa bahay nyo.." sagot ko.
"Ayoko.. tama ng ikaw lang ang kaibigan ko.." tipid nyang sagot.
Napangiti ako. Parang gusto ko na tuloy bawiin yung sinabe ko kanina, parang gusto ko na rin tuloy sabihin ngayon na wag na nga lang syang lumabas ng bahay para wala na syang iba pang makilala kundi ako lang.
"Sige.. kung yun ang gusto mo.. masaya ka naman pag kasama ako diba?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Tumango sya. Sabay tanong, "eh ikaw?"
Nagulat ako sa tanong nyang yun. "Ha?! Ako..? syempre masaya ako na kasama ka.. parang kahit saan tayo magpunta okay lang.." sabay akbay ko rin sa kanya. "kung alam mo lang na ayaw ko na ngang malayo sayo.." bulong ko pa.
Pero narinig nya pala iyon. Bahagya syang napangiti.
"Wala akong magandang maidudulot sayo.." sabe nya.
Huminga ko ng malalim. "Wala akong pakialam dun.. basta gusto kitang makasama.." tugon ko.
Tumigil sya sa paglalakad, at dahil nakaakbay sya sa ken, napatigil din ako.
"Kapag sumama ka sa ken.. dapat masanay ka na rin sa mga ginagawa ko.." mahina pero seryoso nyang sabe.
Hindi nalang ako nakasagot nun kasi hindi pa ko handang magdesisyon.
Nang mapansin nyang natahimik ako, hinigpigtan nya ng konti ang akbay sa ken.
Sabay lumapit at bumulong ng.. "gusto ko ng ice cream.." nakangiti nyang sabe.
Napangiti rin tuloy ako sa sinabe nya.
Kaya ayun, pumunta kami sa isang pwesto na may nagbebenta ng soft ice cream. Buti nalang malapit na ang fiesta sa barangay namin kaya marami ng nakatayong tyangge at kung anu-anong kainan noong panahong iyon. Marami tuloy kaming napasyalan ni Winter. Kahit tahimik lang sya, kita ko naman sa mata nya kung gaano sya kasaya ngayon. Parang ngayon lang ata sya nakapunta sa peryahan, parang.. ngayon lang yata sya naging ganito kalaya..
Marami kaming tinignan na gamit, damit at laruan, pero napapansin ko kay Winter puro tingin lang sya sa mga yon at walang binibili. Nang may napansin akong bagay na parang gusto nya pero hindi naman nya binili, tinanong ko na sya.
"Bat ayaw mo pang kunin?" Tanong ko.
Diretso syang sumagot sa ken, parang inosenteng bata lang. "Eh wala naman akong pera eh.."
Muntikan na kong matawa, pero pinigilan ko lang, baka kasi mamaya magalit sya eh. Grabe.. iba talaga si Winter.. kung ako yun baka pabulong ko lang yun sasabibin sa kasama ko na wala akong dalang pera, pero sya, basta sabe na parang wala lang..
Inakbayan ko sya. "Wala kang dala?" Nakangiti kong tanong.
"Naubos na sa ice cream.." sagot nya.
Gusto ko sanang itanong kung di ba sya humingi ng pera sa mama nya pero di nalang ako nagsalita. Naawa naman tuloy ako sa kanya. Ke gwapo gwapo, ke ayos ayos ng suot.. wala naman palang dalang pera..

BINABASA MO ANG
Winter
Gizem / GerilimLahat tayo may sikretong tinatago. At sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Pwes, handa ka na bang alamin kung ano ang sa akin? ~Winter.