My Ex-Girlfriend's Boyfriend (Part 10)

3K 46 0
                                    


Makalipas ang ilang linggo kong panunuyo kay Kate ay sinagot na rin niya ako. Naging madalas na rin ako sa bahay nila. Nakilala ko na rin ang kanyang mga magulang na pawang mababait naman. No wonder kaya lumaking mababit din ang kanilang dalawang anak. Hindi lamang ako naging malapit kay Kate. Pati sa Kuya Luis niya ay napalapit na rin ako at sa syota nitong si Izza. Halos tuwing weekend ay tambay ako sa bahay nina Kate at kung may lakad silang buong pamilya ay kasama na rin ako.

Minsan nag-set ako ng double date with Liza and Jun. Gusto kasing makilala ng dalawa ang bago kung girlfriend. Botong-boto si Liza kay Kate. Pero parang may kakaiba akong napansin kay Jun. Tila hindi siya yung Jun na kilala ko na palakwento at palabiro. Kakaiba ang katahimikan niya ng gabing iyon. Pagkatapos ng double date naming iyon at nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nag-text sa kanya upang tanungin siya sa inasal niya ng gabing iyon.

"Bro okey ka lang ba kanina? Mukhang hindi ikaw yung Jun na nakikilala ko." ang unang text ko sa kanya.

Matagal bago siya nag-reply.

"Sorry bro. Ngayon lang ako nakareply. Kadarating ko din lang sa bahay. Okey lang naman ako bro." ang reply niya.

"Mukha ka kasing tahimik kanina." ang text ko na naman.

"Yun ba? Wala yun. Natutuwa lang ako at may girlfriend ka na." ang text naman niya.

"Mukha ka bang natutuwa sa ayos mo kanina? Galit ka ba sa akin?" ang tanong ko naman.

"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit sa iyo?" ang tugon ni Jun.

"Aminim mo bro. Galit ka sa akin." ang text ko naman.

"Bakit nga ako magagalit sa iyo?" ang text naman niya.

"Ewan ko. Baka nagseselos ka sa girlfriend ko." ang text ko kay Jun.

"Bakit naman ako magseselos?" ang text naman ni Jun.

"Ewan ko. Bakit nga ba?" ang tanong ko sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" ang text ni Jun.

"Mahal mo ba ako Jun?" lumakas na ang loob kong tanungin si Jun.

"Ano ka ba? Bestfriend tayo." ang tanging text ni Jun.

"Pero love mo ba ako?" ang tanong ko muli.

"Ano ba yang mga tanong mo? Buti pa matulog ka na at maliligo pa ako." ang text naman ni Jun.

Hindi ko na kinulit si Jun. Nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog na ako. Laking pagtataka ko talaga kay Jun ng gabing iyon. Hindi naman siya dating ganoon. Tama siguro ang kutob ko na mahal na ako ni Jun at pinagseselosan niya si Kate.

Isang weekend ay inimbitahan ni Kate sin Liza at Jun na doon mag-lunch sa kanila. Mahilig kasing magluto si Kate at ipatitikim niya ang mga bagong putahe na alam na niyang lutuin kina Kate at Jun. Si Liza ay agad pumayag. Subalit si Jun ay pinilit pa naming dalawa ni Liza.

Sa bahay nina Liza ay lubos na nakilala ni Jun ang kuya ni Liza na nakita niya sa harapan ng aming bahay ng minsang ihatid ako nito. Naramdaman ko na pinipilit ni Jun na maging normal ang kanyang pakikitungo kay Kate at kay Luis. Hindi ko alam kung nararamdaman din iyon ni Liza. Siguro nga ako lang ang nakakaramdam dahil may iba na din akong nararamdaman kay Jun. Baka nga mahal ko na rin siya at sobrang conscious lang ako sa mga ikinikilos ni Jun.

Nang matapos ang lunch namin ay nagyaya si Luis na maglaro kami ng computer games. Lahat kami ay nagtungo sa sala at isang malaking LCD TV monitor ang ginamit namin upang lahat at maka-appreciate ng nilalaro kahit hindi sila mismo ang naglalaro. Syempre katabi ko si Kate na naupo sa isang love seat at nakaakabay ako kay Kate. Madalas kong mapansin si Jun na sumusulyap sa akin. Alam ko na nagseselos na siya. Sa tuwing magtatawanan kami ay niyayakap ko na si Kate. Ewan ko pero nakikita ko sa expression ng mukha ni Jun na tila naiinis na siya lalo na kung magsasalubong ang aming mga mata.

My Ex-Girlfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now