Chapter 1

74 4 0
                                    

"Misty! Misty!"

"Hn"

"Misty! You sleepy blockhead! Wake up already!"

"S-Stella?" 

Dumilat ako at pumikit pikit para makita kung sino ba yung epal na gumigising sakin.

"Sa tingin mo ba boses lalaki si Stella?"

Nagulat ako dahil biglang nilapit ng epal na 'to ang mukha niya sa mukha ko.

*Thud*

"A-Aray."

"Kumag, gising na ba si Misty?" biglang sumulpot si Stella sa may pintuan na naka-apron at may dalang sandok.

"Stella. Bakit itong mokong na 'to ang gumising sakin? Diba trabaho mo yun."

"Hindi mo ako katulong noh!" sabi naman niya habang naglalakad papunta kay Zack, yung unggoy na gumising sakin.

Nakaupo ngayon si Zack sa may dulo ng higaan ko habang kinakamot yung ulo niya na hineadbutt ko kanina.

"Anong inuupo upo mo diyan ha, Zackary? Maligo ka na nga doon!"

"Opo nanay" sabi ni Zack kay nanay este Stella.

"Manahimik ka nga!" sabay palo ng sandok kay Zack

"Aray! wag mo akong paluin ng sandok! Baka maging unggoy ako niyan eh!"

Tumayo na ako at naghanda ng uniform. First day of school kasi namin ngayon.

"Maligo ka na rin ah, Misty!"

"Opo nanay Stella!"

"Sino tinawag mo na nanay?" biglang sabi ni Stellang nakapamewang na nasa likod ko pala.

"Wala.

Dumeretso na ako sa CR para maligo nung biglang namatay ang ilaw. 

"Zack! Stella! Sa sinumang nakarinig sakin, bigyan niyo ako ng ilaw!"

5 minutes later...

Sabi ko nga maliligo na lang ako kahit walang ilaw eh.

Ako nga pala si Misty Eri Hestwon. Third year high school na ako simula ngayon. Yung dalawa naman kanina ay sina Stella Andrea at Zackary Red. Sila ang mga maiingay kong kaibigan at pansamantala sila ngayong nakikitira sila dito sa bahay ko.

"Eri! Tapos ka na ba?"

Sino naman kaya yun.

"Hindi pa. Pundido kasi yung ilaw dito kaya baka medyo matagalan pa ako."

"Sige"

10 minutes later... 

"Ano na naman ba ginawa mo ha, Zack bugok?!"

Ayan na naman sila.

"Buti naman at buhay ka pa, Misty. Bumaba ka na nga! Napakabagal mo pa naman kumilos." sabi ni Stella habang nag-aagawan sila ni Zack ng takip ng kaldero.

"Oo na po. Baba na nga eh."

Kung dati palaging tahimik dito sa bahay ngayon, araw - araw feeling ko palagi na akong nasa zoo! Simula kasi nung dito tumira sila Zack at Stella, everyday may giyera. Palagi kasi silang nag-aaway. Mas lalo pang umingay nung dumating si Xandre Real, ang mortal kong kaaway. Hindi ko nga alam kung bakit dito nakatira sa bahay ko yan eh! Basta basta na lang siyang sumulpot sa labas ng bahay ko at sinabing...

"Dito na ako titira."

Tapos yun. Pumasok siya sa pamamahay ko at malayang tumira dito. Kung dati medyo nagkakasundo pa kami, ngayon mortal na magka-away na ang turingan namin sa isa't - isa. 

The Substitute CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon