Chapter 1

10 1 0
                                    

Jewel's POV

Hi people! My name is Jewel Andrea Park. Half american, half Filipina. New 4th year college student na nag aaral sa Philippine University.

Ang school na ito ang isa sa pinaka pinapangarap kong pasukan noon. Actually, kinakabahan ako noong nagtake ako ng entrance exam, pero hindi ko akalain na makakapasa ko.

Mayaman nga ba kami? Hmmm, inaamin kong mas mayaman kami compare sa mga dating classmate ko. Pero hindi ko sila pwedeng pagsabihan ng sikretong yon. Tiyak na ako na ang magiging central topic nila at walang sawang hihingian ng pera.

My parents are both successfull business man/woman. Kaya naman lahat ng gusto kong irequest, andyan na agad.

Nagiging sweet silang dalawa kapag kami ang kasama ng baby sister ko pero kapag nasa harap ng ibang tao, matakot na sila. 

Mama is sweet but strict. Si Papa naman, joker pero mas strikto siya sa mga tauhan o empleyado niya.

For me? Hmm.. they are little strict when it comes to studies.

Mayaman naman kami pero hindi ang yaman ang magpapaangat sa akin kundi ang pinag aralan ko.

"Mama, alis na po ako." paalam ko sa Mama ko.

"Sige anak. Ingat ka." sagot niya at saka ngumiti sa akin.

Sa ngayon, pansamantala munang ako ang gagamit ng sasakyang iniregalo sa akin ni Papa noong birthday ko kasi umalis ng biglaan ang driver ko.

At magiging permanente lang na ako ang gagamit kapag wala akong kalokohan na gagawin.

Nang makarating ako ng school, madaming estudyante na agad ang dumagsa sa napahabang bulletin board para malaman kung anong rooms sila.

At dahil bago palang ako, hindi ko maiwasang kabahan.

Hinanap ko agad ang pangalan ko sa listahan ng mga fourth year ngayong taon, at matapos ang ilang minuto nahanap ko na agad ang pangalan ko.

"Room 302, third floor." bulong ko

Dali dali akong naglakad papunta sa nasabing room. Ilang minuto nalang kasi, malelate na ako.

Pagpasok ko, maraming estudyante na ang nakaupo. Yung iba, busy sa paglalaro ng mga gadgets nila, yung iba naman ayun busy din kakabasa ng mga libro at marami pang iba.

I sat on the blank chair beside the window at para narin makalanghap ako ng sariwang hangin.

"You must be Jewel Andrea Park?"

Napalingon ako sa katabi ko.

"Y-yes." sagot ko

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, "Oh my gosh! Can I take a picture with you!?"

Okay? Anong meron sa akin at gusto niya-

"Shhh! Shut your mouth please!" mahinang saway ko sa kanya.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na isa akong sikat na modelo ng Scarlet Modelling Company. Na syempre pinaka sikat din na kompanya sa buong mundo pagdating sa pagmomodelo.

Hindi ko inexpect na kilala niya ako. Ayoko din kasing ipaalam sa iba ang buong pangalan ko dahil anytime baka may magtangka sa buhay ko.

Last week, may nagpadala sa akin ng patay na pusa at my naiwang letter doon na nagsasabing..

'Ibabagsak ko ang career mo. Papatayin ko rin ang mga magulang mo J.A.'

Hindi ko sinabi yon sa parents ko. Dahil ayokong malaman nila at mag alala sila.

"How did you know my full name?" takang tanong ko sa kanya.

"Simple. I am your number one fan!" proud pa na sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi niya, "Pinagkalat mo ba sa lahat ang tunay kong pangalan?" tanong ko ulit.

"No. Wag kang mag alala, ayoko namang malaman ng killer ang totoong pangalan mo noh. Ano siya? Tanga?" sabi niya

Tinanong ko ulit siya kung paano niya nalaman iyon, nang sinagot niya ang tanong ko, wala na akong maitatanong pa.

Alam niya lahat sa buhay ko eh.

"I want you to be my friend Jewel. Don't worry, may alam akong security company na pwedeng magbantay sayo. At sa ayaw at gusto mo gagawin ko iyon." sabi niya

Cindy Shin pala ang pangalan ng babaeng katabi ko. Half Chinese naman siya at half Filipina.

Hindi na natuloy ang usapan namin nang pumasok na ang Professor namin at nagsimula na siyang magorient.

Ikinuwento niya muna ang mga rules and regulations, mga subjects na related sa course namin at ang history ng school.

"Ano yon Prof? Hindi niyo kilala ang may ari ng school na ito?" tanong ng isa kong kaklase.

"Oo. Sa ilang taon ko ng nagtuturo sa school, wala pang ni isa sa amin ang nakakakilala at nakakakita sa kanya. Hindi nga namin alam kung lalaki siya o babae. But, I'm pretty sure he/she is very mysterious." paliwanag ni Professor Ann.

Hindi ko hilig ang history pero mukhang magkakainteres ako sa history ng school namin.

At isinusumpa ko, ako ang unang magkikilala sa kanya.

---

How's the chapter 1? :)

ArmageddonWhere stories live. Discover now