Chapter Eight

89 7 2
                                    

Ilang araw narin ang nagdaan since nong pumayag akong makipagrelasyon ng kunwari kay Xyrill.Hindi naman sya naging mahigpit na boyfriend sakin.Eyyy parang naiistress ako tawagin syang boyfriend,pero bahala na matatapos din naman to eh.Matatapos nga ba to? Kung ganun kailan? Hanggang kailan ba kami magpapanggap?

Ikekwento ko kung anong nangyari samin sa loob ng Ilang araw.

First day,I go on a date with him.Masyado syang makulit eh kaya napa Oo nalang din ako As usual.Nag Mall kami at kumain sa mamahaling restaurant at nag usap usap ng kunti.

Second day niyaya na naman nya akong manood ng sine.Sa totoo lang hindi ako mahilig manood ng sine kasi takot ako sa dilim eh pero gaya nga ng sinabi ko sya parin ang panalo.Sa kanya parin ang korona.Ang galing makiusap eh,halos nagmumukha na syang aso sa kapapacute sakin para lang pumayag ako.

Third day nasa bahay lang ako dahil sabado at walang pasok pero halos whole day kaming nag usap ni Xyrill through Skype.Kinantahan nya pa ako at tinuro sakin kung paano mag guitar.Ang galing nga nya eh sino kayang nagturo sa kanya? Basta ang ganda din nang boses nya eh,parang kabisado na nya.At hanggang sa nakatulog ako twelve midnight ng gabi.

Fourth day gumala kami sa beach kasama ng alaga nyang aso.Ang cute ng aso nya tapos ang lusog lusog pa sarap hingin.At ang cute ng pangalan ng aso nya, si Cody.

At Fifth day ay nainis ako sa kanya sa surprise nya raw.Talagang nasurprise ako.Pinakilala ba naman nya ako sa Parents nya as His Girlfriend.Gaya ng Mommy ko,paniwalang paniwala sila na totoong girlfriend nya ako.Infairness mabait yung Mama nya.Ngiti ngiti lang sya sakin.Nainis ako kasi hindi nya sakin sinabi eh.Sabi nya pupunta lang daw kami sa bahay ng kaibigan nya yun pala sa bahay nila.Pucha talaga!.Tapos nong pumasok ako sa kwarto nya ang dami daming CD's na nakapile sa cabinet nya at may Music room sya.Kompleto lahat ng instrumento.Feeling ko nga member sya ng banda eh.Member nga ba? Parang hindi naman siguro.

Yon.Kaya medyo hindi na ako naaawkwardan sa kanya at may nalaman akong kunting detalye tungkol sa buhay nya.

******7:30 AM.

Ang aga ko palang pumasok ah.Mga Eight pa yata dadating yung dalawa.
Pumunta ako sa favorite place ko dito sa school sa Field kung saan may isang malaking puno.Fresh kasi ang hangin dito eh at marerelax ka tapos malayo ka pa sa mga maiingay na mga students dito.Dito din kami nag istandby ng Bestfriends ko pag walang class.

Umupo ako sa may damo at nagbasa ng libro for the fifth times.Favorite ko kasing libro eh.
Hinahanap hanap ko yung page kong saan huli kong binasa and good thing dahil nakita ko agad.

"Hai pwede umupo?" 

Oh?Napalingun ako sa isang babaeng nakatayo sa harap ko at nakangiti sya.May dala syang Laptop at ilang files ng libro.

"Oo naman,sure! Dito ka oh." Sabi ko at inalok syang umupo sa tabi ko.Tumango sya at nagsmile ulit sakin.

"So? Ba't mag isa kalang nasan ang boyfriend mo?" Tanong nya.

"Hmm? Alam mo?" Sabi ko.

Ngumiti sya bago nagsalita."Syempre nuh,pag tungkol kay Xyrill alam namin lahat.Sikat kaya yan dito.Alam mo swerte mo nga eh kasi sa sandamakmak na babaeng nangangarap sa kanya,ikaw yung naging girlfriend nya pero okay ka rin naman eh mas gusto kita, Maganda ka at bagay kayo." 

"Huh Talaga? Bakit mo naman nasabi yan? At bakit sikat sya dito?" Kunot-noong tanong ko sa babaeng kausap ko.I think nasa age of eighteen rin sya kagaya ko at maganda sya tsaka maputi.

"Hehe,Come on girl,dito ka ba talaga nag-aaral? Hmm anyway may ikekwento ako sayo pero wag mong sasabihin kahit kanino hah kahit na alam kong marami nang nakakaalam nito. May Girlfriend kasi dati si Xyrill.Maganda,mayaman,sikat at aristahin yung dating nya.Two years rin yon naging relasyon nila ni Princess.Oo Princess yung pangalan ng Girl.Inggit nga yung iba sa kanya eh lalo na si Samantha kilala mo naman siguro sya diba? One day biglang nawala si Princess I mean matagal na syang hindi pumapasok sa school kaya naman itong si Xyrill alalang alala na sa kanya.At nabalitaan nalang namin na pumunta na pala sya ng ibang bansa at hiniwalayan raw nya si Xyrill pero hindi namin alam kong ano ang reason nya.Nag away ba sila dahil kay Samantha or may problema sa kanilang dalawa."

"Bakit? Ano bang ginawa ni Samantha?" Kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang sinasabi nya ay curious parin ako tungkol sa Ex nya.Hindi nya to binanggit sakin eh.

"Hindi ko alam pero Flirt kasi yang Samantha eh tapos nakakairita.Tapos continue natin hah,After non nabigla ang lahat kasi akala namin sila na talaga ang magkakatuluyan at sikat silang couple dito.Pagkatapos na pagkatapos nawalan na nang gana si Xyrill,yung dating Xyrill na masayahin at Malambing ngayon nag iba na.Naging strikto sya at Mainitin ang ulo at minsan nalang namin nakikita ang matatamis nyang ngiti.Muntik pa nga syang nagpakamatay eh.Nagtangka syang tumalon sa building nato pero buti nalang dumating yong Mommy nya at napigilan sya.And After that mas lalong nalungkot yung mga humahanga sa kanya kasi Tumugil sya sa pagbabanda."

Napalunok ako sa last sentence na sinabi nya.Anong ibig nyang sabihin? 

"Huh? Banda? May Band sya?" Tanong ko.

"Yeah.Actually vocalist sya sa isang Band at kasama nya sina Akiro at Jeff.Kaya sikat sya dito sa school.Maganda talaga yung boses nya meron nga akong video nya dito eh,gusto mong makita? Teka lang hah nandito yon nakasave sa laptop ko eh." Tinurn On nya ang Laptop nya at hinanap ang sinasabi nyang video raw ni Xyrill.Wow.Hindi ako makapaniwala na Vocalist pala sya.Kaya pala nong pumunta ako sa bahay nila ay Music room sya at mga bagay na may kinalaman sa Music.Astig ah!

"Eto! Nakita ko nah!" Naeexcite na sabi nya.Iniabot nya sakin ang laptop nya at pinakita sakin ang Video.

After The Kiss[Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon