Part 3 (Diary)

1.1K 36 2
                                    

"I think high school ka lang ng sinimulan mong gawin to sir.." sabe ni Eduardo.

"Yah.. I was.. senior high school ata ako nun.. I was only 16 lang kasi ng una kong makilala si Winter.." tipid kong sagot.

"Sobrang tagal na pala talagang nakaburo nitong diary mo sa basement nila.. ilang ulan at init na ng araw ang pinagdaanan nito kaya napilas na ang ilang pages at namusyaw na ang mga sulat.." at binuklat nya ang notebook. Siguro dahil nga sa katandaan, ang ilang pahina nito ay nagdikit-dikit na..

"Hindi ko na gaanong mabasa yung iba.." dagdag pa nito.

"Alam ko nasulatan ko yan ng buo eh.. naubos ko ang page nyan hanggang sa huli.." kwento ko kay Eduardo.

"Too bad nawala na yung mga nasa huling pahina.. napunit na.." tugon naman nito.

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong nakahinga ng maluwag. Tinignan ko si Eduardo habang binabasa nya yung diary ko. Alam ko nahihirapan na syang basahin ito isa isa pero pinipilit pa rin nya. Ayaw ko mang isipin, pero nacucute-an ako sa kanya habang naniningkit ang mata nya sa pagtingin ng mabuti sa diary ko. He is a desperate man.

"P-pwede ko bang mahiram sandali yan? P-para kasing bigla ko syang namiss.." sabe ko.

"Itong notebook o yung memories ng mga nakasulat dito?" Tanong nya.

"P-parehas.." sagot ko.

"Itong isa na nandito.. parang hindi to katulad ng ibang handwrittens mo.. tsaka.. well hindi ko kasi mabasa ng maayos eh.. parang basta basta sulat nalang ang ginawa.." sabe ni Eduardo.

"Patingin nga.." sabe ko sa kanya. Inabot naman nya sa ken yung diary ko.

Pagkakuha ko sa notebook, parang biglang nanginig yung kamay ko, may spark atang dumaloy mula sa diary na iyon patungo sa pulso ko. Tinignan kong mabuti yung sinasabe nyang pahina, at napakagat ako sa labi ko ng mabasa ang mga nakasulat doon.

"Hindi ko alam kung anung susulatin ko, pinilit lang naman nya ko. Wala akong alam sa pagsusulat at wala rin akong hilig dito. Sabe kahit ano, edi ito lang.. Melissa.. "

"S-sulat kamay nya to.." parang natutulala ako habang binabasa yon.

"Ni Winter? Anong ibig sabihin nyan?" Tanong ni Eduardo.

"E-eto yung kinukulit ko syang magsulat dito sa diary.. sabe ko kahit na ano basta magsulat sya.. kaya ayan.." sagot ko sa kanya.

"Sino yung Melissa?" Tanong nito.

"Mama nya.. mama nya si Melissa.." sagot ko ulit.

"Ahhh... akala ko kasintahan dati ni Winter.. isa sa mga minahal nya.." sambit ni Eduardo.

"Ako lang ang minahal ni Winter.. at ako lang din ang nagmahal sa kanya.. wala ng iba.." mabilis kong sagot sa sinabe nya.

Napatingin tuloy sya sa ken saka matagal bago nakasagot. Halatang may kung anong iniisip ito.

"You know what..." at huminga sya ng malalim. "I really want to know your stories.. lahat lahat.. walang labis walang kulang.. walang dagdag o sobra.. I want to know the truth, and nothing but only the truth.. its like I'm.. parang I can trade my soul to the devil just to hear your story.. I mean I'm dead curious.. talagang gustong-gusto kong malaman ang nangyari sa inyo.. pano kayo nagkakilala, anong first move nyo sa isa't isa, pano kayo nagkainlove-an, anung mga pinagdaanan nyo.. tapos.. p-paano sya nawala sa huli.." paliwanag ni Eduardo.

Napayuko ako sandali para mag-isip. Then pag-angat ko ng ulo ko nagsalita ulit ako.

"Ikukwento ko sayo ang gusto mong marinig sa isang kondisyon.." panimula ko.

WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon