den-den's POV
hawak ko pa rin ang kwintas na bigay ni aly sakin nung anniversary namin. isinuot ko iyon sa leeg ko.
den: bakit ngayon ka pa umalis, kung kelan handa na kong magpatawad?
kung kelan handa na kong tanggapin kang muli.
kung kelan narealize ko na ang mga mali ko.
kinuha ko ang picture frame namin sa side table ng kama namin ni aly.
den: hahanapin kita. ibabalik kita dito, kung saan ka nararapat. sa piling ko.
kinabukasan
kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si ella.
*calling besh ella*
ella: hello
den: hello ella.
ella: napatawag ka? kumusta?
den: ah magtatanong lang sana ella.
ella: ano yun?
den: hmmmm andyan ba si aly?
ella: si aly? wala. bakit? nag-away ba kayo?
den: maliit na tampuhan lang.
ella: ah ganun ba? tawagan ko yung ibang lady eagles. text kita kung merong isa sa kanila ang tinuluyan ni aly.
den: ah sige, salamat ella.
ella: sige. pero try mo din tawagan yung family nya sa batangas, baka andun.
den: ay oo nga. sige. tawagan ko.
ella: o sige, bye.
den: bye.
idinial ko ang number ng mama ni aly.
*calling mama*
mama ni aly: hello den.
den: hello ma.
mama ni aly: napatawag ka 'nak?
den: ah ma, tanong ko lang po kung andyan si aly.
mama ni aly: si aly? di ba magkasama kayo?
den: eh ma, nagkaroon kami ng konting tampuhan. umalis po sya eh. hindi ko alam kung san sya hahanapin.
mama ni aly: dont worry 'nak, mahal na mahal ka ni aly. babalik din yun. baka nagpapalamig lang ng ulo.
den: sana nga po ma.
mama ni aly: o sige, pag pumunta sya dito, sasabihin ko agad sayo.
den: sige po ma. salamat po.
mama ni aly: o sige 'nak. subukan mo ring tawagan at baka mapakiusapan mong umuwi na dyan sa inyo.
den: opo ma. salamat po.