First Day With The Bad Girl

325 37 18
                                    

Jefra's POV

Kasalukuyan naming naglalakad sa hallway nang magsalita si Eris.

"Ano bang problema ng mga to? Kung makatingin wagas."--reklamo ni Eris

Minsan talaga tanga to e. Pasensya na.

"The Campus Bad Girl is back. What do you expect?"--Sofia

"Hays. Sigurado magiging malaking pasabog sa meeting mamaya ang come back mo, Jef."--Trina

"Meeting?"--tanong ko.

"It started nung January. Every monday, may meeting ang mga campus monarchs. Para daw mapag planuhan kung may activity for the week."--pag eexplain naman ni Sofia

Tss. Ang dami naman palang kabaklaan nung nawala ako e.

Dumiretso muna kami sa cafeteria. Tutal, wala naman kaming balak pumasok ng maaga noh. Atsaka hindi pa naman ata nag ring yung bell.

Binuksan ko ng padabog ang pinto ng cafeteria. Kaya naman nakuha namin ang atensyon ng lahat.

Halatang nabigla ang marami sa mga nakikita nila. Pero mayroon din namang natuwa. Aba! Dapat lang! Magiging exciting ulit ang buhay dito sa school. Alam ko namang simula nung nawala ako, puro mga elegante ang mga programs. Tss. Sinong mag eenjoy sa bake sale? Gay sh*t kaya yun.

I'm really loving the attention. Kaya naman tumayo ako sa isang table at nagsalita.

"Ladies and Gentlemen, for those of you who do not know me, I am Jefra Cassandra Montreal, and I'm the Campus Bad Girl."--sabay bow ko na parang prinsesa

Naging maingay naman sa buong cafeteria. Ang daming naging masaya sa pagbabalik ko. Pero syempre, sisiguraduhin kong may kakaunti na magdurusa. If you know what I mean ;)

"ANONG KAGULUHAN TO!?"

Napatingin naman ako sa sumigaw. And I can't help my self from smiling.

"JC?"--medyo mahinang tanong niya pero rinig ko parin.

"Oh my dear ex, you don't have the right to call me that. Missed me?"--kalmadong sagot ko with matching ngiti pa.

Magsasalita sana siya nang dumating si Trish at si Trix

"Anong nangyayari?"--Trish. Pero natigilan din siya nang makita niya ako.

"Oh. Siguro hindi mo ako namiss. You have a new toy. How cheap."--ako

Lahat ng tao nanonood lang sa amin. Hah! Let's see. Kahit hindi ako nag aaral, matalino ako. At kayang kaya ko sila sa sagutan.

"Excuse me? Are you calling me a toy?"--parang di makapaniwala na tanong ni Trish sa akin.

"Oops. I didn't refer to anything. How are you even sure that I'm referring to a human? A toy is something you can just throw away. Is that how you describe yourself, Miss Patricia Domingo?"

Oh yeah! I missed this! Wala akong kaaway sa bahay e.

"Ewan ko. I don't know what's the feeling to be a toy e. Baka ikaw naranasan mo na?"--Trish sabay tingin sa akin from head to toe.

So, I did the same.

"Actually, yes. And that for a fact, made my life exciting. Haha. Di ka parin nagbabago, Domingo. Mula ulo, mukhang paa ka parin."--ako

Madami namang natawa sa sinabi ko. At halatang napipikon na siya.

"Why are you even here!?"--Trish

"I'm here to end the game, that your bestfriend, and your boyfriend started."--madiin kong sabi sa kanya.

Kahit gaano pa niya subukang itago ang takot niya, hindi parin niya nagawa. Tsk. Poor girl.

"Mahal ako ni Ivan."--Trish

"Oh darling, yan din ang akala ko nung kami pa. Tss. Tingin mo ba talaga yun ang plano ko? Na aagawin ko siya sayo? Just... eew. That's gross, disgusting, pathetic, stupid, and most of all... that's not how I play.  Bakit ko naman gugustuhing maging boyfriend ULIT ang isang big headed, girl friend lying, heart breaking, egotistic jerk?"--tanong ko sa kanya.

She regained her posture that she lost a while ago and looked at me na para bang may panlaban na siya sa akin.

"Jef. Remember this. Hindi tayo pareho. Hindi niya ako linigawan dahil sa isang dare. Boyfriend ko siya ngayon dahil MAHAL NIYA AKO."-- pinag diinan pa niya ang mga huling sinabi niya.

Oh yeah. I'm about to end this.

"Kung talagang mahal ka niya, bakit cool lang siya ngayon? Bakit parang wala siyang pakialam that you're about to go to London for good? Tss. Kung talagang mahal ka niya, edi sana nag apply na siya sa lahat ng mga colleges doon kahit wala naman siyang pag asa. Yeah... Maybe he loves you at this moment. Pero sa nakikita ko, I don't think HE thinks that your relationship is strong enough to last until graduation."--sabi ko habang nasa bewang ko ang dalawa kong kamay.

Medyo naluluha na siya nang sagutin niya pa ako.

"P-paano mo yan nalaman? K-kami lang nina T-trix at Ivan ang m-may alam niyan."--Trish

Tumawa muna ako ng malakas bago nagsalita.

"Oh My God! Tingin niyong lahat umalis ako!? HAHAHAH. I can't believe this! All of you are soooo stupid. I never left!"--and with that, I caught everyone's attention. Now I'm sure that every single person is listening.

"W-what do you mean?"

This time, si Beatrix naman ang nagsalita.

"Hindi ako umalis. Psh. You guys are soooo dumb. Dapat, nung nawala ako saglit, naging mabait kayo sa mga kaibigan ko. Hindi yung ginawa niyo silang alila nyang kaibigan mong pinsan ni Satanas!"--sigaw ko kay Trix

Sasampalin niya sana ako nang mapigilan ko siya.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo na sampalin ako noh? Gusto mo bang ipa block ko yung mga applications mo sa lahat ng Universities? You know how powerful I am Beatrix."

"JC! Itigil mo yan!"

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"I told you. Don't call me JC. Ang mga taong mahal na mahal ko lang ang tatawag sa akin yan. Kung nga ang mga kaibigan ko na super importante sa akin di ako tinatawag sa nick name na yan e. Tapos ikaw? Ikaw pa ang may lakas ng loob na tawagin ako niyan? Ikaw pa na pinaglaruan ako? E ang tigas pala ng mukha mo e."--ako

"What's happening here?"

Bakas naman sa buong cafeteria na nag aalala sila kung anong pwedeng mangyari. Syempre. Nag aaway ang mga monarchs sa harap ng buong student body e. Siguradong takot na takot sila sa principal ngayon. Pero ako? Hah! Best friend ko kaya yan.

Tahimik silang lahat. Si Trish naman, ayun. Nakayuko. Tss. Pwede na atang maging artista yan e.

"Sir, I can explain-"

Hindi natuloy ni Ivan ang sasabihin nya nang sumigaw ako.

"Yo!"

Nanlaki naman ang mga mata niya. So I ran to him and gave him a high 5.

"JC!? I didn't know na dito ka ulit mag aaral!"--Kuya Kevin

"Hi, kuya! Big time ka na ah! Natatandaan ko pa nung nagpatuli ka pa lang. Binata ka na oh! Hahaha."--ako sabay gulo ng buhok niya.

Siya si Kuya Kevin. He's my cousin. Ang mommy niya ang dating principal dito. Si Tita Stella. Siya ang nagpalaki sa akin habang busy-ng nagpapayaman sa States ang mga magulang ko. Kaya naman parang kapatid ko na si Kuya.

"Hahaha. Sira. Tara sa office ko. kwentuhan muna tayo bunso. KAYONG LAHAT! GO TO YOUR CLASSROOMS."

Special treatment? This is going to be awesome!

Bad Girl Made Worse - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon