Nonsense Life

1.4K 33 1
                                    

- MONA TRINITY

Hampas ng hangin, huni ng mga ibon. Yan lang ang naririnig ko rito sa rooftop ng abandonadong building.

Nakatingin lang ako sa mga ulap. Ilang oras na rin ako rito. Pero wala akong pakialam.

Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang dapat gawin.

Basta ang alam ko, nagkamali ako. Hindi ko muna inisip bago ko gawin ang mga pagkakamali ko. Nawalan ng direksyon ang buhay ko. Pinagtulakan ko ang kaisa-isang kaibigan ko at hindi ko pinahalagahan 'yong mga effort ng kuya ko.

Kaya ito ako, miserable, blangko ang isip, tulala...

at nag-iisa.

"Why did you push me away?"

Nasaktan ako nang marinig ko 'yong boses ng nasa likod ko.

"I told you before we go that... we're gonna face it together." Dagdag n'ya.

Tumulo na 'yong mga luha kong matagal ko nang pinipigil.

Damn, ayoko nang umiiyak.

"But I don't care if you push me a hundred times or more..."

"'Cause like I said, I'm here. Always."

Narinig kong papalapit 'yong mga yabag ng paa ni Blink.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Sa lahat ng nagawa ko? Mukhang wala na akong karapatan sa mundo.

Napayuko ako. Pinapanood ko 'yong mga paa kong nakalaylay. Isang dulas ko lang dito, mahuhulog ako sa nakakalulang lugar na 'to.

Tss, ano nga bang inaalala ko? Mas mabuti na nga yatang mahulog na lang ako rito ngayong wala nang dahilan para mabuhay pa ako...

wala eh, sira na.

May panyong nakalahad sa'kin at si Blink ang may-ari n'on. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

Nanginginig na tinabing ko 'yong panyo.

Umiiling-iling ako. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko.

"Bakit ko 'yon ginawa? Bakit?! Bakit ako nagrebelde? Napakasama kong tao... napakasama ko!"

Naramdaman kong may yumakap sa'kin mula sa likod kaya mas lalo akong naiyak.

"Bakit ko 'yon ginawa? Bakit?"

Patuloy lang ako sa paghagulgol pero na'ndito pa rin si Blink.

Lumayo ka sa'kin Blink...

ang sama kong tao para sa isang katulad mo.

Tinatanggal ko 'yong kamay n'ya na nakayakap sa bewang ko. Pero dala ng panghihina, hindi ko nagawang pumiglas.

"Mona, 'wag mo namang isisi lahat sa sarili mo. Nasasaktan ako 'pag nakikita kitang gan'yan. Alam kong hindi mo intensyon ang lahat. Don't be too hard on yourself, please?"

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Blink? Tanga ka ba? Ang sama ng taong tinutulungan mo. Manloloko ako oh, sinungaling ako! Blink, layuan mo na ako!"

"I'll never do that. I'll never leave you. Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Kasi..."

Napatigil sya nang ilang segundo.

"Kasi mahal kita, Mona. Mahal na mahal kita."

Sa narinig kong 'yon, mas lalo kong naiyak. Buong lakas akong pumiglas sa kan'ya. I pulled myself up and ran away from him.

But after few steps, hindi pa ako nakakalayo...

when my body starts to drain its energy that made me weak.

Next thing I knew, my body broke down and everything went black.

My FRAT Girl Named Mona Trinity (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon