Two: Out of Comfort Zone

8 0 0
                                    

Bravery will come when we are in fear. Don't be discouraged but instead be strong and face it.


Not fully Edited.

~~~~~~~~~~~~~

AMIE

Sinilip ko isa isa ang mga plastic at lalagyan ng pagkain ngunit wala akong makita kahit man lang maliit na piraso. Kahit anong gawin ko'y wala na talaga akong makukuhang pagkain dito sa loob. Kinakailangan ko na talagang lumabas.

I don't have any idea what lies behind this door. It would be food or maybe death. I'm clueless of what happened after the incident. I'm afraid to see a ruined city.

Ngunit ano pa mang pilit kong wag umalis sa lunggang ito ay wala naman akong mapagpipilian. It's either to live or be dead. Life is unfair and cruel. Happiness for a short time but suffering for a life time.

Kailangan kong ipunin ang lahat ng lakas ng loob upang ipatuloy ang buhay na linigtas ng mga magulang ko. Kung nanaisin ko pang mabuhay ay kailangan kong makipagsapalaran. Kailangan kong kayanin ang lahat alang alang sa buhay na nawala upang ako'y mailigtas.

Tumayo na ako at inayos ang sarili para sa panibagong yugto na aking haharapin. Kapag umapak na ako sa labas mararanasan ko ang lahat ng bagay—pagdurusa, takot, lungkot, pighati, pangungulila at sakit.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto. Malalim na hininga ang aking pinakawala bago pinihit ang door nub.

Malamig na hangin ang humampas sa aking mukha at balat. Hinakbang ko ang aking mga biyas palabas ng aking lungga. Linibot ko ng tingin ang paligid. Maraming nagbago sa lugar na'to pagkatapos ng trahedyang iyon.

Ang dating engranding hotel ngayong ay mistulang abandunadong gusali na pinamumugaran ng mga di nakikitang nilalang—mga multo.

Mga nagkalat na basag na salamin at mga sira sirang kagamitan at furniture ang makikita sa sahig. Ang mga dingding na di magiba giba na ngayon ay isa ng malaking butas.

Mga bangkay na nakahilata sa sahig nang umagang iyon ay wala na ngayon. Di ko alam kung saan nila inilalagay ang mga bangkay o kung kailangan ba nila ang mga ito. Ngunit kailangan kong kunin ulit ang katawan ng nga magulang ko upang mailibing sila ng tama.

Tumuloy na ako sa aking paglalakad palabas ng hotel. Dahan dahan akong naglakad nang nasa labas na ako ng hotel. Maaari kasing may alien na naglilibot libot at makita pa ako. Tiningnan ko ang paligid gano'n din sa himpapawid at na-check ko namang wala pang alieng lumalabas.

Nakapanibago ang paligid. Di ko na ito makilala dahil sa pagkawasak nito. Wala akong makitang matinong gusali at gano'n din sa mga sasakyang nakatiwangwang sa kalsada.

Sira at bitak ang mga daan. Di ko alam kung aling daan ang aking tatahakin. Mga parte ng sementadong bahagi ng mga gusali ang mga nakaharang sa mga daan.

Sinunod ko na lang ang instinct ko kung saan ba dapat ako pupunta. Napapaubo ng lang ako sa tuwing umiihip ang hangin.

Nakakapagod at masakit sa binti ang paglalakad sa hindi matinong daanan. Napahinto ako sa aking paglalakad ng may marinig akong ingay.

Naghanap agad ako ng matataguan upang di nila makita. Kinakabahan ako at ang bilis pa ng pintig ng puso ko, na maaari ng lumabas sa dibdib ko.

Mabagal ang paglalakad ng dalawa kaya't labis ang pangamba ko na makita nila ako. Daig pa ang mga chismoso't chismosa sa kanto ang dalawang ito sa kanilang pag-uusap. Hindi ko sila maintindihan kung ano ang kanilang pinag-uusapan para silang mga bubuyog kung magsalita. Natatawa na lamang ako sa kanila.

Pasalamat na lang ako at di nila ako nakita kundi lagot ako. Tuloy tuloy lamang ang dalawa at mukhang nagtatalo na. Nang malayo na sila saka na rin ako tumuloy sa paglalakad. Malayo na ako sa dalawang Alien kaya't nakahinga na ako ng maayos at nawala wala na rin ang kaba.

May nakita ako boutique kay dali dali ko itong pinuntahan. Basag ang salamin ng pinto kaya di na kailangan pang bukasan. Naghanap na ako ng pangpalit na damit dahil ang dungis dungis ko na talaga.

V-neck na grey at black pants ang kinuha ko at sinabayan ko na rin ng sapatos. May nakita rin akong backpack kaya kinuha ko na rin. Linagyan ko na rin ng damit upang may pangpalit din ako. Bago pa ako lumabas nakakita rin ako ng wristwatch na silver na pangbabae kaya kinuha ko na rin.

Sunod kong pupuntahan ay department store para sa pagkain ko. Kaya tinahak ko na ang daan papunta sa mall. Medyo may distansya din ang mall sa kinaroroonan ko.

Nakakabingi ang katahimikan sa syudad na ito. Hindi naman talaga kami nakatira dito. Pumunta lamang kami dito upang magbakasyon at magkaroon ng family bonding. Busy ang family ko sa kanilang business at ako busy din sa pag-aaral sa koleheyo. Business Management ang kinuha kong kurso upang makatulong sa family ko. Pero ngayon di ko alam kong may papasukan pa akong paaralan o di kaya ay kung may professor pang natitira sa school ko.

Minsan lang din kaming magsama sama ng family ko dahil sa kanya kanyang pinagkaka bisihan. Pero eto, trahedya pa ang kinauwian namin.

I hate the universe for playing me around. Am not a bad person to suffer from this cruelty. My family, who died for me and i don't even know if my friends are still alive or they are already died.

Sumasakit ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang malungkot na syudad. Nakakamiss sina Mom and Dad. Nasaan na kaya ang mga katawan nila? Mahahanap ko pa kaya sila?

"Di ko na alam ang gagawin ko. Mom, Dad. Balik na kayo dito." Nangungulila ako sa pagmamahal nila. "Di ko na alam ang gagawin ko. Di ko alam kong saan ako patutungo."

Dahil sa pagdadalamhati ko di ko namalayan na malapit na ako sa Mall. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago tumuloy papasok. Oo, Masakit sa dibdib ngunit kailangan tiisin at tibayin ang loob para sa mga magulang ko.

May pag-iingat akong pumasok sa loob baka mayroong Alien na nakabantay. Wala namang kalaban sa loob kaya't dali dali ko tinungo ang groceries store. Gaya ng hotel kanina ganoon din kagulo ang mall na ito. Basag ang salamin ng ibang departamento at nagkalat ang mga paninda. Napakaganda ng Mall na'to ng pumunta kami rito pero ngayon sira lahat ng desinyo na nakadikit o kaya ang mga nakatayong furniture.

Pagpasok ko sa department store ay pinili ko ang mga pangunahing kailangan ko para mabuhay. Mga pagkaing matagal masira gaya ng mga di-lata. Mamaya ko na kukunin ang iba pang kakailanganin ko para maka-survive.

Habang kumukuha ako ng mga kakailanganin ko ay may na rinig akong ingay. Dahan dahan kong pinuntahan ang pinagmulan ng ingay. Sinilip ko ito ngunit wala naman akong nakitang kalaban. Baka guniguni ko lamang iyon.

Tapos ko ng kunin ang mga kakailanganin ko kaya lumabas na ako ng mall. Gaya kanina ay nag-iingat din ako baka kung may kaaway na bigla bigla lang dumating.

Naglakad na ako kung saan dadalhin ng paa ko. Wala akong destinasyon kaya't tumungo na lang ako papuntang North.

Nahihirapan akong maglakad dahil sa mga sirang parte ng mga gusaling nakaharang o di naman ay mga sasakyang nakatiwangwang.

May na papansin akong kakaiba sa paligid para bang may sumusunod sa akin. Simula pa noong nasa Mall pa ako. Di ko alam kong illusion ko lamang ba o hindi. Masyado na ba akong matatakotin? Dahil sa kung ano ano na lang ang aking naiisip.

Muntikan na akong makasigaw dahil sa nadapa lang naman po ako. Buti na lamang ay nakontrol ko itong aking bibig. Hinimas himas ko pa ang aking tuhod na namumula pa. Katangahan nga naman Oh!

Sa di kalayuan ay may narinig akong mga yapak na dadaan sa aking kinaroroonan. Sinilip ko ito at mga halimaw na sumakop sa mundo namin ang aking nakita. Para silang mga army na nagmamarcha, isang squad na daraan sa aking pinagtataguan. Dahil sa building na aking kinatatayuan ay hindi nila ako agad makikita sa kalayuan.

Di ko alam kung saan ba ako tatakbo o babalik na lang sa pinagmulan ko. Pero bago pa man ako makagawa ng desisyon ay may dalawang kamay na lang na biglang humila sa akin at  tinakpan ang aking bibig dahilan para mapigilan ang pagsigaw ko.

*************
Author's Note:
Thank you for your time.
Like? Or dislike?
Give a Star? Or better Leave?

Alien Era: U.L.C.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon