Chapter 7

9 1 0
                                    

(I dedicated this Chapter for Nico_ziel_17. Hi be. Sana magustuhan mo.)

Jewel's POV

-You'll be dead soon kitty, be careful.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa message na natanggap ko. Hindi ko masabi kung nang iinis lang to o baka nababaliw lang.

Medyo nasasanay na ako sa ganito. Laging nakakatanggap ng message na naglalaman ng mga nakakakilabot na banta. Kung hindi man, eh patay na pusa o bulaklak ang natanggap ko.

Minsan na nga akong nagreport sa pulis. Pero maski sila, sumuko narin sa pagiimbestiga. Lecheng mga pulis, mga walang kwenta.

Walang pasok ngayon kaya naisipan ko munang lumabas. Nagpaalam muna ako sa mama ko bago umalis.

Ginamit ko ang kotse ko dahil masyadong mainit sa labas at baka sumakit ang ulo ko. I tried calling Cindy na samahan ako but she's out of the town.

Nang makarating na ako sa Mall, agad akong nagtungo sa isang restaurant na palagi naming kinakainan ni Cindy.

Actually hindi talaga ako mahilig sa ganito. Puro Jollibee, Mcdo, Mang Inasal ang gusto kong kainin noon. Pero ngayon, ang agency na mismo ang nagsabi sa akin na kailangan kong umiwas sa mga matataong kainan.

Nag order na ako at naghanap ng mauupuan. Sakto namang bakante ang favorite spot ko which is nasa dulo kaya agad akong umupo doon.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na nga ang order, "Thank you, Miss." sabi ko.

"Enjoy your food Ma'am." sagot niya.

Ngumiti ako at sinimulan ko ng kainin ang inorder ko, hindi pa nga ako nangangalahati nang mapatingin ako sa pumasok na dalawang lalaki.

Nagulat ako nang makilala ko kung sino siya. Si Sir Armageddon at kasama niya ang pinakabata naming professor na si Professor Ty. Omg, magkakilala sila?

Agad kong kinuha ang bag ko at tinungtong sa table para takpan ang mukha ko. Hindi ko parin kasi makalimutan ang nangyari sa Men's CR. Jusko.

Pinalad naman ako at hindi nila ako nakita. Umupo sila di kalayuan sa akin pero hindi parin nila ako mapapansin dito.

Kailangan kong bagalan ang pagkain ko. Pero kakaorder palang nila. Siguradong ako talaga ang mauuna na matapos.

Sinilip ko sila at busy ang dalawa sa pag uusap. Hindi kaya may...Omg!

Bakla kaya si Sir? Sayang naman ang kagwapuhan niya kapag pinatulan niya si Prof Ty!

Ayokong magisip ng kung ano ano kaya kumain nalang ulit ako. At nang maubos na, naisipan kong umorder ulit ng isang frappe coffee para mas matagalan ako dito.

I look like a goddamn spy. Pfftt. Kahit hindi naman.

"Here, Maam." bati nung waitress na naghatid ng pangalawang order ko.

Base sa nakikita ko, walang anumang something akong nakita na may relasyon sila. At naalala ko bigla ang sinabi ni Cindy, he is here to get his girl and to make her a Queen.

Nakakatawa mang isipin pero mukhang naniwala ako sa bruhildang yun.

Sir Armageddon is super mysterious. Mahirap sabihin kung ano talaga ang pakay niya. Kung talaga bang dito na siya titira o may iba pa?

Dapat nag aral nalang ako ng Psychology tapos ang trabahong pipiliin ko ay maging Detective para may alam ako eh.

Napatigil ako sa pagmumuni muni nang makita kong tumayo na sila. Para naman akong baliw na ngumingiti dahil sa wakas hindi niya ako nakita at makakalabas narin ako dito. Napa gastos pa tuloy ako ng malaki. Tss.

Nang tuluyan na silang lumabas ay agad naman akong tumayo at lumabas din. Naglibot libot muna ako sandali at may mga biniling kung ano ano bago ko naisipang umuwi.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay parang nakaramdaman kong may nakatingin sa akin. Napahinto ako at tumingin sa paligid. Wala naman.

Muli akong naglakad papalapit sa kotse ko nang may biglang humila sa akin at sinandal ako sa pader.

At ang taong yon ay walang iba kundi si..

"S-Sir Armageddon." sambit ko.

"Your spying me Ms. Park." seryosong sabi niya.

Ano daw?! I'm not spying him!

"N-No sir. I was in the restaurant when you came." sagot ko ulit.

Takot na takot akong napatitig sa mga mata niyang mapula. Totoo ba to?

Walang sabi sabing hinila niya ako papasok sa kotse ko at imbis na ako ang magdrive, siya ang umupo sa driver's seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

Napakapit tuloy ako sa hawakan, "S-Sir! D-Dahan dahan naman po!" natatarantang sigaw ko.

Hindi siya sumagot at mayamaya bumagal na ng kaunti ang sasakyan. Hindi familiar sa akin ang daanan kaya naman nilakasan ko na ang loob kong tanungin siya.

"Where are we going, Sir?"

"To my house." sagot niya.

"H-Ho? Pero uuwi na po ako." lagot ako kay mama at papa nito.

"Open your inbox."

Agad ko namang binuksan ang phone ko at nakita ko ang message ni Mama.

[Mama: Jewel, stay with Armageddon for a couple of months. Sorry sweetie, we have a problem again to our business in Korea at tatagal kami ng ilang buwan doon dahil magkakaroon ng snow storm at aabot yun ng ilang buwan. Kaya kailangan naming umalis ngayon na. I hope you understand us. Armageddon promised na babantayan ka niya. I love you sweetie.]

Ganun katindi ang snow storm sa Korea? I hope my parents will be safe.

"How did you know my parents, Sir?" hindi ko na mapigilang magtanong.

"I have my ways, kitty. So shut up now."

Wait did he just mentioned 'kitty'?

Kahit na sobrang naguguluhan ako ay tumahimik nalang ako. Hindi ko talaga aakalain na kakausapin ako ng lalaking to.

At baka ito rin ang chance ko na malaman kung sino talaga si ARMAGEDDON SUMMIT.

--

Hey guys. It's been a week since huli ko tong inupdate. Sorry fo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ArmageddonWhere stories live. Discover now