Yeah, she's back.

499 40 36
                                    

(I am changing things, guys. Uh, revision? )

Coming back to this school is far from scary.

Kung sa ibang tao nangyari ang ginawa ng mga 'kaibigan' ko sa akin, baka nagtago na sila sa ibang bansa at hindi na bumalik. Dahil kahit naramdaman ko ulit ang sakit, mas ramdam ko na ngayon ang galit.

But don't think that I am the typical bad girl turned good because I am not.

Sinong matinong tao na linoko ng mga taong mahal niya sa buhay ang kakayaning magpakabuti pagkatapos siyang saktan ng mga pinagkatiwalaan niya?

Last year ay nag enroll ang pinsan kong si Jazmine sa Bay View. Siya ang naging mata ko sa campus for the past year na nawala ako.

Ayon sa kanya, magkakasama parin daw silang lahat. Masaya ang barkada kahit wala ako. Yeah, I think they knew that from the very beginning. Kaya nga it didn't matter if they played with me, right?

Nang nakita ko ang kotse nina Jaz sa likuran ng sasakyan namin ay bumaba na ako para batiin siya.

"Kuya Ron, text nalang kita kung papasundo ako."

Sinara ko ang pintuan ng Fortuner namin at lumapit sa bintana ng Aston Martin nila at kumatok. This is probably her brother's car.

Narinig ko ang pag-unlock ng mga pinto kaya lumayo ako ng konti sa sasakyan.

Jazmine stepped out of the car all made up for the first day of school. I guess she's excited about her last year as a senior high student.

She grinned at me like a kid kaya naman nagtaas ako ng kilay.

"What?" tanong ko sa kanya nang tahimik niya parin akong tinitignan

Nagkibit balikat siya atsaka tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"It seems that I'm not the only one excited for the first day, Jefra."

Ha? Mukha ba akong excited? Do I look dolled up too?

She clung to me like I'm her escort or something but in a girl-girl kind of manner.

"How does it feel to be back?" she asked while we were strolling the halls.

Hindi ako sumagot.

I was busy observing everything and taking it all in.

The place hasn't changed. Parehong-pareho ang pakiramdam nito sa akin. Same buildings, same rooms, same lockers, same annoying people.

Sa paglalakad namin ay madami ang napapatingin sa akin at pagkatapos ay bubulungan ang mga kasama.

Sana naman kung pagchichismisan nila ako ay huwag nilang ipahalata sa akin hindi ba?

"Well you seem famous," bulong niya sa akin.

Bawat makasalubong namin ay tinitignan ako ng mabuti. Siguro ay para makasigurado kung ako nga ba ito. Kung bumalik na nga ba ang taong ipinahiya ng sobra dalawang taon na ang nakalipas.

You're probably wondering kung bakit hindi nalang ako mag move on, hindi ba?

Kung ang iba nga, crush lang hirap nang mag move on. Ako pa kaya?

Huminto kami sa paglalakad nang may narinig kaming tumawag sa pangalan ni Jazmine.

The girl has long brown hair and fair skin. Same qualities of some girl I used to be friends with.

"You must be Jefra. Hi, I'm Clare." masaya niyang bati sa akin.

I offered her a handshake to formally introduce myself.

Bad Girl Made Worse - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon