Who Is She?

7.1K 269 9
                                    

CLOSE UP PICTURE ng isang lalaki, note na may nakasulat na address at isang CD ang laman ng drawer na pinilit buksan nina Diwa at Rique. Kinuha niya agad ang picture at tinitigan.

Si Rique naman, ang note ang binasa. "Sa Cambodia?" kunot-noong sabi nito, hawak ang note.

Nakibasa na rin si Diwa. "Hindi kaya ang Dong Calveron sa address na 'yan ay...ang lalaking 'to?" Inilapit niya kay Rique ang picture, na agad namang tiningnan nito. "Ano kaya ang laman nito, Rique?" ang CD ang sinasabi ni Diwa.

"Panoorin natin?" balik ni Rique, parang hindi sigurado sa gagawin nila. "Okay lang kaya? Baka naman dalawin tayo ng multo hanggang sa panaginip, Diwa. Mahirap 'yan. Baka 'di na tayo magising."

"Hindi naman siguro," sagot niya naman. "Itinuro niya sa akin ang mga drawer eh. Ang iniisip ko ngayon, alin sa mga nasa drawer ang gusto niyang makita natin? Hindi kaya...ang mga 'to? Maliit na bola lang saka maliliit na libro 'yong nasa unang dalawang drawers."

"Check muna natin ang CD," si Rique na sigurado na sa gagawin. "May dala akong laptop, 'kunin ko lang sa kotse." At iniwan na siya sa kuwarto.

Huminga nang malalim si Diwa, tumingin sa pinto ng banyo. "Kung nakikinig ka, balikan mo na lang ako," sabi niyang parang nasa tabi lang ang kausap. "Tulungan mo kaming maintindihan ka."

Katahimikan lang ang sumagot kay Diwa. Ilang minuto pa, nasa kuwarto na uli Rique, dala na nito ang laptop. Naupo ang lalaki sa kama at binuksan ang computer.

"Rique, kilala mo ba ang dating may-ari ng bahay?"

"Not personally. Ni-refer lang ng isa sa mga friends ko. Ang last news, nag-migrate na sa ibang bansa. Gusto ko lang talaga ang location at design nito kaya kinuha ko agad na wala masyadong 'research'." Abala na ito sa gadget. "Ang result, we're here," at napailing. "Nagso-solve ng ghost case. Ang malas ko, Diwa."

"Baka naman gusto talaga ng universe na ikaw ang makakuha sa bahay na 'to. 'Di ba nga, lahat daw ng nangyayari sa buhay natin, may rason?"

"Naniniwala ka do'n?"

"Oo..."

"Ba't kaya tayo nag-meet?"

"'Di pa ba halata? 'Eto na nga, o. Para tayong imbestigador na may back up na multo! Nagtaka ka pa?"

Magaang tumawa si Rique. Kinuha na nito sa kanya ang CD at isinalang sa laptop. "Ano'ng looks ng multo, Diwa?" parang curious na tanong nito.

"Dapat kasi nandito ka para nakita mo!"

"Kaya nga ayokong umuwi. Kung wala ka ngayon, wala rito kahit anino ko!"

Sabay lang silang tumawa.

"Bakit hindi mo na lang ibenta, Rique?"

"I'm hoping we can do something," sabi nito. "Pero 'pag wala talaga, ibebenta ko na lang." Ibinaling uli nito sa computer ang atensiyon. May pinindot si Rique bago may lumabas sa screen. Napasinghap si Diwa, napahawak sa dibdib. Parang binayo ang puso niya. Lalo nang lumakas ang pintig ng puso ng dalaga nang magsimulang magsalita ang babae sa screen.

Hi Dong! Kumusta ka na diyan sa Cambodia? Naiisip mo ba ako? Baka 'di mo na ako nami-miss, ah? Miss na miss pa naman kita, love ko!

Ang tamis ng ngiti ng babae, pati mga mata ay kumikinang sa saya.

Papalakas ang kabog sa dibdib ni Diwa. Hindi na niya maalis ang tingin sa mukha ng babae. Hindi siya nagkakamali sa nakikita. Ang babaeng nasa video at ang babaeng nagpakita sa kanya kagabi lang ay iisa!

Kinalabit niya si Rique pero hindi siya pinansin. Tutok na tutok ang atensiyon nito sa pinapanood nila. Pinakinggan rin ang sinasabi ng babae. Kung tama ang kutob niya, ni-record ng babae ang video na iyon para ipadala sa lalaking nasa picture. Dong ang pangalan ng lalaki at nasa Cambodia.

Masayang nagkuwento ang babae. May detalye ang kuwento ng ginawang pagsa-shopping, pag-hunting ng mga pictures ng artistang gustong-gusto raw nitong makita, at ang pamimili ng mga baby clothes.

Hinahagod na ni Diwa ang dibdib. Masama na ang kutob niya.

Ito po ang surprise anniversary gift ko sa 'yo, mahal! Magkaka-baby na tayo... Inilapit ng babae sa camera ang mukha para sa isang matunog na halik. Happy anniversary, mahal ko, daddy ka na po! I love you so much!

Doon natapos ang video. Sapo pa rin ang dibdib na napatingin si Diwa kay Rique. "Kilala mo ba siya?"

Umiling ang actor. Mas hinagod ni Diwa ang dibdib.

"Siya ang...ang babaeng nagpakita sa akin kagabi, Rique..."

Namilog ang mga mata nito. Biglang tumingin sa paligid. Parang handa na agad tumakbo palabas. Hinawakan niya ang braso ni Rique. "Masama ang naiisip ko," dugtong niya.

Napalunok si Rique. "Are you...are you sure, Diwa? Na siya ang babaeng nakita mo?"

Tumango siya. Ilang segundo silang parehong natahimik. Nakatingin lang sa isa't isa.

"Ni-record niya ang video bago siya namatay?" si Rique.

"Siguro. Hindi na niya naipadala. Baka...baka 'yan ang binabalikan niya kaya hindi matahimik."

Ilang segundong nagkatinginan lang sila.

"Wala akong alam sa mga dating nakatira dito," ang sumunod na sinabi ni Rique. "Ang dating may-ari, widower. Walang nabanggit ang friend ko na may bagong asawa or girlfriend. Wala rin akong nakita no'ng minsang nagkausap kami." Si Rique sa kanya. "Ipapa-check ko kung sino siya."

Tumango si Diwa. "Kung ipadala kaya natin sa Cambodia ang CD?"

"'Pag may impormasyon na tayo tungkol sa babae," naging abala na uli ito sa laptop. "I need a copy of this," ang sinabi nito. "Ayokong isipin pero baka..."

"Baka ano?"

"Baka murder case 'to, Diwa."

"'Yan din mismo ang naiisip ko!"

"May rason kaya siya nagbabalik. Kailangan nating malaman kung ano 'yon. Baka kailangan talaga niya ng tulong natin."

Maingat nitong in-eject ang CD pagkatapos at ibinalik sa case. "Itago mo muna," Inabot ni Rique sa kanya ang CD. "Since ikaw naman ang nakakausap niya, 'pag nagpakita uli, itanong mo kung ano'ng magagawa natin para sa katahimikan niya."

Tumango siya. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang kabog ng puso.

Huminga nang malalim si Rique. "Thank you, Diwa."

"Babayaran mo ako!"

Lumapad ang ngiti nito. "Kung ligawan na lang kaya kita?"

Natawa siya. "Masyado kang guwapo. 'Di tayo bagay!" Pero ang totoo, batang kaibigan lang ang tingin niya rito. Hindi pa niya natanong kay Maya kung ilang taon na si Rique. Hula niya, mas bata ng ilang taon sa kanya.

Ang lakas ng tawa ni Rique. "Para kang si Maya," ang sinabi nito. "Ang gaan ng lahat 'pag siya ang kasama ko."

Nakitawa na rin si Diwa. "Kaya nga mag-bestfriend kami, 'di ba?"

Ilang oras pagkatapos nilang mag-usap ni Rique, umalis na ito para bumalik sa trabaho. One week daw na mawawala kaya siya na muna ang bahala sa bahay. Iniwan sa kanya ang duplicate keys. Sa probinsiya ang binanggit na shooting kaya baka walang signal. Nagbilin ito na mag-iingat siya.

ROGUE (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon