aly's POV
natapos na ang opening ng chowking-katipunan branch nina ella. andito kami ngayon sa condo nila ni mae, dahil after ng opening ay nagkayayaan na mag get together muna kaming mga lady eagles.
ella: guys, guys, pasensya na ah? hindi lang lady eagles ang bisita namin. meron pang isa.
aly: sino?
ella: si bang.
aly: bang?
ella: shiela pineda.
aly: talaga? asan na sya?
ella: padating na din daw eh. nalate lang. model na kasi yun ngayon.
aly: ah ganun ba?
hinila ako ni ella sa isang sulok.
ella: mukhang excited ka ah.
aly: excited ka dyan! marinig ka ni denden.
ella: sssshhh.. tahimik lang naman ako ah.
aly: tigilan mo ko ah.
ella: di ba matagal ng may crush sayo yun?
aly: tama na, ayoko na nga ganitong usapan.
tumalikod na ko kay ella
ella: ahahaha :) guilty ka aly!
aly: hindi kaya, at tsaka ano ka ba? tsismis ka pa, eh kami nga ni denden di ba?
ella: eh ano kung kayo? ahahaha :) pwede namang dalawa sila. (umakbay kay aly)
inalis ko ang pagkakaakbay sakin ni ella.
aly: tigilan mo nga ko.
biglang nagsalita si denden
den: ano meron?
ella: ah wala den, eto kasing si aly, masyadong masaya at nag one year na kayo. di ba?
tumingin sakin si ella.
aly: o-oo bhe. kinukuwento ko kasi sa kanya kung gano tayo kasaya kahapon.
den: ay naku, kayo talagang dalawa. eh teka ella, andyan na nga pala si bang.
ella: andyan na? teka, excuse lang ah? salubungin ko lang.
ng maiwan nalang kaming dalawa ni denden.
den: kelan ka pa natutong magsinungaling saken?
aly: ha?
den: narinig ko pinag-uusapan niyo ni ella.
seryosong nakatingin sakin si denden. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. kung ano ang sasabihin ko. pakiramdam ko biglang natuyo ang lalamunan ko. ang naisagot ko lang ay..