Chapter 1
I was sitting in their sala. God! Ang tagal talaga nung lalaking yun. Malalate na kami eh. Daig pa ko kung mag-ayos. Minsan iniisip ko, baka bakla yun eh. But who am I kidding? Yun magiging bakla? Hahaha. That’s something next to the word impossible.
Sa dami ng chicks niya, baka bakla diba?
Ako nga pala si Jillian Lexi Sandoval. Jill for short. Im not a typical teenager, well, sikat ako. Probably because my bestfriend is the son of the owner of the school we’re going. Maraming nagsasabi sakin, maganda daw ako, but I dont wanna brag about it. Kasi para sakin, hindi naman, di ako kaputian, di rin naman masyadong matangkad sakto lang, although alam kong sexy ako kasi nagwoworkout talaga ako. Mayaman kami, ang family namin ang sikat dito sa Pinas when it comes to business like hotels and malls, pero kahit ganun hindi ako yung matapobre type of girl, mas gusto ko yung nakakatulong sa mga needy. I always get what I wanted, I guess that’s the perk of being the only child.
Minsan nga hindi pa ko nagsasabi nabigay na nila. Like, gadgets, automatic pag may bagong labas na iPhone, magkakaron agad ako. Sa pagsshopping ko, wala rin silang problema kahit ang laki ng magastos ko. Sa vacations ko abroad, mas supportive sila dun, madalas kasama ko si Calex pag nagttravel ako, like this summer lang galing kaming Hong Kong, two weeks kami dun. Spoiled? Yeah. Siguro kasi wala naman ibang paggagastusan sila Mommy ng pera kaya lahat ng gusto ko binibigay nila.
Bigla bigla nalang may kumandong sakin. Ganto talaga kami, walang ilangan na nagaganap. Duh, bestfriends kami simula pagkabata namin. Sa tapat lang ng bahay nila ako nakatira kaya mula baby palang kami, close na kami.
“Hi babes.” Bati niya sakin. Oo, babes ang tawagan namin, pauso niya yun. Una talaga ayaw ko. Ang baduy kaya, babes. Diba? Tsaka nakakahiya pag tinatawag niya ko nun ng malakas sa school. Pero in the end napapayag niya parin ako, like hello, isang drama lang neto titiklop na ko eh.
“Ang tagal mo forever! Goodness! Late na tayo.”
“Ang aga pa, excited ka masyado. Tsk. Kung pwede lang wag na tayo pumasok eh.” Sabi niya sabay higa sakin. Aba gawin daw ba kong kama?
“Oh cmon lazy ass! Tumayo ka na nga, first day natin tapos malalate tayo? At tsaka isa pa nagugusot mo damit ko, bwisit na to!”
Di siya sumagot at nagaktong tulog tulugan. Ah ganyan ha.
“Ouch! Ano ba Jill!” Tinulak ko siya kaya nahulog siya sa sahig.
“Ang tamad mo kasi! Hahaha.” Nakakatawa kasi yung itsura niya. Parang mangangain.
“Ah ganun ha, run for your life Jill!” Sigaw niya.
Damn.
Tumakbo ako ng tumakbo sa loob ng sala nila. Geez. Di niya ko pwedeng maabutan kundi-.
“Hahaha. A-ayoko hahaha na! Tama na hahaha. C-calex hahaha. A-ayoko na, t-tama na hahaha. P-please.” Eto na nga ba sinasabi ko, pag naabutan niya ko, di niya ko titigilan sa kakaliti niya sakin.
“Harutan ang aga-aga.” Bati ni Sander.
Binitiwan naman ako ni Calex. Naghahabol pa ko ng hininga ng puntahan ko si Sander para yakapin siya.
“Good morning too Mr. Grumpy!”
Hindi kami kasing close ni Sander katulad ni Calex. Pero friends kami. Malamang, eh bestfriend ko kakambal niya eh.
Calex Louie Marco at Sander Liam Marco.
Si Calex, ang bestfriend ko. Sikat, mayaman, matalino, gwapo, oozing with sex appeal, gentleman, sweet, malambing, I can say he’s almost close to being perfect. Pero walang perfect sa mundo, one thing I hate about him is that, he’s such a flirt. I mean, malandi siya sa mga girls, marami siyang flings and all pero hindi pa siya nagseryoso even once. But you know what, si Calex, ilang babae na ang tinalikuran niya nung high school para sakin. Madalas kasi yung mga nakakafling niya, nagfifeeling girlfriend at inaaway ako kasi daw ang harot ko, lagi ko daw kasama si Alex and the like. Isa sa ayaw ni Alex ay yung may umaaway sakin, he’s overprotective pagdating sakin.
Nabanggit ko namang mabait ako sa needy diba? Mabait ako sa kung mabait pero maldita ko kung hindi ko gusto ang tabas ng dila mo.
“Layuan mo nga si Calex! Ang landi mo din enoh, alam mo na nga na may something kami, dikit ka parin ng dikit sakanya. Akin siya kaya layuan mo na siya!”
The nerve! Ang kapal ha? Malamang bestfriend ko yun kaya madalas ko siyang kasama. Tss. Bobs!
“May something kayo? Oh. As far as I can remember, madami kayong ka-something niya, kaya wag kang magmalaki na para bang iyo na si Calex. Bestfriend ako, fling ka lang.” I left her with her mouth hanging.
“Bestfriend ka lang!” Pahabol pa niya.
“Bestfriend ako. Walang ‘lang.’ bitch.”
Akala niya magpapaapi ako? Over my dead sexy body!
Si Sander naman, di kami super close. Swak lang. Masungit siya sa babae pero di naman niya ko sinusungitan, siguro kasi bestfriend ko yung kambal niya, at tsaka friends naman din kami. Kung overprotective si Calex sakin, mas overprotective si Sander sakin. Minsan siya pa yung unang magsasalita sa aaway sakin.
Identical twins sila kaya kung titignan mo sila halos walang pinagkaiba. But since I get to know them since childhood, alam ko ang differences nila.
Mas mukhang seryoso si Sander kaysa kay Calex. Si Calex kasi yun makulit, palangiti type of guy. Si Sander, minsan lang siya magsmile. Sa porma, madalas si Sander, nakapolo. Si Calex, nakashirt lang at minsan tineternohan niya ng hoody. Sa talent, si Calex, makalaglag panty kung magsayaw. Si Sander, makalaglag panty pag kumanta. At sa babae, si Calex, Flirty Friendly. Si Sander, Mr. Grumpy.
"Stop calling me Mr. Grumpy, Jill! Ang sagwa." Sabi niya sabay simangot. Ang cute talaga neto ni Sander.
"Okay okay... Sands. Hahaha."
"Shut up."
"Oh tss. Magaway pa kayo eh. Tara na nga." Yaya ni Calex samin.
I poked Sander's arm as we follow Calex out. "Joke lang. Wag ka na magalit." Sabi ko ng nakayuko.
"Di naman ako galit." And then he smiled. "Tara na, naghihintay si Calex."
BINABASA MO ANG
Loving Him
FanfictionAlmost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.