Chapter 8
Im here at the mall, sa boutique ni Tita Mommy to be exact.
Bestfriend’s day namin ngayon ni Calex. Its the 28th of November. Pero wala siya. Tinanong ko kung may lakad siya, sabi niya may training daw sila ng Basketball kaya di ko na kinulit. Im pretty sure nakalimutan niya na bestfriend’s day ngayon.
I mean, he would ditch anything for our bestfriend’s day. That’s how it used to be. At kung hindi niya willing iditch yung basketball practice nila, I assume nakalimutan niya talaga.
So since wala siya at wala rin akong magawa since bakasyon namin ngayon. Nagdecide akong magmall. Kaso paglabas ko ng bahay nakasalubong ko si Tita Mommy at sinabi niyang kami nalang magdate ngayon kasi wala rin daw si Tito Alex.
“Thanks for letting me shop with you Jill.” Sabi ni Tita Mommy habang namimili sa mga damit ng boutique niya na babagay daw sakin.
“No worries Tita Mommy. And besides ako nga po dapat magthank you for keeping me company. Kayo po talaga favorite shopping buddy ko eh. Haha.” Sabi ko sakanya. Its true, she’s my favorite shopping buddy. Siguro kasi pareho kaming naglolong na may makasama magshopping na babae.
Tatlong lalaki ang kasama ni Tita Mommy sa bahay kaya wala siyang mayaya lagi magshopping kundi ako. While my mom and I, we’re not really that close. Oo binibigay niya lahat ng kailangan ko, pero kulang na kulang siya lagi sa time. Kaya eto, kami ni Tita Mommy ang laging magkasama.
Fashion designer si Tita Mommy kaya sobrang tiwala ako sa taste niya pagdating sa damit. Wala pa atang pinili si Tita sakin na hindi bumagay sakin.
“Jill nasan nga ba si Calex? Araw niyo ngayon diba?” Tanong niya sakin habang nagsusukat ako ng mga damit na binigay niya. Ang dami kaya neto, mga 20 piraso ata. And mind you, lahat maganda.
And yes, if you’re asking kung alam niya yung bestfriend’s day. Yes. Alam niya. Dati kasi sinurprise ako ni Calex, nagpaturo siya magluto kay Tito Daddy para daw sakin. Kaya ayun, alam nila yung bestfriend’s day.
“Sabi niya Tita may basketball practice daw sila.” Sabi ko paglabas ko ng fitting room.
Napanganga si Tita.
“Wow. You really are one hell of a barbie doll Jill. Ang ganda mo. Bakit kasi ayaw mong magmodel for me eh.” Sabi niya sabay pout. Ang cute ni Tita Mommy.
Ilang beses na kasi ako kinukulit ni Tita magmodel ng clothes niya. Kaso kasi hindi ko alam kung masisingit ko sa sched ko yung pagmomodel. Pero dahil sobrang bait ni Tita Mommy sakin, I might as well think about it.
“I’ll think about it Tita Mommy. Kung maimamanage ko po yung time ko for next sem, why not.” Sabi ko sakanya.
“That’s good. Di naman kita pipilitin ‘Nak. Alam ko naman priority mo mag-aral pero sana pumayag ka na maging model ko. You will be perfect for E.”
E yung pangalan ng clothing line ni Tita. Sikat to sa America at dito sa Asia.
Nandito kami sa isang high-class resto sa mall. Ang ganda ng ambiance dito, classy lang kasi siya. Hindi inover-do yung design ng resto.
“So how’s school?” Tanong ni Tita sakin habang kumakain kami.
“Still good Tita. Though nakakastress siya, masaya naman po.”
“Nako. Stress, kadikit yan lagi ng word na College. Hahaha.” I looked at her. Ang ganda niya talaga. Ang perfect nila ni Tito Alex.
Walang duda kung bakit panty-dropping yung mga anak nila. Not just panty-dropping, jaw dropping at head turner din.
We finished eating and we’ve decided to have coffee at Starbucks. Habang naglalakad kami I cling my arms to Tita Mommy’s arm habang yung isang kamay ko hawak yung paper bags ng shinopping namin kanina. Ganun din yung isang kamay ni Tita. Para talaga kaming mag-nanay. We were laughing nang biglang napako yung mata ko sa nakasalubong namin.
Saying I was shocked was an understatement. Pero hindi ko pinakita yun. I just stared at them blankly.
Basketball practice pala ha? You prick! Liar!
“Ma?” Sabi ni Calex kay Tita Mommy. At nang mapansin niya ko, namutla siya. Dapat lang. “J-jill.”
“Oh Calex. You’re here.” It wasnt a question. Tingnan ako ni Tita Mommy. Alam ko kung anong iniisip niya. Kakasabi ko lang sakanya kanina na ang sabi sakin ng anak niya may practice sila ng basketball tapos makikita namin siyang naggagala sa mall at may kaakbay na babae. Sino bang hindi magugulat diba.
“Ah. M-mom. This is-” He was immediately cut off by this bitch, oh I mean the girl beside her. Im sure she’s one of Calex’s harlot. At pinagpalit niya na ko para sa harlot members niya? The heck!
“Hi Tita. Im Lovely, Calex’s girlfriend.”
BINABASA MO ANG
Loving Him
FanfictionAlmost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.