JAYMOND POV
Walang pumasok sa utak ko kundi si VEnus! Venus! Venus!
nasan na siya..
Buong Tagaytay nalibot ko na..pero walang Venus akong makita. Kaya nagpasya akong umuwi na muna.
Pero di pa ako nakakalayo ng may mahagip akong nagtatatakbo na dalawa. Isang lalaki at isang babae.
Di ko pinansin ito nung una pero ng malapit niya.
" SHIT! VENUS!" agad kong itinabi ang sasakyan ko at bumaba pero ni maski anino niya di ko na nakita.
Ang lapit lapit na niya sakin pero nawala pa. napasuntok na lang ako sa katabi kong semento. Di ko ininda ang sakit dahil wala pa ito sa sakit na ibinigay ko sa kanya.
NATHAN'S POV
" Gf, gusto mo maligo?" agad namang napatingin sakin si Mija, kitang kita na namula siya sa sinabi ko. haha, ang cute niya talaga!
" che! "
" hahahaha, kakatawa yang mukha mo, kaya love na love kita eh, tara ligo tayo?" anyaya ko sa kanya pero isang hampas lang ang ibinigay niya sakin sabay tawa.
" gf naman, para san yung hampas na yun, yayayain lang naman sana kita sa resort para maligo eh." nag act ako na nagtatampo. Pero di ko iniinspect na yayakapin niya ako ng mahigpit. Para bang yung yakap niya ay may kakaiba.
" Gf, bakit?"
" Salamat. SAlamat sa lahat kahit di mo ako kilala minahal mo pa din ako, salamat dahil nanjan ka lagi para sakin." bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin.
Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Ngiti ng pagmamahal at pag unawa. Tanggap naman niya na maging girlfriend ko siya kahit noong una pa kahit di niya ako mahal, pero nung lumaon na pakiramdam ko kahit papaano mahal na niya ako at hindi ko igigive up ang konting pag asa na yun.
" Bf naman, tutunganga ka na lang ba jan o tutulungan akong mag ayos ng gamit nating papunta sa resort?"
" hahaha, oo na, nanjan na."
* sa resort*
Di ako mapakali kasi parang may mali. Di ko lang alam kung anu pero di maganda ang kutob ko sa pagpunta namin dito.
Si Mija naman ay sayang saya dahil nakarating siya dito.
Mukha siyang bata na napakainosenteng tingnan, pero nakikita ko bawat ngiti niya may lungkot. Di ko alam kung bakit pero may mali talaga eh.
Di ko na lang pinansin yun at sinamahan ko na lang si Mija.
BINABASA MO ANG
Ultimate Rival (Rival Lover)
Dla nastolatkówDAPAT ANG MGA HADLANG PINAPATAY! Pero paano kung sumingit si LOVE sa buhay mo at di mo napaghandaan ang mga bagay na maidudulot nito sayo?