Monarch Battle of Minds

280 28 37
                                    

Hi guys !!! Sa next chapter, wala muna gaanong sagutan. Kaya namnamin na ito. Hahaha peace xD phone parin po ang gamit ko, kaya pagpasensyahan nyo na.

Thanks po :* Enjoy reading :)

-------------------------------------------------

Patricia‘s POV

Nandito kami ngayon ni Trix sa restaurant nila. Actually, madalas ako dito dahil favorite ko yung spaghetti nila.

While I was eating, I noticed that the person I am with is not in the mood.

"Huy, Trix. May masakit ba sayo?"-- I asked

She looked at me. And seemed like she is in some sort of pain.

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"--tanong ko sa kanya

"May gamot ba doon na pampalimot kay Lance?"--she answered.

Napailing nalang ako sa sinabi nya

"Ano nanamang nangyare?"

Beatrix‘s POV

"Ano nanamang nangyare?"

*flashback*

Nang mag walk out si Jef, parang hiniling ko nalang na sinampal nya ako, physically. Kase isang napakalakas na sampal ng realidad yung ibinigay nya sa akin e.

Pero lalo akong nanghina nang pumasok si Lance na galit na galit

"Anong pinagsasabi mo kay Jef!?"--Pasigaw na tanong ni Lance

With that, naiyak na ako. Di nya ba maintindihan na I did that for him?

"Nagsumbong sya sayo?"-- sabi ko habang pumapatak na ang mga luha ko.

"E bakit siya magsusumbong kung natalo ka nya?"

Edi kase! Siya na panalo!

"Then how did you know about our conversation?"--ako

"Tatambay sana ako dito dahil wala akong kasama. Nawawala si Ivan at Kyzer"-- dire-diretso nyang sabe

Lalabas na sana siya nang magsalita ulit ako

"Bakit ba ayaw mo saken? Bakit di mo ako kayang mahalin?"

Grabeng lunok na ng pride ang ginawa ko. Tsk. Ganito ba talaga pag nagmahal? O minalas lang talaga ako at ako lang ang dumanas ng ganito?

Pero alam nyo kung ano ang halos sumira sa akin?

Yung sinagot nya.

"Because you're not her."

*end of flashback*

Damn.

Eris' POV

"Guys, may club activity daw mamaya."-- Ivan sa buong klase.

May club activity mamaya? Hah! Masaya to. Mag aala Clash of The Titans nyan sa meeting. Hahaha.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko.

Si Jef, nakikipaglaro ng jack and ketchup kay Lance. Hahaha.

Si Trina, parang kinakausap yung sarili…? ay hindi! Nakatingin siya kay.... Kyzer?

Kay Kyzer!?

May something ba sila!?

Sagutin nyo ako!!!

Kase hindi sila pwede! I mean... Gusto ni Sofia si Kyzer e. Ano yun? Magkaibigan isa ang pag aagawan?

Bad Girl Made Worse - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon