Chapter Six

117 10 2
                                    

Silence................

Loading...

"Talaga Micah!May Boyfriend ka na? Naku! Im so proud of you anak.Masayang masaya ako at Look at you Honey dalagang dalaga kana!" Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Mommy at naeexcite tapos niyakap nya ako.Anong klaseng pakolo to Mommy? Totoo ba to O acting nyo lang? 

Malaki yung ngiti ni Mommy at nag i-sparkling eyes pa.Mommy,seryoso?

Confuse.

"Im really Proud of you anak!" Hinawakan nya ang dalawa kong pisngi tapos ay napatingin sya kay Xyrill at mas lalo pa syang ngumiti.Mapapasubo yata ako nito eh.

"Ikaw ba yung Boyfriend ng anak ko? Naku,ang gwapo mo naman Hijo talagang bagay kayo ng Micah ko.Natutuwa talaga ako sa nabalitaan ko na may Boyfriend natong anak ko kasi Galit to sa mga lalaki eh,Ayaw na ayaw nya talaga sa mga lalaki simula nong iniwan kami ng Daddy nya.Buti nalang at nandyan ka at Nabuksan ang puso ng anak ko.Kaya Thank you talaga hah?" Hinahawak hawakan pa nya ang braso at kamay ni Xyrill at nag lalight up yung mukha ni Mommy.

Wow.Ngayon ko lang nakitang ganyan ngumiti si Mommy ulit since nung...yun nga iniwan kami ni Dad.Teka? Ba't nga ba kailangan pang banggitin ang tungkol kay Daddy,wala nayun.Matagal na.Kahit almost two months lang yon para sakin mahabang panahon na yon.

Pagkatapos magkwentuhan ng Dalawa ay nagpaalam na samin si Mommy.Tuwang-tuwa raw talaga sya sabi nya,at nakikita ko naman yun.

Nakakainis talaga tong si Xyrill kasi sinasabayan naman si Mommy.Kung ano anong pinagsasabi nyang kasinungalingan sa Mom ko.Matagal naraw yung relasyon namin at Blah blah blah.At eto din naman si Mudrabels ko kung ano-anong bagay ang kinikwento nya kay Xyrill tungkol sakin na hindi naman dapat at Lalong hindi talaga dapat sabihin dahil wala naman talagang KAMI eh.FAKE RELATIONSHIP Lang naman..

Teka? Ano tong pinagsasabi kong FAKE RELATIONSHIP eh hindi panga ako pumayag sa gustong mangyari ng asungot nayun.At hindi talaga ako papayag.

Hahayy..Kailan ba to matatapos? Mag uusap na naman kami ni Xyrill at sya na naman ang lalabas na tama at ako na naman ang mali.Napapagod na talaga ako about all of this.Kung anong tumatakbo ngayon sa buhay ko hindi ko na talaga kaya.Nangyari lang talaga ang lahat ng to since the day He kissed me.My life turns to Misery after that kiss.After I met that Guy.

.......

"Hindi ka ba napapagod Xyrill? Kailan mo ba tatapusin ang kalokohang to? Pwede ba wag mo akong idamay hah.Nananahimik natong buhay ko dati eh pero ngayon ginugulo mo!Pwede ba tama na! Ayaw kung magkaroon ng ugnayan sayo kahit Fake Relationship pa man yan! Ayaw ko.Tsaka wala din namang magandang patutunguhan to eh."

"Sige na Micah,please.Pumayag ka na kasi." 

"Ayaw ko nga ba't ang kulit? Sinasabi ko nanga sayo walang magandang naidudulot to! Basta ayaw ko." Aalis sana ako pero humarang sya.

"Meron Micah.Hindi mo ba nakita yung mama mo kanina? As in sobrang saya nya at nakita ko yon.Nakikita ko yung mga matatamis nyang ngiti.Ikaw ang anak ba't hindi mo maappreciate yun.Masaya ang Mommy mo sa..eto,kung anong meron tayo ngayon.Hhh! Bakit nga ba hindi sya matutuwa eh nakabinggwet ang Anak nya ng isang Matangkad at Gwapong Tulad ko.Hah hah?" Tumalikod sya sakin at inilahad sa ere yung dalawa nyang kamay tapos ay humarap sakin at ngumiti ng nakakaloko sabay taas-baba ng kilay nya.

"Wow hah! Uulan yata ngayon! Mahangin eh.Ang Lakas talaga ng Hangin sobra!" Nag Glare ako sa kanya at nagcross arms at tumawa sya.Tss BALIW! 

Ohhw? Ang gwapo nya pagnakangiti sya lalo na pag lumalabas yung dimples nya.Huh? Uy hindi.Wala to! I mentally slap my face.Ba't bigla kong naisip yun.

"Haha! Pumayag ka na kasi.Alam kong Gusto morin naman eh...Joke! Oh ano? Huh? Papayag na si Micah...Papayag nayan..." Kiniliti nya ako kaya napahalakhak ako tapos tumakbo.

"HAHA! Xyrill ano bah? Nakikiliti ako eh! Oo nah!" HUH? 

Napatigil sya at ganun narin ako.

"Talaga? Uy walang bawian yan hah.This day is the beginning of  FAKE RELATIONSHIP between Xyrill and Micah.Hahaha!" 

Wala eh! Nasabi ko na.May magagawa pa ba ako sa Lalaking to! Si batman nalang ang bahala.Kahit naman aabot to ng umaga tong pagtatalo namin in the end sya parin ang winner.Ano kayang secreto ng kumag nato? Pwede malaman? :)

..............XYRILL'S POV.............

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mangyayaring Fake Relationship namin ng High Pitch na babaeng yun.Sa totoo lang nakukulitan ako sa kanya but at the same time nakakatuwa sya lalo na pag naaasar ko sya.Hindi ko alam kung pano nangyari ang lahat ng to.Well, Its just Happened.Pero sa naaalala ko,nagsimula to nong nahalikan ko sya.I know I was drunk at that time pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko.Hindi ko naman sya gusto.Hindi ko naman talaga rin sya kilala eh at lalong hindi ko inaasahan na ang babaeng nahalikan ko sa Mini Concert ng Bandang Silentbreaker ay makikita ko sa Universiting ito.Small World? Dibale nah basta ang importante ay napapayag ko sya.Atleast,iiwasan na ako ni Samantha.

And speaking of Samantha ay nakita ko syang papalapit sa Direction ko kasama nina Cortney and Alyxis,mga Bestfriend nya.Lumiko ako sa ibang direction at minadalian ko ang paglalakad dahil alam kong sinusundan nya ako.

"Xyrill Sandali! Xyrill ano ba! Ba't mo ba nagawa sakin to? Kailan pa nagin ganyang ang taste mo sa mga babae hah!" Sigaw nya habang nakasunod parin sakin.Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Sam,Tama na! Tumigil ka na.Ilang ulit ko bang kailangan ipaalala sayo na hindi kita gusto! May Girlfriend na ako.Mahal ko sya at ayaw ko syang saktan.!" Pfft! Gusto ko sanang masuka sa sinabi ko pero bahala na.Kailangan lang talaga.Kaya nga ako nakipag relasyon kunwari kay Micah diba para lumayo na si Samantha sakin.Pero bakit ang tigas ng ulo nya.

"No! Hindi mo sya mahal and I know that.Maybe ginagamit mo lang sya just to hurt my feelings tama ba ako?"

No.

Yes.

Maybe.

"Kung gagawa lang din ako ng bagay para pagselosan mo,sisiguraduhin ko muna kung may feelings ba ako para sayo,pero Sam--"

"Ano bang Meron sa kanya na wala ako Xyrill? Maganda naman ako!And I love you,so much!" Naiiyak na sabi nya at hinawakan ako sa braso.

"Yung puso ko.Yun yong Meron sya.Ang PUSO ko nasa kanya at wala sayo.Kaya sorry Sam but i cant do to love you.Excuse me." Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko but I decide na wag na.Ofcourse may care din ako para sa feelings nya at Babae parin sya.Ayaw kong may nasasaktang babae.Tumalikod ako at iniwan syang umiiyak.Sorry talaga Samantha pero hindi talaga kita kayang mahalin.

After The Kiss[Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon