Chapter 20
One month na simula nung nanggaling kami ng Bora. Mabilis na kumalat yung ilang pictures nang nangyari sa resto nun pero hindi yun nakaapekto sa career ko.
Natuwa pa nga ako sa mga comments ng mga tao sa picture.
“Go Miss Lexi. Ipaglaban mo yung dapat sayo.”
“Dapat lang yan sa mga malalandi. Ang galing mo Miss Lexi.”
“Totoong tao ka po talaga Miss Lexi. Hindi ka plastic. We love you.”
“Ang harot kasi niyang babaeng yan. Buti nga sakanya. Baka akala niya susukuan siya ni Miss Lexi.”
“Miss Lexi and Sir Liam forever.”
Kung maraming natuwa, may iilang hater parin. I guess hindi mawawala yun sa mundong pinasukan ko.
“Grabe naman. Hindi na siya nahiya, gumawa pa ng eksena.”
“Ang OA naman.”
Well, sanay na ko. It is something I’ve overcome over the years. Kung may mga nagmamahal sayo, hindi mawawala yung mga taong aayaw sayo.
But I dont really care. I wasnt born to please everyone. They can hate me all they want, I dont care.
Nandito ako sa mall ngayon, dito kami magkikita ni Liam. Kakagaling ko lang ulit sa shoot kanina ng E. Sa studio lang yung shoot kaya less hassle.
May iilan na nagpapapicture sakin habang naglalakad. Perks of being a model. Minsan kahit gusto kong parang normal lang akong tao na nagsshopping, di maiwasan may magpapicture sakin.
Pumasok muna ako sa SB. On the way palang naman daw si Liam dahil galing pa siya sa meeting kaya magffrapp muna ko.
“One Strawberries and Cream. Venti.” I told the cashier.
“M-miss Lexi.”
“Uh. Hi.” I told her. Kilala niya pala ko. Awkward moment na naman. Madalas ganto eh, yung bibili ako tapos kilala ako nung cashier.
“One Strawberries and Cream, Venti. That would be 185 pesos Mam.” Sabi niya. I handed her my SB card.
Paalis na sana ko ng humirit pa siya ng picture.
“Mam Lexi. Pwede po ba magpapicture?”
Tumingin ako sa nasa likod ko sa pila. I gave her an apologetic smile. Baka kasi mamaya naaabala ko na siya dahil magpapapicture pa sakin tong cashier. Pero nung nakita niya ko, nanlaki yung mata niya. Dont tell me, kilala niya rin ako? Ano ba to.
Humarap ulit ako sa cashier and smiled at her. “Uhm sure.”
Nagpicture lang kami tapos umupo na ko sa table. Napansin kong habang umoorder yung girl kanina, nakatitig lang siya sakin. Nagkasabay pa kami pagkuha ng order namin.
BINABASA MO ANG
Loving Him
FanfictionAlmost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.