Chapter 4

1.3K 53 22
                                    

Hindi ko mapigilang hindi magpalinga-linga sa kung saan-saan habang lulan ng isang pampasaherong jeep. Nagsisitindigan ang aking mga balahibo sa katawan. Dalawampung minuto pa ang kailangan kong pagtiyagaan bago makarating sa Uibersidad na aking pinapasukan. Wala, e, kailangan ko munang magtiis. Ang hirap ng ganito...

Kung kailan ba naman kasi nakaalis na sa ako sa bahay saka naman ako dadalawin ni mother nature. Sarado pa naman ang mga palikuran sa Unibersidad kapag ganito kaaga. Mamaya pang 9am iyon bubuksan ng janitor, e 7:30am pa lang...

Sa sobrang pagmamadali ko kanina, hindi na ako nakapagbawas. Hindi na rin ako nakakain ng agahan sa sobrang pagmamadali. Nakalimang buhos lang ako no'ng naligo dahil bawal ma-late sa unang klase ko. Strikta kasi ang guro namin. Dahil sa nararamdaman kong ito ngayon, tiyak na ma-le-late ako sa klase.

Tumatagaktak na ang malamig na pawis sa aking mukha, nakakahiya talaga. Hindi ko magawang kumilos dahil baka bumulwak ang hindi inaasahan. Nagbubutil-butil na rin ang aking pawis sa may bandang noo, b aka nakakahalata na ang ibang pasahero.

"Manong, bayad po. Isa lang po iyang bayan," sambit ng isang pasahero sabay abot ng bayad sa akin.

Sa sobrang kaba at taranta, ipinikit ko ang aking mata at nagkunwaring tulog. Ayaw ko na munang kumilos dahil sumisidhi ang aking nararamdaman.

"Miss, paabot ng bayad," anito. Naiinis na siguro sa akin 'yung ale, nakakahiya...

Nakonsensiya akong bigla kaya idinilat ko na ang aking mga mata. 'Di naman siguro ako magkakalat dito sa jeep kung kikilos ako saglit. Akmang aabutin ko na 'yung bayad nang bigla naman itong abutin ni Manang, na katabi ko. Agad naman niya iyong ipinasa sa iba.

"Okay lang iyan, Ineng. Napagdaanan ko rin iyan," bulong niya sa akin.

Nanlaki bigla ang mata ko dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Nahalata na rin siguro ng iba. Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya.

Kamukatmukat, malapit na rin akong bumaba. Mas lalong sumidhi ang aking tiyan, tila ba nagbabadya na manununtok na.

"Manong, para po," sambit ko. Ihininto naman niya ang jeep sa tamang babaan.

Naglalakad na ako pababa ng jeep habang nakayuko hanggang sa biglang sumabog ang hindi inaasahan. Tatlong malalakas na utot ang aking pinakawalan. Nagmadali agad akong bumaba sa sobrang hiya.

"Walang hiya! Ang baho!"

"Ang baboy! Napakadugyot!"

"Hindi ko kinaya, amoy bugok na itlog!"

Nang marinig ko ang mga iyon, hindi ko na nagawa pang lumingon sa kanila. Gusto ko sanang humingi ng pasensiya dahil hindi ko naman sinasadya. Medyo napaimpit pa ako ng tawa dahil ang epic siguro ng mga mukha nila.

Umarangkada naman agad ang jeep palayo. Matapos no'n, nagkukumahog naman akong tumakbo paakyat ng foot bridge. Sa dulo no'n, may matatagpuang fast food chain kaya naman doon ako dumiretso. Nang makarating ako sa CR, guminhawa na ang aking pakiramdam.

Nakakapit pa ako sa magkabilang gilid ng cubicle dahil lusaw ito nang lumabas. Nakahinga na ako nang maluwag nang mailabas ko ang dapat na ilabas. Gayon na lamang ang pagkabahalang naramdaman ko matapos no'n, napakasaklap na araw para sa akin. Walang tissue sa banyo...

---

Pumasok pa rin ako sa klase kahit thirty minutes late na 'ko. Bilang kaparusahan, hindi ako pinaupo sa aking upuan ng aking guro, nandoon lang ako sa bandang likod at nakatayo habang nakikinig sa kaniya. Pabor na rin sa akin iyon para hindi ako maamoy ng mga kaklase ko kung sakali man.

"Huy Juness, bakit ka na-late kanina? Nakakapanibago iyon, a..." bungad ni Rosanna habang naglalakad kami sa hallway.

"Oo nga. Saka habang nakatayo ka kanina sa likod, tila ba masaya ka pa," segunda ni Gela. Nasa gitna nila akong dalawa, sa bandang kanan ko si Rosanna, sa kaliwa naman si Gela.

"Mga bes, hindi n'yo kakayanin 'to. Maski ako e hindi kinaya kanina," panimula ko.

Bago ako magsimulang magkuwento sa kanila, napagdesisyunan naming maupo na muna sa bench do'n sa ilalim ng punong mangga.

"Ganito kasi iyon..." ani ko at isinalaysay na sa kanila ang lahat ng nangyari.

"OMG, napakasaklap niyan madam. Kung sa akin nangyari iyan, baka hindi na ako pumasok," pahayag ni Rosanna habang nakapangalumbaba.

"Kaya dapat, laging tayong nagbabaon ng tissue. Buti nga't may dala kang alcohol, e," saad ni Gela habang inaayos ang kaniyang salamin sa mata.

"Salamat na lang sa alcohol," turan ko sabay halakhak.

"Hay oo nga, medyo maangis ang suot mong pantalon," ani Rosanna. Nasapok ko siyang bigla sa ulo dahil nakayuko siya't inaamoy-amoy ang pants ko.

"Aray ko, ang lakas no'n, a," giit niya.

"Nagulat kasi akong bigla sa iyo, Osang. Aamoyin mo naman," singhal ko habang nakabusangot ang mukha.

"May pa-Osang Osang ka pa riyan. Rosanna nga 'di ba?" birada niya.

"Nickname mo naman iyon," ani ko.

"Pero tama nga si Rosanna. 'Yon nga lang, hindi masyadong amoy medyo malayo dahil humahalimuyak pa rin 'yung inilagay mong pabango," pagsingit ni Gela.

"Yes," tugon ko.

"Nga pala mga bes, mayroon ba kayong extra panty na dala?" pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit? Ano naman ang gagawin mo roon?" ani Osang.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo kanina... wala akong suot na panty ngayon," pahayag ko.

"Ha? Seryoso ka?" sabay nilang sambit. Hindi maipinta ang kanilang mukha sa sobrang pagkagulat. Tumango naman ako bilang tugon.

"Ano ang nangyari sa panty mo?" tanong ni Gela.

"Noong pababa ako kanina sa jeep, nagkandautot ako 'di ba? Hindi ko namalayang may ipot na sumama kaya iyon, iyon na lang din ang pinangpunas ko dahil wala ring tissue," paliwanag ko.

Napabunghalit sa katatawa 'yung dalawa dahil sa kinuwento ko. Maski ako, nakisali na lang din sa kanila sa pagtawa. Nakakatuna ang mga tawanan namin, hindi kami matigil sa pag-ihit.

"Grabe ka, Juness. Buti pumasok ka pa," turan ni Gela habang nagpupunas ng luha dahil sa katatawa.

"Kung alam n'yo lang kung gaano ako nahihiya kanina. Hinding-hindi na talaga mauulit 'to," saad ko.

"Pero seryoso madam, wala ka talagang itinapal kahit na ano?" ani Rosanna.

Madam ang tawag niya sa akin dahil kapag tinatamad ako, inuutusan ko siya. Siya namang si tanga, sunod-sunuran. Hindi ko alam kung may saltik ba ang kaibigan kong 'yan.

"S'yempre, mayro'n naman. Ginamit ko 'yung panyo ko bilang panghalili," sagot ko.

Nagtawanan na naman ang dalawa, nakakahiya sa mga dumadaan. Buti na lang, hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin.

"Itigil n'yo na nga iyan. Masyadong kayong ligayang-ligaya," pagsingit ko.

"Oo na, nakakatawa lang talaga kasi. Idol na talaga kita," wika ni Osang. Nagkakandaihit pa rin siya sa pagtawa.

"Tara, punta na lang tayo sa dorm ko para makapaglinis na iyang si Juness," litaniya ni Gela. Inaayos na niya ang kaniyang sarili matapos maligalig sa katatawa.

"Salamat, Gela. Ang bait mo talaga," pambobola ko sabay pisil sa kaniyang pisngi.

Agad kaming kumilos patungo kina Gela. Dalawang oras naman ang vacant namin kaya makakapaghala-hala pa kami sa dorm.

Ngayong taon lang kami nagkakilalang tatlo. Magkakaiba kami ng ugali pero pinagbuklod-buklod kami ng panahon. May dalawang bagay kaming higit na napagkakasunduan; una ay ang pagkain; pangalawa, sa kalokohan. Masaya akong nakilala ko sila dahil hindi naging malungkot ang panimula ng college life ko.

In the Dark NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon