Jewel's POV
Natapos ang program na panay ang tili ng mga estudyante sa may ari ng school na si Mr. Armageddon Summit. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa kanya? Mukhang may kapangyarihan siya na hindi ka makakatakas.
Gwapo, matangkad, baby face at dagdag pa ang nagseseryosong mukha niya mas lalo siyang kababaliwan ng mga babae.
"Bes, iihi muna ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling tumungo ng C.R.
At dahil sa naiihi na talaga ako basta nalang akong pumasok sa C.R na hindi tinignan kung pang babae ba ito o hindi.
Nang makapasok na ako sa cubicle, para akong nakahinga ng maluwag. Nilabas ko na kasi ang dapat ilabas. Pfftt.
After ng maginhawang pakiramdam, lumabas na ako ng cubicle at nag retouch ng kaunti.
Akmang lalabas na ako nang may pumasok din na...
Wait. Lalaki?
"It seems that you entered a wrong Comfort Room, Miss?"
At gayon nalang ang gulat ko nang makita ang taong nagsalita.
At walang iba kundi si Mr. Armageddon Summit."The--What?" naguguluhan din ako sa isang to eh.
"This is a MALE'S C.R. What are you doing here?" malamig na tanong niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at tama nga siya. Pakshet!
"Oh my, I-I'm sorry Sir." sabi ko at nagmamadaling lumabas.
Ang malas naman! Napakamalas ko naman talaga! Sa ganung paraan pa kami mag uusap! Nakakahiya!
---
"HAHAHAHAHAHA!"
Kanina pa tawa ng tawa ni Cindy dahil sinabi ko lang naman sa kanya ang nangyari kanina.
Mas mabuti na sigurong mapahiya sa maraming tao kaysa mapahiya sa kanya.
"Mabulunan ka sana ng sarili mong laway. Leche." sabi ko at sa wakas tumigil narin.
"Bes, ang tanda mo na. Hindi mo ba nabasa o nakita manlang ang sign kung pangbabae ba ang napasukan mong C.R o hindi? Ngayon ko lang narinig ang ganyan." Cindy
"Eh kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko baka ako naman ang tatawa ngayon. Tss."
"Ewan ko lang kung hindi tatawa si Sir dahil sa nangyari kanina." dugtong niya at nagpaalam muna na magluluto.
Andito kasi ako ngayon sa condo niya. Naisip kong tumambay dito dahil kanina umalis na naman ang mga magulang ko. Mabuti nalang at napatapos nila ang event kanina.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni nang meron akong maalala.
Kung si Sir Armageddon ang may ari ng PU, dapat patay na siya ngayon. Wala naman siyang nabanggit kung minana ba sa kanya ang school.
He is very mysterious. Hindi kaya immortal ang taong yon? Pero imposible din dahil hindi sila totoo.
Pero kung totoo, anong nilalang siya?
Mukhang itutuloy ko na ang pangiimbestiga. Ngayong alam na namin kung sino siya, madaling malaman ang tungkol sa buhay niya.
"Bes! Luto na ang lunch natin!" sigaw ni Cindy mula sa kusina.
Naglakad na ako papuntang kusina. Nadatnan ko siyang naghahanda pa ng isa niyang niluto at nilapag iyon sa mesa.
"Mukhang masarap ang ulam natin ngayon ah." sabi ko
"Syempre, maganda ang taga luto." sagot nito sabay tawa.
Habang kumakain kami, napasok sa usapan namin ang taong kanina ko pa iniisip.
"Jewel, natatandaan mo ba na noong gusto mong malaman kung sino ang may ari ng PU?" tanong niya.
Napatigil ako sa pagkain, "Bakit mo natanong?"
"I want to investigate him too. Dahil base sa narinig kong usapan nila Sir Armageddon kanina at ng Dean, mukhang may tinatago silang sikreto eh."
I'm totally shocked on what Cindy says, mukhang parehas kaming gustong malaman ang tunay niyang pagkatao.
"Anong narinig mo?" tanong ko sa kanya.
"He mentioned earlier, there's a girl here in our school that he want to marry and to save his Kingdom."
Napa- 'Huh?' nalang ako sa mga salitang binanggit ni Cindy.
"And?"
"He will test himself to fall in love with her. At kapag tumagal ang samahan nila nang hindi siya nahuhulog dito, he will let her go at maghahanap na naman ng bagong babaeng pwede niyang mahalin." she said.
Nagulat ako. Ano kayang meron sa lalaking yon?
Natapos ang lunch namin na siya parin ang topic.
"Good thing they didn't caught you?" ako
"I don't know but, while I'm accidentally hear them I saw my bracelet na lumiwanag ng kaunti at nawala na naman." at pinakita niya sa akin ang bracelet niya.
Her bracelet is an amelet. According to the Feng Sui, this is serve as the protection for an individual against the bad spirits.
Siguro prinotektahan siya nito para hindi siya marinig o maramdaman ng mga nilalang na...
Wait.
Could it be they are the bad spirits or something that we didn't expected?
Natatakot tuloy ako.
--
Kamusta kayo diyan? May nagbabasa paba nito?
YOU ARE READING
Armageddon
VampireAksidenteng nakita ni Jewel ang pangalang 'Armageddon' sa search bar ng cellphone niya. At sa hindi malamang dahilan ay nagandahan siya sa pangalan na iyon. Kahit na hindi niya alam kung sino nga ba si Armageddon o sadyang isa lang siyang bagay o ka...