You are lucky enough to have a true friend who are there in both times of trouble and happiness.
~~~
AMIE
May biglang humila sa akin sa isang maliit na iskinita na tagong-tago dahil sa mga nakaharang na bahagi ng sirang gusali.
Dalawang bata ang nakatitig sa akin at nakalagay sa kanilang mga labi ang isang daliri ani mo'y pinatatahimik ako.
Natauhan din ako at umayos din ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pagmumukha ng dalawa. Maiksi ang buhok ng aking kaharap na abot hanggang balikat lamang samantala ang kanyang katabi ay mahaba ang buhok nito. Magkambal ang kaharap ko ngayon. Magkamukhang magkamukha ang dalawa at kung di lang sa pagkaiba ng kanilang buhok ay siguradong malilito ako sa kanila. Pareho din ang suot nilang damit at pareho ring sirang sira na.
Sumilip silang dalawa kung nakaalis na ba ang mga nagmamaarchang aliens. At parang nawalan sila ng tinik sa kanilang lalamunan dahil sa lalim ng kanilang paghinga at sabay pa silang ginawa iyon.
"Ako nga po pala si Arabelle at itong kakambal kong si Anabelle. Labing dalawang taon pa lamang po kami. Maari ring tawagin mo po akong 'Ara'." Saad ng kaharap kong bata. "You can call me 'Ana' for short." Saad din ng katabi nito.
Si Ara ang may maikling buhok at si Ana naman ang may mahabang buhok. Pareho ang kanilang suot na damit at bag pack na dala dala.
"Maraming salamat sa tulong nyo. Ako nga pala si Amie Jane, maari ring Amie na lang." Sambit ko rin.
"Walang ano po. Tuwang tuwa nga po kaming makita at makilala ka. Akala nga po namin na kami lang ang natitirang tao, buti na lang nakita ka namin sa mall." Ani ni Ara sa akin na kanina pa dada ng dada.
"So, sa inyo pala galing ang ingay kanina? At kayo rin ang sumusunod sa akin?" Tanong ko sa dalawa. Tumango ng sabay ang kambal."Akala ko imahenasyon ko lamang ang mga 'yon."
"Pasensya ka na po kung sinusundan ka namin dahil wala kasi kaming mapuntahan." Paghingi ng paumanhin ni Ara. "Palipat lipat po kami ng pinagtataguan kapag nauubusan kami ng pagkain. Pang-apat na lipat na po kami at ikaw pa lang po ang nakita naming taong nakasurvive."
"Akala ko ako lang ang taong naka-survive buti na lang at nakita nyo ako. Maari tayong magsama sama dahil ayukong mag-isa." Ngumiti ang kambal dahil sa sinabi ko.
"Thank you for staying alive and we are lucky to meet you." Ana said and smile at me.
"Nagpapasalamat din ako dahil nakasurvive kayo." Balik kong ngiti sa kanila. "Kailangan na nating umalis dito baka may makakita pa sa atin."
Tumango naman sila sa akin at umalis na rin kami sa pinagtaguan. "Wait! Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sa dalawa.
"Hindi rin po namin alam kung saan tayo maaaring pumunta. Hindi kasi namin alam ang buong lugar nitong City dahil bihira lamang kaming lumabas ng bahay. Alam lang namin ay papuntang bahay at school." Saad ni Ara at tumango naman si Ana sa sinabi ng kapatid nya.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ako rin, hindi ko alam ang mga lugar dito dahil nagbabakasyong laming kami rito." Saad ko at nag-isip ng gagawin. "Saan kayong dalawa ng galing?" Tanong ko ulit sa kambal.
"We come from East. Too be exact at Jarden Village" Maikling sagot ni Ana.
"Galing ako sa Southeast so sa North na lang tayo pupunta. Agree ba kayo?" Suhesyon ko sa kambal.
"Sige po. Upang makahanap din tayo ng ibang survivors." Saad ni Ara at tumango naman si Ana.
Gaya ng pinag-usapan, tumungo kami ng North kung saan nangaling ang mga nag marchang aliens kanina. Napapansin ko lang sa kambal na mas matapang si Ara at madaldal din . At si Ana naman ay parang iyakin, mabait at mukhang anghel.
Laging inaalalayan ni Ara si Ana sa paglalakad. Naiingit ako sa dalawa dahil nariyan ang isa't isa para magtulongan. Nag-iisang anak lang ako kaya wala akong kapatid. Kaya masuwerte ang dalawang 'to.
Mahaba haba na rin ang aming linakad at napagpasyang magpahinga muna sa isang sirang tailoring shop. May pagka makapal na alikbok ng semento ang loob at dagdagan pa ng mga telang ginagamit sa pagbuo ng damit. May ulo nga rin ng mannequin na nasa sahig at nakaharap pa sa akin. Natakot tuloy ako sa mannequin kaya lumipat na lang ako ng kinauupuan.
Kailan kaya babalik sa pagiging maunlad itong City na'to? Darating pa kaya ang araw na yon? Natanong ko na lang sa aking isipan.
Umiinum ng tubig ang kambal ng tiningnan ko. Pinagpapawisan din sila dahil sa init ng araw na pinaglakaran namin kanina. Tutok na tutok ang araw dahil sa hapon na. Nasa 1:46pm ng tiningnan ko ang wristwatch ko.
Kalahating minuto rin ang aming pagpahinga bago nagyaya ang kamabal na tumuloy ulit sa paglalakad. Sumang-ayon na rin ako dahil sa tingin ko'y maayos na ang pakiramdam nila.
Tulad din kanina ay sa ligtas na daanan kami dumadaan upang makaiwas sa mga kaaway. Sa gilid o minsan ay sa likuran ng mga gusali kami dumadaan kung saan di kami makikita. Mahirap dahil may mga obstacles na nakaharang pero nakakaya rin naman.
Tumigil na kami sa paglalakad at tumanbad sa aming harapan ang mahabang tulay o tinatawag na Twin Bridge. Wala kaming pagpipilian kundi ang tawirin ito.
"Kaya nyo bang maglakad pa sa tulay na ito?" Tanong ko sa kambal.
"Kaya pa po namin." Ngiting sagot ni Ara at tumango rin si Ana habang nakangiti.
Sinimula na naming tahakin ang Twin Bridge. Maraming sasakyan ang nakatiwang wang sa mahabang tulay. May nagbanggaan at mayroon ding bumaliktad ng posisyon. Hindi rin mawawala ang iilang kotseng pinasabog.
Nasa malapit na kami sa kalahati ng tulay ng may kakaiba akong naririnig na mahinang ingay mula sa itaas. Kaya dali dali kong hinila ang kambal papasok sa itim na kotse upang magtago. Nagtatanong ang kanilang mga mata nang nasa loob na kami ng sasakyan. Pinapatahimik ko sila at wag gagalaw.
Ilang segundong lumipas at may dumaang maliit na spaceship sa tapat ng sasakyan. Naintindihan din nila ang rason at huminga ng malalim dahil sa kaba. Papuntang West ang spaceship at di gaano ang taas ng pagpalipad.
Malayong malayo na ang spaceship bago kami lumabas sa kotse. Tumuloy na kami sa paglalakad at binabaybay ang mainit na daan.
Napapangiti na lamang kami ng malapit na kami sa dulo ng tulay. Makakpahinga na rin kahit papaano kapag nasa dulo na kami.
Nang nasa dulo na kami ng tulay kung saan kami magpapahinga saglit ay may umalingaw ngaw na pagsabog ang gumulangtang sa aming tengga.
Boommm!!!
Nagulat kaming tatlo sa biglang pag-ingay ng paligid. Napakapit sa braso ni Ara si Ana at bakas sa mukha ang gulat at takot. Nawala na rin ang tunog at bumalik ang nakakabinging katahimikan. Tinakbo namin ang pinagmulan ng pagsabog. Nang marating namin ang mismong lugar ay may usok pa sa paligid.
Hindi na namin naabutan ang Alien na nag pasabog. Pero nadatnan namin ang itim at sunog na pusa nakahilata sa kalsada. "Walang mga puso kahit inosenteng pusa di nila pinalagpas." Di makapaniwalang saad ko.
Ayaw tingnan ni Ana ang kinahinatnan ng kawawang pusa at nakikita ko rin sa mukha ni Ara ang galit nito.
Tumuloy na kami sa paglalakad at mas umingat pa baka kasi makasalubong pa namin ang may gawa doon sa pusa.
Pagod ang mga katawan namin nang umabot ang gabi. Wala sa katinuang umupo sa malamig na bitak na daan.
Unti unti nagdadatingan ang mga bituin sa kalangitan at bumulaga naman si Buwan sa aming tatlo.
"Maghanap muna tayo ng safe na lugar na maaaring paglipasan ng gabi." Saad ko sa magkambal at sabay naman itong nagtango sa akin.
Ito ang unang gabi na mawawala ang pangamba ko sa dilim sapagkat alam kong may karamay ako. At dahil nararamdaman kong ligtas ako kapag may kasama ding kapwa tao.
Even though the world is so unfair, they give me a gift to help me to survive in this suffering. A Twin, who is braver than me and they love and care in one another. Its gave me motivation and courage to stay alive.
*************
Author's Note:
Ano kaya ang naghihintay sa darating na bukas sa tatlong ito? Abangan!!
BINABASA MO ANG
Alien Era: U.L.C.
Ciencia FicciónThe Earth was conquered by the anonymous being or we are called them as Aliens. Survivors are being haunted by them. Some have survive but many are lost. Can be the remaining humans, are the hope to save the Earth? Will they be survive or be dead li...