*Mr. C (Cupid)'s POV*
Tanga ko talaga!
Ano bang iniisip ko.
Ano ba kasi 'tong pakiramdam na 'to?! Akala ko ba tinanggalan na lahat ng mga diyos ng ganito?
Pero kahit na ano pa man 'yang narararamdaman mo, tandaan mo, cupid ka!
Oo tama, cupid ako!
At ang cupid ay isang diyos ng pag - ibig!
At ang diyos ay dapat lang umibig ng katulad niya o mas mataas sa kanya!
"Mr. C, gising ka na pala." biglang sabi ng school nurse na ewan ko kung saan galing. "Nahiya siguro sayo yung batang nagdala at nagbantay sayo kanina. Nagmamadali kasing tumakbo palabas eh. Umiiiyak pa nga ata. HIndi naman siguro ikaw nagpaiyak doon diba?"
Cupid ka, tandaan mo, iibig ka lang ng katulad mo at mas mataas sayo.
"C... Mr. C!"
"Huh?"
"Sabi ko-"
"Babalik na lang ako mamaya ah. Naalala kong may gagawin pa pala ako." tumayo na ako, kinuha yung coat ko at inayos ko nga konti yung buhok ko. "Ako na rin magpapasalamat doon sa batang nagbantay sakin kanina. Tatanungin ko na rin siya kung bakit ba siya umiiyak."
Joke lang talaga yung pasasalamatan ko yung batang nagdala sakin dito at nagbantay eh. Siya rin naman kasi mag kasalanan kung bakit ako hinimatay at nagkalagnat no! Actually... tinry ko kasi siyang ha-...
"Mr. C? Hindi ka pa po ba lalabas? Mag sasampung minuto ka na yatang nakatayo dyan sa harapan ng salamin eh."
^headshot^
"Oo nga no. Sorry ah. Lumulutang kasi utak ko eh, dahil siguro sa lagnat."
"Sigurado ka bang dahil sa lagnat lang 'yang pamumula ng mukha mo? Pati tenga mo namumula na eh o baka naman may ginawa ka doon sa batang nagbabantay sayo kanina?"
"W-Wala ah!"
Nagmadali akong lumabas at binagsak yung pintuan. Baka kasi mamaya kung ano ano na itanong sakin nung nurse na 'yon eh!
Paglabas ko ng clinic ay sinugod ako ng maraming babae. Kahit na kasi teacher ako dito, marami pa ring estudyante ang gusto akong maging karelasyon. Hindi ako nagyayabang pero, ako ang heart throb sa school na 'to. Pati na nga ata mga lalaki nababakla dahil sa kagwapuhan ko eh.
*KYAAAHHHH!*
Nakakarindi naman 'tong mga babae na 'to!
"G-Girls! Please! May importanteng lakad kasi ako ngayon eh. Sorry pero bukas, promise, Ibibigay ko sa inyo cellphone number ko, okay?"
*OKAY, MR.C!!*
Hirap talaga maging sikat!
Balik na nga tayo sa tunay nating layunin.
Ang gulo gulo na talaga ng utak ko! Pati puso ko nakikisingit na rin eh. Magpa-heart transplant na kaya ako? Okay lang naman kahit hindi ko na hanapin yung babae na 'yon eh. Alam ko naman na matanda na 'yon at kaya niya na ang sarili niya pero bakit ayaw pa rin tumigil ng katawan ko sa pagtakbo at paghahanap sa kanya? Nakatatlong police station na nga yata ako eh.
Sakit talaga sa ulo 'yung estudyante na 'yon!
Wait lang, bakit kaya hindi ko na lang siya tinawagan!
Ano ba naman 'yan! Nagpakapagod pa akong magtakbo takbo eh may cellphone nga pala 'yon! e__e
Umupo muna ako sa bench malapit sa may park at doon ko binukas yung cellphone ko.
*15 Missed Calls from Zeus*
Ito na naman? Sawang sawa na akong makita 'to! Tuwing magbubukas na lang kasi ako ng cellphone ito ang makikita ko eh. Pabayaan mo na nga 'yan.
Pipindutin ko na sana yung number ni Misty pero biglang may nag text sakin. Hindi ko pa sana bubuksan yung message pero nakakairita kasi yung paulit ulit na tunog eh.
Fr. Zeus
May magaganap na meeting 10 buwan simula ngayon.
11 na beses ka ng hindi uma-attend ng mga meetings natin! Alam mo naman siguro ang patarkaran natin diba? Alam mo rin siguro na kapag hindi ka pa umattend bukas ay tatanggalin ka na sa pwesto mo at hindi ka na ituturing na diyos o kasapi namin. Alam mo rin naman siguro na hindi lang 'yon ang gagawin sayo kaya kung ako sayo, pupunta ako sa meeting na 'yon."
Tsk.
Bahala na nga kayo sa buhay niyo!
Tumayo ako at ibinato ang cellphone ko sa may ilog. Nakakasawa na kasi sila eh. Nakakasawa na rin maging diyos! Nakakasawa na 'tong mundo na to!
Habang naglalakad ako pauwi, may nakita akong batang babae na umiiyak.
Babaeng umiiyak...
"Umiiiyak pa nga ata. HIndi naman siguro ikaw nagpaiyak doon diba?"
Kinapa ko yung bulsa ko para at hinanap yung cellphone ko. Oo nga pala, tinapon ko nga pala 'yon sa ilog kanina! Tumakbo ako ulit hindi ko na nga alam kung saan ako papunta eh.
"Eros"
Napatigil ako sa narinig kong boses. Boses yun ni Aphrodite ah.
"Eros, nakikilala mo pa ba ang boses ko? Eros, please pumunta ka sa meeting na gaganapin 10 buwan mula ngayon. Pumunta hindi para sa sarili mo, pumunta ka para sa nilalaman ng puso mo."
"Aphrodite"
"Sana naman naririnig mo ako. Paalam"
Aphrodite...
Pumikit ako at nagpatuloy lang sa pagtakbo hanggan sa mapunta ako sa park na pinanggalingan ko kanina. Bakit ba nandidito na naman ako? Sign na ba 'to na hindi ko na talaga mahahanap yung babae na 'yon?
Umupo ako sa bench na inupuan ko rin kanina. May nakita akong babaeng nakaupo sa madilim na part ng park.
Lumapit ako at umupo sa likod niya.
"Miss" inabot ko yung panyo ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin nung una kaya naman...
"Miss, hindi mo na kailangan ibalik 'to sakin. Hindi mo na rin kailangan humarap sakin at magpasalamat. Kunin mo lang 'to at aalis na ako. Malapit ko na rin sayo ibalik ang mga kinuha ko basta i-promise mo lang sakin na hindi ka na ulit iiyak."
"Hin-"
Bago pa siya magpatuloy magsalita ay yinakap ko lang siya at sinabing...
"Simula ngayong araw, hindi ka na pwedeng tumingin sakin. Tuloy pa rin ang pagiging substitute cupid mo pero bawal ka nang tumingin sakin bawal mo na rin akong hawakan dahil 'pag ginawa mo ang mga iyon, pwedeng ikaw o ako ang maglaho. Pwede rin naman na ang relong puno ng alalala mo ang maglaho. Sorry. Pero ito lang talaga ang naisip kong solusyon. Misty Eri Hestwon, sorry."
Pinakawalan ko na siya at alam kong dahil sa sinabi ko ay mas lalo ko lang siyang ginawang malungkot. Alam kong tanga at baliw talaga ako pero, ito na lang kasi ang natitirang paraan para bumalik ang dating ako.
BINABASA MO ANG
The Substitute Cupid
Teen FictionWhat if someone who doesn't want to fall in love and don't want to know what is love becomes a substitute cupid? ⒸHazelnutcoookie ✿ 2014