Dear Diary,
Masasabe kong greatest moment na sa buhay ko yung nangyari kahapon sa men ni Winter. Hanggang ngayon para parin akong nakakulong sa panaginip na nilikha nya sa ken kahapon. Hindi ko alam na magiging ganito pala kalaki ang epekto sa ken nun.. ni hindi na nga ako nakakain ng hapunan kagabe at wala na kong ibang ginawa kundi ang humiga nalang sa kama at sariwain ng paulit ulit ang halik na binigay nya sa ken nun nandoon kami sa may bangin.. hanggang sa nakatulog na ko..
Ang naaalala ko nalang ay pumunta sina kuya Jigger sa men kasama ang iba pang riders at si mama nalang ang humarap sa kanila at nagpakain.. talagang wala na kong lakas nun para entertain-in pa sila..
Hindi ko alam kung kelan ako magigising sa panaginip kong ito.. pero isa lang ang sigurado ako.. hindi ko na talaga kaya pang malayo kay Winter.. sa halik nyang iyon sa ken kahapon, para itong gumawa ng tanikala sa pagitan naming dalawa.. na magbibigkis at
Maglalapit sa min para sa inaasam kong buhay.. ang walang hanggang pagsasama namin..
16 taong gulang palang ako.. pero ewan ko ba kung bakit ganito na ang mga nasasabe ko.. iba talaga ang epekto nya sa ken.. ibang iba.. dahil sa kanya, tingin ko unti-unti na rin akong nawawala sa katinuan.. may mga bagay akong nararamdaman na dati hindi ko naman alam, at ni sa hinagap hindi ko alam na darating..
Pero sa ngayon, parang nagiging iba na ko.. para kong nasa ibang katauhan at pinapanood ang sarili ko nagbabago na rin ng anyo.. hindi sa pagiging katulad ni Winter, basta iba..
Ngunit dahil sa kagustuhan ko na mapalapit kay Winter, hindi ko ito napapansin.. o mas tamang sabihin na binubulag ko ang sarili ko para hindi ko talaga mapansin.. dahil kung ang kapalit naman nito ay magiging kaming dalawa.. wala akong pagsisisihan..
.............
"Mr. Cortez!!" Narinig kong bulyaw ng physics teacher namen sa ken. Dahil sa lakas ng boses nya nawindang ang pagde-daydream ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Y-yes ma'am?" Bigla kong sagot. Para kong mamamatay sa pagkabigla nun, kasi nagulat talaga ko.
"Kanina pa kita tinatawag! naka 2 Demetrik na ko dito at 2 Cortez! Wala ka pa ring response!! May problema ba? Whats the matter?!" Sigaw nito sa ken.
"Ah.. eh.." at nag isip ako ng magandang sasabihin. "..matter is anything that occupies space and has mass.." loko loko kong sagot, sabay pinigil ang sarili ko na matawa para kunwari seryoso ako sa sinabe ko. Bwiset din kasi talaga ko sa t-rex na to! Palaging nakasigaw.. di man lang marunong ng mahinahong pagsasalita! Kaya iniwanan kagad ng asawa eh! Namatay sa mala-Leon nyang boses!
Hagalpakan sa tawa ang mga kaklase ko ng marinig ang sinabe kong yun, samantalang ang matandang byuda ko namang teacher na ito ay parang nagsisimula ng mag-ipon ng energy para pantayan ang super saiyan 3 ni Goku.. talagang hinigh blood ito! At bigla akong binato ng eraser ng blackboard! Buti nalang nakaiwas ako.
"Get out Cortez! At zero ka sa attendance and performance mo today!!" Sigaw pa nito. "Labas ng classroom!"
"Ma'am... si ma'am naman nagjojoke lang eh.." paawa effect ko pang tugon.
"Lumabas ka! Nagtuturo ako dito hindi para makipagbiruan sayo! Labas! Labas sabe!!" Sigaw nito.
'Okay, tutal wala naman akong natututunan sa mga sinasabe mo eh mabuti ngang lumabas nalang ako dito sa kwarto na to. Buti nga yon at ng makauwi na rin' sabe ko sa isip ko.
At para inisin sya lalo, nakipag-apir pa ko sa mga kaklase ko para hindi kagad ako lumabas ng classroom.
"Simberguensa! Labas na!!" Hiyaw ulit nito.
BINABASA MO ANG
Winter
Mystère / ThrillerLahat tayo may sikretong tinatago. At sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Pwes, handa ka na bang alamin kung ano ang sa akin? ~Winter.