*Misty"s POV*
Sorry, ito na lang kasi ang tanging paraan para bumalik ang dating ako"
"Hn"
*You were just a dream that I one new~~*
"A-Ano oras na?"
Tumingin ako sa cellphone ko.
"5:00 pa lang ah. Alam ko sinet ko 'to ng 6:00 eh. Weird. Pabayaan mo na nga"
Dahil masyado akong maaga nagising ngayong araw, may oras pa akong magliwaliw at gumawa ng mga kagagahan. Mahaba haba rin ang isang oras para mag-isip ng kung ano ano ah.
Tumayo na ako sa higaan ko at pumunta sa may bintana para mag-imagine ng kung ano anong bagay.
"Kamusta na kaya kayo dyan, Stella, Zack, Xandre at... Zero?"
Tinitigan ko lang yung buwan at nag-isip pa ng kung ano ano at dahil sa pagtingala kong 'yon, sumakit ang ulo at batok ko. Mukhang kunlang pa talaga ako sa tulog.
Humiga ako sa kama at doon ko pinagpatuloy ang pag-iisip ng kung ano ano hanggang sa naalala ko yung napanaginipan ko kanina, yung tungkol doon sa lalaking nag-sorry sakin at nagsabing gusto niya daw bumalik yung dating siya.
Weird.
Weird talaga.
Napansin ko lang, simula nung tumira ako kasama 'tong kupido na 'to, puro na lang kakaibang bagay ang nangyayari sa buhay ko. Kung dati punong - puno na nga ako ng mga weirdong kasama, ngayon pati yata ako at yung buhay ko, weirdo na.
Hay...
Speaking of that cupid... Makapunta nga sa kwarto niya.
Pababa na ako at papasok na sa kwarto niya, pero nung hahawakan ko na yung door knob, bigla na lang parang may matalim na bagay na tumusok sa daliri ko na nagresulta ng pagdudugo.
Tumakbo agad ako sa cr para kumuha ng gamot at para gamutin 'tong daliri ko nang biglang...
"I already told you right, distance yourself from me."
May parang hanging dumaan at sinabi 'yon. Bakit kaboses siya ni kupido?
Binilisan ko ang paglalagay ng gamot sa daliri ko at nagmadaling pumunta sa kwarto ni kupido.
This time, hindi ko na hinawakan yung door knob, sinusian ko na lang para hindi na maulit yung nangyari sa daliri ko. Pagpasok ko doon, nakita ko siyang nakahiga at tulog na tulog. Lumapit ako para i-check kung siya nga ba 'yon at kung buhay pa ba siya.
"Tulog ka pa nga talaga."
Medyo namumla siya kaya hinawakan ko yung noo niya...
"Don't touch me. Didn't I told you to go away and distnace yourself from m-" *cough*
What the...! Ako na nga 'tong tumutulong at kelan mo pa ba sinabi sakin 'yon ah?!
"Nanaginip ka pa yata eh. Manahimik ka nga muna dyan."
Kahit pilit niya akong pinapalayas at kahit na ayaw niyang magpahawak ng noo niya, hinawakan ko pa rin yung noo niya at tama nga ako... may lagnat ang siraulong 'to.
"Lumayas ka na nga dito. Sinabihan na kita diba, hindi na tayo ulit --"
"Blah blah... Whatever. Hindi ko matandaan kung ano nangyari kahapon at kung nananaginip ka lang ba o totoong sinabi mo 'yan sakin pero ang importante ngayon ay magamot 'yang sakit mo. So you better shut up and take a rest, stupid cupid." sabi ko tapos nag-walk out na ako.
Tch. Ikaw na nga itong tumutulong, ikaw pa pinapalayas!
At yung pinagsasabi niya, ano ba yun? Bakit niya ba ako pinapalayo at bakit parang takot na takot siya sakin samantalang siya naman ang may kasalanan kung bakit ganito ang buhay namin ngayon!
Pabayaan mo na nga siya.
"Ay oo nga pala, hindi ko siya natanong kung anong gusto niyang kainin."
Bumalik na naman ako sa kwarto niya. nakakapagod din pala maging yaya. -A-
"Aphrodite... Ilayo mo na nga ako dito... please. Alam mo naman na hindi ko siya kayang tiisin diba?"
"Sorry, Eros, pero hindi ko pwedeng gawin 'yon. Kelangan mawala 'yang feelings mo para sa mortal na 'yon bago kayo ikasal ni Psyche."
"P-Pero..."
Pagdating ko sa may pintuan ng kwarto niya, nagdalawang isip pa ako na hawakan yung door knob dahil nga sa nangyari kanina. Napapagod na rin ako at tinatamad para kuhanin pa yung susi doon sa kusina. Sisigawan ko na nga lang siya.
"Oy, kupido! Anong gusto mong kainin? Ngayon lang ako magluluto kaya lubus-lubusin mo na!"
"H-Ha?!"
"Sabi ko, ANONG GUSTO MONG KAININ KASI MAGLULUTO AKO."
"W-Wala akong gustong kainin. Tubig na lang. Oo. Tubig na lang at gamot ang dalhin mo dito sakin."
"BAHALA KA. ONCE IN A LIFETIME LANG 'TO MANGYARI"
Wala akong narinig na sagot sa kanya pero may narinig akong isang malakas na ingay... Yung parang may nahulog.
"Bahala ka" tumalikod na ako at naglakad papuntang kusina total ayaw naman niyang magpaluto eh.
"Oy, sandali nga lang."
Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita ang kupidong kala mo ay nakablush on.
"Oh bakit, nagbago na ba ang isip mo at gusto mo ng magpaluto sa-"
Nilagay niya ang daliri niya sa labi ko na parang pinapatahimik niya ako at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
"Dahil masyado kang maingay, magpapaluto na lang ako ng curry. 'Wag mo naman sana ako pakainin ng lason ah." binulong niya sakin ng napakahina at halatamong nanghihina talaga siya dahil para siyang hinihingal at mainit ang hininga niya.
"si--"
Magsasalit na sana ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo at sabay sabing "Goodluck" ng nakangiti.
Sa sobrang shock ko, "Thank you" yung nasabi ko instead na siraulo ka.
Naku!
Naku talaga ah.
Lumelevel up na ang pagka-weirdo ng taong 'to ah. Pati ako nahahawa na.
Ano bang iniisip mo dyan, Misty!
Sinamapal ko yung sarili ko at tumakbo na sa kusina.
Hindi ko maintindihan kasi kahit magulo at hindi ako mapalagay ngayon, napakasaya ko naman.
"Ano, sinabihan mo na ba siya na lumayo sayo?"
"Oo. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para control-in yung sarili ko kaya wala ka nang kelangang alalahanin pa, Aphrodite."
"Mabuti naman kung ganoon. Ipagpatuloy mo lang ang pag-iwas sa kanya at sigurado akong mawawala 'yang nararamdaman mo para sa kanya."
"Sana nga."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry sa sobrang late na update. Alam kong sobrang magulo 'tong story at mahirap intindihin kaya kung may mga suggestions po kayong dapat 'kong baguhin, you can message me or comment here. Thank you po sa pagbabasa! \(*A*\)
BINABASA MO ANG
The Substitute Cupid
Teen FictionWhat if someone who doesn't want to fall in love and don't want to know what is love becomes a substitute cupid? ⒸHazelnutcoookie ✿ 2014