Chapter 4

7 1 0
                                    

Jewel's POV

After ng class namin, niyaya ko na agad si Cindy na kumain sa Jollibee malapit sa school namin.

"Bes, gaano ba katagal mag antay bago ako maging official model ng Scarlett?" tanong ni Cindy

"Malapit na. Alam mo naman, ang CEO ng company sobrang arte." sagot ko

Sa SMC, bago ka maging official model nila ay marami pang mga cheche bureche ang ginagawa. Aabot ata ng 1 month kasama na ang training.

At bawal sa SMC ang mahiyain.

To be honest, mahiyain din ako noong trainee palang ako. Pero, narealize ko din na ang pagmomodel pala ang magiging way para hindi ako mahiya.

Kaya lang, ang killer ko ang problema.

Mabuti nalang at hindi na siya nagpaparamdam ngayon. Pero mas kinakabahan naman ako dahil hindi ko gusto ang pagiging tahimik niya.

Baka magising nalang ako, nasa purgatoryo na.

"Oo nga no, hindi naman ako mahiyain ah. Tapos, napasa ko naman ang standards nila. Baka kulang nalang, pati virginity ko mabigay ko na." dugtong niya pa.
Nagtawanan naman kami pareho pero biglang tumigil sa pagtawa si Cindy na ikinatigil ko din.

Oo, natural naman yon. Na may nag uusap sa bawat paligid mo. Pero yung topic nila ang nagpatigil sa pagtatawanan namin ni Cindy.

"Have you heard the news? Dito na raw titira si Mr. Summit."

"Yeah! Lagi kaya akong updated sa kanya."

"Pero hindi pa natin nakikita ang itsura niya. Paano natin malalaman kung gwapo yun?"

"Sus, pangalan palang niya friend yummy na. Pero ang ipinagtataka parin kung bakit 'Mr. Summit' ang tinatawag sa kanya? Wala ba siyang first at middle name?"

"Yun nga din ang hindi ko alam."

"Oh my gosh. Dito talaga titira si Mr. Summit?" bulong ni Cindy

"Sino yun?" tanong ko

"Mr. Summit is the most famous and richest person in the world. At balita ko din na, balak daw niyang makipag partner ng business sa SMC. According sa tsismosa nating secretary." Cindy

Hindi ko nalaman yun ah? 2 years palang akong nagmomodel under SMC pero wala akong naririnig na kahit ano about that Mr. Summit.

Eh ngayon ko lang narinig pangalan niya eh.

After few minutes, natapos ang pagkain namin pero hindi pa natapos ang dalawang babae sa pag uusap about kay Mr. Summit na yan.

---

"Goodevening Ma'am Jewel." bati sa akin ni Nanay Minda, ang yaya namin.

"Nanay Minda, ilang beses ko na pong uulitin na 'Jewel' nalang ang itawag mo sa akin?" sabi ko

"Haha. Pasensiya na. Masyado kasing pagod ang nanay mo. Kaya yun ang nasabi ko." sagot niya.

Si Yaya/Nanay Minda ang pinakamatagal naming katulong sa bahay. Pero hindi mababang uri ang tingin namin sa kanya.

Kundi bilang isang pamilya.

"Hindi paba dumarating sila Mama?" tanong ko

"Hindi pa Jewel eh. Mag-iisang linggo na pero hindi pa sila umuuwi." Nay Minda

Hindi nalang ako sumagot at umupo na agad sa sofa para manood ng tv. Wala rin naman kaming assignment. At isa pa, kailangan kong magchill kahit ngayon lang.

When I opened the tv, nahagip agad ng mga mata ko ang pangalang 'Mr. Summit' na binabalita ng news anchor.

"Trending na po ang official na pagtira ng isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo dito sa Pilipinas na si Mr. Summit. Inaalam pa ng ating mga reporter ang dahilan ng kanyang pagtira dito...."

Maging sa tv, trending siya? Hanep ah. Ang yaman niya talaga.

Pero nagulat nalang ako nang may mahagip ulit akong isa pang pangalan.

"Armageddon."

"Samantala, kasabay din nito ang pagtrending rin ng pangalang 'Armageddon' sa social media. Sino nga ba ang taong ito? Ano kaya ang nasa isip ng mga pinoy ngayon at natrending ang isang pangalang hindi sigurado kung nageexist ba talaga siya? Alamin natin yan sa aming pagbabalik sa lunes.."

Trending nadin pala ang pangalang 'Armageddon' ngayon.
At ngayon ko lang din napansin na friday na pala ngayon. Hayss. Masyado naba akong stress?

Dahil sa pagiging SC President?

Sa pagiging SMC model?

Kay Mr. Summit?

O kay Armageddon?

--

Hello guys! Buhay paba? 😂 Char.

ArmageddonWhere stories live. Discover now