Chapter 15
CALEX’S POV
Andito lang ako sa kwarto ko. Nakahiga.
May family dinner kami ngayon, at sa tingin ko dadalhin ni Sander si Jill, o Lexi. Basta siya.
Kahapon nung hinawakan niya ko sa may airport, nagulat ako. Its been 5 years since I last saw her. At yung huling pagkikita pa namin yung nagaway kami tungkol kay Lovely. After nung gabing yun, hindi ko na siya nakita.
Kinabukasan nung gabing nagaway kami ni Jill, pagbaba ko para kumain ng breakfast, nakita kong pababa si Sander. Mukha siyang namatayan sa itsura niya, namamaga yung mata niya at may eyebags din siya. Parang wala pa siyang tulog. Dali-dali siyang lumabas ng bahay, may dala siyang isang bag na malaki, which I assume is mga damit niya. Naglayas ba siya? Yun yung unang pumasok sa isip ko noon. Baka sa sobrang galit niya sakin nun, nagpasya siyang lumayas muna. Pero nug tinanong ko si Mommy ang sabi niya “Umuwi siya an hour ago, umiiyak. Tapos nagpaalam kung pwede daw bang umalis muna siya. Tinanong ko nga san siya pupunta at gano katagal siyang mawawala pero wala siyang sinabi.”.
Umuwi si Sander after two weeks at sinabing sa US na siya magaaral. Nashock sila Mommy syempre, pero yun naman talaga ang gusto nila samin. Gusto nila na sa US kami mag-aral ng college noon. Kaso ayaw namin. Di ko alam kung bakit nagbago yung isip niya. Kinabuksan din nun, umalis agad siya. At kahapon nga sa airport, kahapon ko nalang ulit siya nakita.
Naguguluhan ako, bakit nagpakilala sakin si Jill. Bakit parang di niya ko kilala. At tsaka ano daw, fiancee siya ni Sander? At ano yung tawag niya kay Sander? Liam? Hon? Naguguluhan ako. Feeling ko anytime sasabog yung utak ko kakaisip.
May kinalaman ba yung pagalis ni Sander ng two weeks kay Jill?
Magkasama ba silang pumunta sa US?
Nagkukunwari lang ba si Jill na di niya ko kilala dahil galit siya sakin?
Fiancee ba talaga siya ni Sander?
At bakit hindi man lang sila nagpakita sakin, samin sa loob ng 5 taon?
Gustong gusto ko siyang yakapin kahapon. Gusto kong magsorry. Gusto kong sabihing nagsisisi ako sa nangyari nung gabing yun. Pero para kong nabato sa kinatatayuan ko.
A week after naming mag-away ni Jill. Nakita ko si Lovely at Jerome. Totoo pala. Ang tanga ko. I shouldve known better. Sinira ko yung halos buong buhay naming pagkakaibigan ni Jill sa babaeng niloloko lang pala ako.
Simula nung nalaman ko yung totoo, hinanap ko si Jill. Halos isang taon akong araw araw na pumupunta sa bahay nila. Baka sakaling bumalik na siya kung saan man siya nagpunta. Pero wala. Wala ni-anino ni Jill sa loob ng isang taon. Yung isang taon, naging dalawa, tatlo, apat at lima. Akala ko hindi ko na siya makikita.
BINABASA MO ANG
Loving Him
FanfictionAlmost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.