aly's POV
kakabangon ko palang. umaga na rin kasi ako nakatulog dahil kailangan kong tapusin ang mga lesson plan ko for the next sem. hinihingi na kasi ng dean ng ateneo dahil ipapasa na daw sa ched. nakaupo pa ko sa kama ng may kumatok.
*knock.. knock...*
agad kong binuksan ang pinto. nagulat ako sa kung sino ang nakita ko sa labas ng pinto.
agad akong niyakap ng babaeng nasa labas.
hindi ako nakagalaw.
hindi ako nakapagsalita.
hindi ko alam kung yayakapin ko rin sya o aalisin ang yakap na yon.
nang maramdaman ko na sya na mismo ang kusang bumitaw sa yakap na yon.
den: i miss you bhe. antagal kitang hinanap. (hindi inaalis ang dalawang kamay sa bewang ni aly, samantalang tinitingnan si aly)
aly: pano mo nalaman na dito na ko nakatira?
den: hindi na importante yun. ang mahalaga nahanap na kita. magkasama na tayo ngayon.
tumungo ako.. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. kinakagat ko ang ibabang labi ko na para bang nakakatulong iyon sa pag-iisip ko.
tiningnan ko si den. namiss ko sya. namiss ko ang babaeng pinag-ukulan ko ng buhay ko. ang babaeng minsan ko ng pinagtaksilan.
aly: den, kasi..
------------------------------------------------------------------------------
denden's POV
tinitingnan ko si aly ngayon. hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko hindi sya natutuwa na andito ako ngayon sa harapan nya?
nakita ko na tumungo sya. ano ba ang problema aly? hindi sya mapakali. ramdam ko na may problema. ramdam ko na may gusto syang sabihin.
then finally, tiningnan din nya ko. namiss ko ang mga mata nya. ang mga mata nyang tumatawa kasabay ng pagkislap ng mga bituin sa langit. pero tila ba walang ningning ang kanyang mga mata ngayon. nakita ko ang pagkagat nya ng ibabang labi nya. noon, pag nakikita ko syang ganon ay para bang napaka sexy ng mahal ko, pero ngayon, bakit tila parang hindi siya mapakali.
aly: den, kasi..
den: (hindi na pinatapos si aly) alam mo bhe okay lang yan, naiintindihan kita. matagal na din naman nung last tayong nagkita.
bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa bewang nya. naglakad ako papasok ng kwartong tinutuluyan nya.