*Misty Eri's POV*
Bakit siya nandidito?!...
Nandito po kami ngayon sa may garden ng school. Magkaharap ngayon si Stella at yung lalaking gumawa nung sulat habang ako ay hila hila ni Stella.
Ngayon ko lang nalaman kung gaano kasakit makaladkad galing third floor papuntang garden. Masakit sa paa at sa pwet.
"A-Ako nga po yung taong naglagay nung sulat." sabi niya habang kinakamot yung ulo. "Ako nga po pala si Zandrei Shun."
Sabi ko na nga ba at siya yung tao na yun eh! Bakit siya nandidito? Bakit magkapareho kami ng uniform? Pero teka... Mas tumangkad yata siya. Lumalim din yung boses niya. Kelangan kong umisip ng bagong pang-asar sa kanya. Ano ba bagay... tingting na uminom ng glutathione? Oo yun na lang.
"Misty, tumayo ka na nga." sabi ni Stella sabay tulak sakin.
"Bakit ba napaka-violente mo, Stella?"
Ngumiti lang siya at naglakad na palayo.
Yung babae na yun! Matapos niya akong harassin, iiwanan niya lang ako dito.
Tumayo ako at nagpagpag ng palda habang yung tingting na uminom ng glutathione ay tahimik at nakayuko lang sa harap ko.
"Tahimik ka ata. Ang tangkad mo na ah! Hindi na kita pwedeng tawagin na bansot kaya tingting na nakainom ng gluta na lang. Bakit ka nga pala nandito sa Pilipinas? Sa pagkakaalam ko gusto ka ipadala ng tatay mo sa Japan diba?"
Humarap siya sakin. Nakangiti siya pero parang ang lungkot nung ngiti niya. Ayaw niya ba nung nickname na binigay ko sa kanya? Dapat siguro kapreng lumamon ng gluta na lang.
"Hindi ka na talaga nagbago Ate Eri. Hanggang ngayon hindi mo pa rin pinapansin yung mga taong hindi mo kilala. Naghihintay ka pa rin na sila ang lumapit sayo." sabi ni Zandrei habang nakatitig sa mata ko.
Nagulat ako sa sinabi niya ah.
"Sinabi ko naman sayo diba, hindi ko kailangan ng mga taong iiwan lang ako o gagamitin ako. Eh ikaw, mukhang naging mas matapang ka na ah. Mukhang kaya mo ng magpakalalaki ngayon, tandaan mo, 'pag kailangan mo ng tulong nandito lang a-"
Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nilagay sa dibdib niya.
"Nandito ako dahil sa letter. Ako yung taong nagsulat at nagbigay nun sayo. Please. Kahit ngayon lang, ituring mo naman akong lalaki." yumuko siya. "Akala ko nung bata pa ako yung nararamdaman ko na 'to para sayo ay parang pagmamahal lang sa ate pero habang tumatagal, mas lalo lang kita minamahal. Ayaw ko na may kasama kang iba bukod sakin, babae man o lalaki. Akala ko normal lang yun kasi mahal kita bilang ate pero isang araw nagising na lang ako na-"
Binatukan ko siya. Gusto ko pa nga siyang patikimin ng upper cut ko eh kaso baka tumalsik siya sa mundo ng mga bansot. Baka matakot pa yung mga bansot sa kapreng 'to.
"Baliw ka na talaga no. Siyempre natural lang na ganyan yung maramdaman mo para sakin dahil matagal tayong nagkasama. Tayong dalawa lang kasi ang palaging magkasama noon kaya normal lang namagkaroon ka ng crush sakin. Pero sigurado akong pagnagkaroon ka ng kaibigang babae na kasing ugali ko, ganyan na ganyan din ang mararamdaman mo para sa kanya."
Bumitaw na siya sa kamay ko at naglakad na ako pabalik sa classroom.
--
Habang nasa may garden sila Zandrei at Misty, ito naman ang nangyayari ngayon sa loob ng section B
--
*Zero's POV*
"ZERRROOO!"
BINABASA MO ANG
The Substitute Cupid
Teen FictionWhat if someone who doesn't want to fall in love and don't want to know what is love becomes a substitute cupid? ⒸHazelnutcoookie ✿ 2014