aly's POV
habang nagdridrive ako ay hindi ko maintindihanang sarili ko kung maiinis ba ako o maguiguilty dahil sa naging reaksyon ni bang kanina. aaminin ko, natatakot ako na malaman ito ni denden. ang girlfriend ko na lahat ay ginawa para mapasaya ako, pero ano ang isinukli ko? nagtaksil ako sa kanya.
pagdating ko ng bahay, nakita ko ang pinakamamahal kong girlfriend. busy sa paggagayat ng niluluto nya. hindi ata nya napansin na dumating na ko. pasipol-sipol pa sya habang naggagayat ng mga gulay. hindi ko naiwasang hindi pagmasdan ang babaeng nagpatibok ng aking puso. wala akong natatandaang ginawa nyang kasalanan sakin. ni hindi sya tumingin sa iba kahit hayagan ang pagsasabi ni myco at LA na mahal nila si denden.
napabuntung-hininga ako ng malalim habang iniisip ang mga bagay na yon. dahilan para mapansin ni denden na nakatayo na pala ako malapit sa kanya. agad syang lumapit saken, ikinawit ang dalawa nyang braso sa leeg ko.
den: kanina ka pa? (smile)
aly: hmmmm (smile at tumango)
den: bat di ka nagsasalita?
aly: gusto ko lang panoorin ang girlfriend ko na nagluluto.
niyakap nya ako. inihilig ang ulo nya sa aking dibdib. para bang pinapakinggan nya ang tibok ng aking puso. sana naririnig nya ang sinisigaw ng puso ko, ang pangalan lang nya ang isinisigaw nito.
aly: bhe..
den: hmmmmm?
tumingala si denden. nakita ko ang kulay bughaw nyang mata. mga matang sakin lang nakatitig, mga matang nagsasabing ako lang ang mahal nya. hinawi ko ang ilang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.
aly: wanna go somewhere with me?
i asked her with all sincerity on my eyes.
den: syempre naman. kahit saan, basta kasama kita.
hindi ko namalayan ang pagpatak ng isang luha sa aking pisngi. dahilan para mapakunot ang noo ni denden. kumalas sya ng yakap sakin at tiningnan ako.
den: may problema ba bhe?
aly: (pilit ngumiti) wala bhe. masaya lang ako na andito ka sa tabi ko. na kasama kita.
hinawakan nya ng isa nyang kamay ang isa kong pisngi. ngumiti sya. hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa aking pisngi. pilit kong dinadama ang init ng kamay ng pinakamamahal ko. gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya kahit alam kong napakalaki ng kasalanan ko.
den: bhe, ayokong umiiyak ka (pinunasan ang luha ni aly sa pisngi) dahil hindi kita iiwan.
aly: promise? (nagsusumamo kong sabi)
den: promise. so tahan na, tama na pag-eemo mo. tulungan mo nalang akong magluto.