Chapter 4

26 2 3
                                    

*Misty Eri's POV*

"-sing na!"

"Oy! Gumising ka na!"

Si Zack na naman ba 'tong nanggigising sakin? Sabi ko kay Stella siya ang gumising sakin eh.

Dinilat ko ang mga mata ko at ilang segundo pa ay may nakita akong taong kulay pink ang buhok. Pink? Nabakla na ba si Zack? o baka naman si Zero o si Xandre 'to?

"Buti naman at gising ka na" sabi nung pink yung buhok.

Teka...

Napadilat ako at napabangong na lang bigla. 

"WAG MO SABIHIN SAKIN NA TOTOO YUNG PANAGINIP KO NA NAGING SUBSITUTE AKO NG ISANG CUPID NA MAY PINK NA BUHOK AT NAPAKAWEIRD!" 

"Matapos kong ibigay sayo kahapon ang payong at bahay ko. Ako pa nga ang nagpakain sayo kagabi. Nung tinulugan mo yung mga assignment mo kagabi ako pa nga ang naglipat at nagbuhat sayo papunta sa higaan mo. Pinalitan pa nga kita ng pajama eh tapos... tapos..." pagdadrama ng kupidong kulay pink ang buhok.

Ano daw?! 

"Pwedeng pakiulit yung sinabi mo"

"Sabi ko, matapos kong iwan sayo yung payong ko kahapo-"

"Yung sa may bandang huli na!"

"Ako yung nagbuhat sayo at naghiga dyan sayo sa kama. Ako rin ang nagpalit ng pajama mo kagabi alam mo ba y-"

I grabbed his unbuttoned polo shirt and then I said...

"Ngayon ko lang nalaman na may kupido palang manyak at napakaweird!" pagtapos ko isigaw sa pagmumukha niya yun ay inalis niya ang kamay ko sa polo niya at sinabing...

"Ngayon lang din ako nakakilala ng babaeng hindi pa na-iinlove lalo na sa isang tulad kong kupido. This is the first time I met a super selfish and self-centered brat like you. Ni-hindi ka nga marunong mag-blush eh. Kung ibang babae siguro yung sinabihan ko na ako ang nagpalit ng pajama mo kagabi ay magba-blush at kikiligin man lang kahit konti pero ikaw, wala. You're not even cute. Maybe that's the reason kung bakit mo ni-reject si-"

Sinampal ko siya at tumayo na sa kama.

"I've never met someone... WALA PA AKONG NAKIKILALANG KASING STUPID AT KASING YABANG MO! KUNG LAHAT NG CUPID AT SUB-CUPID AY KASING AT MAGIGING KAUGALI MO, I THINK ITS BETTER THAT NO ONE KNOWS I EXIST THAN TO SERVE A BOASTFUlL AND MANNERLESS CUPID LIKE YOU! THOSE PEOPLE WHO ARE LIKE YOU SHOULD JUST PISS OFF AND DIE!

"Yeah! I think you're right that I should just disappear. But please, just let me change you... Just let me change your heart." sabi niya ng sobrang hina.

Nagulat ako nung nakita may kong pumatak sa kamay niya habang nakayuko siya. Pero imbis na lumapit ako sa kanya para i-confirm kung tama ba yung narinig ko, dumiretso ako sa cr at naghanda ng sarili ko.

Pagtapos kong mag-ayos ng sarili ko ay may nakita akong sulat sa ibabaw ng mga notebook ko.

Dear student,

Simula ngayong araw, sa Sanchuoies Academy ka na mag-aaral. Substitute teacher ako doon, ako rin ang magiging adviser mo. Hihintayin kita sa may gate. Ngayong araw din magsisimula ang first mission mo. 

Ps. Sorry kanina. Just don't take what I said earlier seriously. -The one who you called stupid

Tsk.

Nung itatapon ko na yung sulat, may napansin akong picture doon sa may notebook ko. 

Ito ang unang taong tuturuan mo kung ano ba talaga ang love. Pinangalanan ko na lang siyang "first mission" kaya yun na rin ang itawag mo sa kanya. 

The Substitute CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon